Chapter 10

1.1K 29 0
                                    

Chapter 10


CIENNE'S POV




"Good morning, Cienney!" bati sakin ni Mika. Unang umaga na wala si Kimmy dito.




"Good morning Mika!" ngumiti sya sakin pabalik at halatang may hinahanap.


"Uh, nakita mo ba si ate Kimmy? Aga nya atang umalis?" parang nanigas ako dito sa kinahihigaan ko sa tanong nya. Di ko alam ang ipapalusot ko, since hindi nya pwedeng malaman na dun na sya sa condo ni ara titira.




"Ah, kase kela Mela muna sya ngayon..."




cienne, kailangan mo nang magpa-confess, as soon as possible. Ang dami ko nang kasinungalingan na sinasabi kay Yeye. At madami pang sasabihin na kasinungalingan. I mean, friend ko sya, one of my best friends actually. Pero para din naman to kay Vic, at just to work them out. Try lang naman, baka magworkout pa.. Hay, i'm out of my mind.



"Ah, bakit daw?" okay eto nanaman ako pinagpapawisan ng malamig.




"Eh bumabawi ata kay Mela." bigla naman sya natawa. Ano naman nakakatawa sa sinabi ko?




"Eh bakit bumabawi? Hahahaha!" eto nanaman tong tawa ni yeye. Nakakairita ang ingay na, pang-baboy pa.




"Diba nag away sila ni Mela tungkol dun sa monthsary gift.." wala na ko choice, sobrang mahahalata na ni Ye pag nagsinungaling pa ko sa kanya. Baka mamaya mapaamin na ako neto.



"Eh teka, ang tagal na nun ah? Last last last week pa yun! Okay na sila diba?" jusko naman, parang imbestigador to.



"Oo, kaso gusto lang talaga bumawi ni Kim. Just to prove something to Mela." whew, nagkibit balikat na sya at saka pumunta sa banyo para magshower.




Grabe, para akong nagpigil ng call of nature dito sa kinahihigaan ko! Pinagpawisan ako ng malamig, di ako makatayo dahil nanginginig pa din ang laman ko.

I immediately dialed Ara's number, at agad din naman nya tong sinagot.






"Ara!" i paused for a while at lumayo sa banyo, baka kasi marinig pa ni Mika, mas mabuti nang maging handa. Pasulpot sulpot nalang kase eh.


"Ano ba yun? Aga mo tumawag 11:30 pa klase ko,"




"Oh my gosh ara! Di ko na kaya to parang anytime sasabog talaga mga nararamdaman ko!" oa na kung oa pero para akong criminal na tnt.




"Teka, tell me what happened."





"Ang dami nyang tinatanong at bigla bigla nalang sya sumusulpot kung saan saan," pabulong kong sinabi. "I think she has to know it... Sooner or later."




---------------

MIKA'S POV





Hindi ko alam, pero bat pakiramdam ko, something is bothering Cienne. Kanina, utal utal syang nagsasalita, tas halatang halata ang malalaking butil ng pawis nya, at laging may kausap sa phone.

Ngayon naman, supposedly magkasama kaming kakain ng lunch sa cafeteria, pero sabi nya di daw sya papasok ngayon kasi masama daw pakiramdam nya. Eh kanina mukha naman syang okay. Ayan tuloy, mag-isa ako na kakain.





"Hi, Mika.. You seem to be alone right now."



"Ah, hello hello! Ay, oo eh.." si ate Cha pala. Nagvisit sa university. Bumeso na ako sa kanya at saka naupo.




"Gusto mo samahan kita?" tsaka ko naman ni-tap ang table, signal na pwede syang makijoin ng table.




"Nga pala ate cha, may problema ba si Cienne?" kumunoot ang noo nya at nagsalita pagkatapos magsip sa C2 nya.




"Huh? Di ko alam na may problema sya.. Bakit ba?"




"Ah, basta i feel that something isn't right. Just ask her nalang.." kinuha ko na ang kubyertos at nagsimulang kumain.




"Ah, sige sige.. Thank you, Mika. Uy nga pala, handa ka na ba sa getaway nyo?" nanlaki naman ang mga mata ko. Anong getaway?!




"Huh? Ate anong getaway..?" natigil sya sa pagtetext.




"Diba aalis kayo bukas para pumunta sa Baler?"




"What?! Wala akong alam diyan. Sinong nagsabi?" anong getaway eh di naman free ang sched bukas? Tas magsisimula nanaman ang training simula Tuesday tas getaway pa? Who would set a getaway with this busy schedule?




"Ha? Eh alam yan ni Cienne, Ara at Kim eh." what?!




"What? Eh wala naman silang sinabing ganyan sakin eh!" tumaas na ang boses ko ng tuluyan.




"Calm down, Mika.."




"So they all know about this maliban sakin? Ano ba talaga ang nangyayari?" sobrang naguguluhan ako sa mga nangyayari ngayon.





"I guess so.. At sa pagkakaalam ko, si Ara daw ang may pakana neto."







----------------------

Yay, 30 chapters to go. Mahaba haba pa. Hahahaha! Keep reading xx

Hahahaha and sorry kung maikli to. :))))))

This Love Is Ours | Mika Reyes - Ara GalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon