Chapter 32 - Lies

660 23 2
                                    

11:49pm / Thursday / 07/2/15

8 chapters left. Short update to. Enjoy 😅

----

MIKA'S POV

"Sorry, Ara. Sorry! Please wag mo akong iwan." ramdam na ramdam ko ang pagpintig ng puso ko. Ang lakas ng kabog, tila gustong lumabas sa kinalalagyan nito.

"Tangina, Mika. Sana di nalang kita nakita ulit. Anong gagawin ko sa batang iyan?!" hearing her voice mad makes me want to faint. Ang sakit.

"Hinding hindi ko yan matatanggap!"

"Ara naman. Kumalma ka, please." ni-try awatin ni Cienne si Ara, ngunit nagpumiglas ito.

"Paanong kalma? Paanong kalma, Cienne? Puta! Tanginang buhay to, oh!" naluluha na siya sa galit.

"Mika... Mika! Mika!"

Agad akong napaupo sa board ng kama ko. Hindi ako mapakali at patuloy lang ang pagsinok at pag-iyak ko.

"Nananaginip ka nanaman.. Tubig, o." Iniabot sa akin ni Mama ang isang basong tubig. Agad agad akong uminom dahil nauhaw talaga ako gawa ng natuyot ang lalamunan ko dahil sa pag-iyak.

"Si Jillian, Ma? Nasan siya?" naiiyak kong tanong.

"She's with Kief, remember? Uuwi siya next week. For the mean time, wag mo muna siyang isipin. Ano bang nangyari sayo, Nak?"

"Nanaginip ako, Ma. Hindi daw ako natanggap ni Ara. Hindi niya kasi matanggap ang anak ko.. Ma... Mama.." naiiyak pa din ako. Pakiramdam ko, lahat ng nasa panaginip ko ay totoo.

"Sssshhh.. Now, we both know na hindi ganun si Ara."

"I know. Pero, this is a big deal, Ma. May anak ako. Kay Kiefer pa." unti unti na akong nakatahan at inihawi ko ang luha ko.

"Sus. Tanggap ka ni Ara. Anak mo yun. Kahit sino pang tatay ni baby Jillian, tanggap nya kasi ikaw ang nanay."

"We have no hold of the future, ma. Anything can change. Anything can happen. Agad nyang nabalik yung trust nya sakin, pwede nya din agad bawiin yun. Ayoko."

"Que sera, sera, anak. Just hope for the best but expect for the worst."

She tapped my shoulders at umalis na sa kwarto ko. I sighed. I hope everything will turn okay.

Diniall ko si Kiefer. Kailangan kong pauwiin na agad at kausapin ang bata.

"Hello? Kief?"

"O? Napatawag ka? Everything's fine, Jillian's having fun naman dito."

"Ah, kakamustahin ko lang anak ko."

"Here," dinig kong bulong nya sa kabilang linya.

"Good morning, sweetie."

"Mom. Good morning! Sup?" Haha, tong anak ko. Parang katropa ko lang eh. Nahahawa sa kakulitan ng daddy nya.

"How are you na? Are you enjoying? Have you eaten breakfast na? Anong gagawin nyo today? I miss you, nak!"

"I'm fine, mom. Yes i'm enjoying, we're about to eat breaky pa lang, and we'll go island hopping later on. I miss you too, mom!"

"Good, anak. See you soon. Love you my little baby!"

"I looooove you too, mommy. Bye!"

I hung the phone and went straight to the bathroom para mag shower at magtoothbrush. May usapan kasi kami ngayon ni Vic kasama ang kambal at si Kimmy.

****

"Miks!!!!" sabay sabay nilang sigaw.

"Hi, Cienne! Cams! Kimmy! Vic!" sabay beso ko naman sa kanila, isa isa. Napansin ko na todo ang bihis nilang lahat. Nawala ang suot kong baggy pants at cropped top.

"Good everything's okay na. No pretentions. Just pure fun. Ang saya talaga kapag walang tinatago, diba?" Sabay tingin sa akin ni Cienne pagtapos niyang binitawan ang mga salitang iyan. Halatang pinaparinggan ako na may hindi pa ako sinasabe eh. Not now, Cienne.

"Oo nga. Ang saya." Kim said, coldly. May problema to, no doubt.

"O, napano si negnog?" pang-asar ko.

"Shhh. Wag ngayon." Camille mouthed. Nakwento na din kasi sakin ni Ara yung about sa nangyare kay Kimmy at Mela. I hope hindi na lumala. Cold kaya sila sa isa't isa ngayon.

"Let's not ruin the moment." Ara said.

She held my hand. Both of my hands. Hinalikan nya ang likod ng palad ko.

Tangina. What's this?

"Mika.. We've waited long enough for this.." Evident sa mukha niya na sincere siya sa pagkasabi nya nun. I can see her tears dwell in her eyes. Naluluha na siya.

"I know i've been a jerk. Nagsinungaling ako. And it ruined everything. You know what? I'm thankful.." napayuko siya. "Thankful ako, kasi God had this planned. Kailangan pa talaga na maging ikaw si Danica, ha.. Haha, but luckily, ikaw naman pala talaga si Mika. Ang una at huling babaeng minahal at mamahalin ko. I've learned my lessons. 5 years is not a joke. Ang dami na sana nating nagawa. But unfortunately, wala pa. Wala pang remarkable moments.. From now on.. I'll be honest. Honest with everything. Because I know, you'll always understand. And I love that. And I know I shouldn't take advantage of that. Thank you, Mika. You gave me another chance. Kahit na gago ako. At kahit na hindi ko deserved to." she pointed on my heart.

"Honesty, Mika. Yun ang hindi ko naibigay pero buo mong ibinigay sa akin.. I'm sorry, Mika. I'll never do it again, because I never want to lose you ever, again. So, I'm gonna give you this.. Please, tanggapin mo..."

Lumuhod siya sa harap ko and pulled out a red small box from her pocket.

"Take this promise ring.. Mika. This is my oath to you. Mahal na mahal kita, at hindi ko na hahayaang mawala kang muli sa buhay ko. I'm certain. I have always been certain about you. Hinding hindi kita iiwan. Kahit anong 'kahit' pa."

Bigla ko nalang naramdaman ang mga luha kong naguunahan tumulo sa pisngi ko. Umiiyak nako. Dahil sa mga sinabi niya. At dahil sa mga sikreto ko. It's like the world's pumping me to tell her the truth. What if I ruin the moment kung sinabi ko? Sweet niblets.

"Shall we start our forever?" she asked.

"Oh my God. Vic and Mika!"

"Shit Cienney, i need more tissue paper."

"Sana ganyan nalang kami ni Mela. Ang sweet nila."

"Say yes, Mika!"

"Hindi ko yan matatanggap sa ngayon, Vic... Mahal kita, pero wag ngayon.. I'm sorry."

Pumasok na ako sa loob ng sasakyan ko at umalis na sa bahay nila Cienne. I need a moment. Alone.

And there I left Vic, both knees on the ground, leaving her teary-eyed, leaving her confused and lost.

I'm sorry, Vic. I really am sorry.

----

S A B A W. Idk. Pasensya na. Hahaha :)))

This Love Is Ours | Mika Reyes - Ara GalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon