Chapter 21

1K 30 3
                                    

AFTER 5 YEARS

ARA'S POV

Limang taon na noong nawala si Mika.

Miss na miss na miss ko na siya. Sa buong limang taon na yun, never ko syang nakalimutan at never kong kinalimutang sabihan siya ng 'i love you' bago ako matulog.. Kung tutuusin, matagal na noong nawala siya pero para sa akin, isang pikit pa lang.


"Pre, ang layo naman ng iniisip mo.." sabi ni ate Kim. Dito na sila nakatira ni FO ngayon, simula nung namatay si Mika.

"Kumain ka na, FO! Happy Birthday!" binigyan naman ako ng breakfast ni FO. Bacon and eggs, sunny side up.

"Thank you, FO!" ginulo ko ang buhok niya. Ilang taon ko nang hindi siya nakakasama sa birthday ko. Ilang taon ko nang hindi nakakasama si Mika sa birthday ko.

Noong wala pa kami ni Jessey at 'secret admirer' nya pala ako, andyan sya parati, at basically siya parati ang pasimuno ng surprises para sa akin.


Kahit nung kami na ni Jessey, ayun. Siya pa rin ang pasimuno. Bestfriend ko siya eh. She was always there. I have never felt so sad during my birthdays, until today. She's gone.

"Pre san mo gusto kumain? Sa resto ba?" Oo nga pala, may restaurant na kami. Pinangalan namin itong Mika's. It's a fine dining restaurant.

Mika's, a tribute for Mika.. Hay, I miss her..

"Sige dun nalang, tawagan mo naman ang bullies.." so tinawagan na ni ate Kim gamit ang landline.

"Miss ko na si Mika.." sabi naman ni Mela. Hay, I miss her too, Mela. I miss her too.


"Ako rin.. Miss ko na ang lahat sa kanya... Miss na miss ko na siya.."


"Ate Kim, di tayong pwede pa-gabi ah? Bibisita pa ko kay Mika." ngumiti naman siya at sinabing, "sabay sabay tayong bibisita sa kanya."

ff

"Wow FO! Ang sarap talaga ng pagkain dito ah? Di nakakasawa." Kaharap ko si Mela ngayon, katabi niya si Kim.

Present sila Mama, Papa, Kuya Jhun, Lady spikers; Ate Aby, Ate Mok, Justine, Carol, MaJoy, ang kambal, Mela at Kim.

"Happy birthdaaay toooo youuuu! Yehey!" Nagpalakpakan naman silang lahat at sabay ibinigay ang cake.

"DaughterF, make a wish..." pinikit ko ang mga mata ko...


Make a wish...

Sana, napatawad na ko ni Mika. Tuwing birthday ko simula nang mamatay si Ye, yan na ang lagi kong winiwish. Lord, Sana napatawad na po ako ni Mika. Mahal na mahal ko po siya.. Mahal na mahal.

"Hoy, nakatulog na ka ata diyan Vicky? Hahahaha!" Panira talaga kahit kailan si Cienne.

"Hahaha, eto na eto na," blinow ko na ang candles. "Yaaaay! Happy birthday, Vic!"

Malaki ang ngiti ko, pero hindi ko rin naman maitatago ang kalungkutan. Ilang taon ko nang cinecelebrate ang birthday ko na wala siya. Ilang years na naming cinecelebrate ang birthday ko na hindi kompleto.

"Happy Birthday, Anak." bati sakin ni mommy at daddy. "Happy Birthday, brad!" nagfist bump kami ni kuya Jhun.


"Are you enjoying the meal?" tanong ko naman sa kanila. Nasa kabilang table naman kasi sila eh.

"Yes anak, I'm proud of you! We are!" ang laki ng ngiti ni mommy. "Malalagpasan mo rin yan anak. Alam kong mahal na mahal mo si Mika." ngumiti siya sakin. A comfort of a mother.. Ahhhh.. Napakagaan sa pakiramdam.

This Love Is Ours | Mika Reyes - Ara GalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon