MIKA'S POV
Hindi ako makapaniwala sa lahat ng mga salitang lumalabas sa bibig ni Kiefer. Ikinalma ko muna ang sarili ko bago ako tumayo at sumagot pabalik sa kanya.
"Baka nga kasalanan ko ang lahat," I hiccuped, but managed to continue. "Pero hindi ko kayang piliin ka kung ang mahal ko naman talaga ay si Ara."
I saw Ara look at me with those puppy-like eyes through my peripheral view. She took my hand and held onto it as she softly squeezed it trying to calm me down. Nakatingin lang ako ng diretso kay Kiefer habang pinipigilan ko ang kamay kong kanina pang kating-kati na sampalin siya.
"Pero ang problema dito ay ikaw. If I remember correctly, the exact words coming from Jillian's mouth was she was bullied because of the absence of his father, am I right?" tumingin ako kay Ara na nasa kaliwa ko lang at siya naman ay tumango ng marahan.
"Wala lang ako sa tabi ng anak ko dahil nga kayo ang nagsama. Dahil nga si Ara ang pinili mo at hindi ang pamilya natin!" Mariin niyang idinadahilan. Nakikita ko na nangingilid na din ako luha niya. "Kung hindi mo ako hiniwalayan para kay Ara, panigurado naman na lagi akong andyan para sa anak natin."
Napapa-iling nalang ako sa galit at hindi ko maintindihan ang katwiran niya. I tried to breathe deeply as possible to calm me down pero hindi ko na talaga kaya. Hindi na kaya ng laman ko na kanina pa nanginginig sa galit.
"Ulyanin ka ba o bobo ka lang talaga? Ang sinasabi ko, maging ama ka kay Jillian! Yun lang! Hinahayaan ko naman na makilala ka ng anak natin at makasama mo siya. Pwede ka naman maging ama kahit hindi tayo buo bilang pamilya!" Nanginginig na ang boses ko sa galit at nararamdaman kong humahapdi na ang lalamunan ko. Pilit akong nagpapakatatag pero mag-isang tumutulo ang mga luha ko.
"At para lang malaman mo, pamilya kami nila Ara at Jillian. Kaya wag na wag mong sasabihin na selfish ako and I let go of Jillian dahil buong-puso naming minamahal at ina-aruga ang anak namin."
"Mommy? Daddy?" Lahat kami ay napalingon sa batang nagsalita na tila pinipigilan ni Cienne lumabas.
"Ingay ninyo." Cienne mouthed.
"Mommy, why are you... crying?"
Oh crap.
***
VIC'S POV
"Halika, dun muna tayo sa terrace nak." Tumayo ako sa kinauupuan ko at pilit kong dina-divert ang atensyon ni Jillian sa nag-aaway na sila Mika at Kiefer. Pumapalag ito sa hawak ko at dumiretso sa kandungan ni Kiefer.
"Daddy.. why is mommy crying.. I missed you.." Ipinalupot ni Jillian ang maiksi niyang kamay sa leeg ni Kiefer habang isinisiksik ang ulo nito sa balikat nito.
Hinahapis lang ni Kiefer ang likod ng bata at nananatiling tahimik. Hinalikan niya ang noo nito nang biglang humarap ang bata sa kanya. "Did you make her cry..?" Pinunasan niya ang luha sa magkabilang pisngi ni Jillian, habang patuloy lang siyang tinititigan ng bata na tila naghihintay ng sagot.
BINABASA MO ANG
This Love Is Ours | Mika Reyes - Ara Galang
FanficYou know it's right, but you also know it is not. The battle of the heart and mind.