Chapter 8
KIM'S POV
"Class dismissed." salamat naman at natapos na ang klase. Kanina pa kasi ako tinatawagan no Ara para mag coffee daw.
To: Ara
Vic dun tayo sa Cafe malapit sa condo mo.
*sent!*
*bzzzt bzzzt*
From: Ara
Okay sige sige. See you.
Ewan ko pero bat parang ang seryoso nya talaga ngayon. Hindi man lang sya nag jjoke sakin. Parang ang unusual sa isang Victonara Galang na palatawa at joker.
Maya maya pa ay nandito nako sa shop. Nakita ko si Vic, yung kanina pa din ung suot nya. Nag y'yosi sya ngayon at umiinom ng green tea frappe.
"Ano bang problema mo, pare ha?" huh? Problema? Ano sinasabe neto!
"Anong problema?" kalma kong tanong ulit. Naguguluhan talaga ako ngayon, ano ba ang problema na tinutukoy nya?
Nag pakawala sya ng buntong hininga.
"Pare alam mo na may gusto ako sa kanya.. Bat kailangan mo maging ganyan?"
"Pare wala naman ako problema ah? Get straight to the point.." nagpakawala naman sya ng usok ngayon mula sa bibig nya at saka nya pinatay ang sigarilyo nya.
"Bat mo pa kailangan pormahan si Mika?"
"A-ano? Hahahahahahahaha!"natawa naman ako sa sinabi nya. Si mika? Popormahan ko? Diyos ko po, may Mela na ako! Ano pa ba ang kailangan ko?
"Pare ano ba di ako nakikipagbiruan! May gusto ka ba kay Mika?" kalma ang pagkasabi nya nito.
"Eh pare naman, kelan ko naman sya pinormahan? May mela na ako, at di kami talo. Hahaha nakakatawa yang tanong mo. Akala ko naman kung ano na."
"Eh bat magkasama kayo pupunta sa university kanina? At pinagbuksan mo pa sya ng panyo? At nung training bat ang close nyo na nakapalupot pa kamay nya sa bisig mo? Patawa tawa pa kayo! Tapos--"
"Dapat kasi susunduin ko si Mela, e kaso di natuloy kasi kasama nya mga kaibigan nya, e paalis na din si Mika, kaya gusto nya daw sana may kasama sya sa pag commute. Tas pinagbuksan ko sya ng pinto kasi tuloy tuloy ka sa driver's seat e ang dami nyang bitbit kaya nagpatulong sya sakin. Tas nung training, ginagaya ni Mika si Cienne kapag kasama nya ang boyfriend nya. Kaya ayun, natatawa nga din ung mga nasa likod namin eh. Yun lang yun brad, no feelings."
Pakiramdam ko naman na gumaan ng kaunti ang mga saloobin nya.
"Hay, salamat bro."
"Kaya ba hindi mo ko pinapansin? Kasi yun yung iniisip mo?" tanong ko naman habang nagsip ng frappe.
Yumuko na lamang sya at saka tumango. What the actual fck?
"Vic sana matuto ka muna magtanong bago ka gumanyan."
"Sorry, Ate Kimmy. Pero kaya nga kita kinonfront eh, kasi ayokong pag isipan kita ng masama."
"Okay lang, naiintindihan ko naman.. Nga pala, sa Friday na tayo aalis, kaya naman bumili bili ka na ng unti unti para naman wala nang rush kapag thursday." tsaka naman sya tumango.
BINABASA MO ANG
This Love Is Ours | Mika Reyes - Ara Galang
FanfictionYou know it's right, but you also know it is not. The battle of the heart and mind.