Chapter 7

1.4K 40 2
                                    

Chapter 7

CIENNE'S POV

"Cienne.. Gising ka na." niyuyugyog ako ni Kim sa mahimbing kong tulog.


"5 minutes pa...." tawad ko.


"Cienne, kanina ka pa humingi ng 5 minutes. Nakaka 20 minutes ka na." what?! Napabukas ko ang mga mata ko ng wala sa oras, ang sakit tuloy ng mga mata ko.


Timecheck; 7:30 na. What the! Late na nyan kami! Busy taft kasi pag saturdays. Eh may training kami ngayon kasi malapit na ang finals.


Ang bilis kong naligo at nag gayak. Mapuputakan nanaman kami ni Coach kung malate kami.


Saktong 8:30 nang makapasok kami ng court, naglalaro na sila at late nga talaga kami. Buti nalang good mood si Coach ngayon, or else, ma-a-Ara Galang at Mika Reyes kami ni Kimmy ngayon.


.

.

.

.

"Okay good!" puri naman samin nila coach at Ate Michele. Ang tagal din bago namin sya nakasama ulit, nag graduate na kasi si Ate Michele last year eh.


"Time out! 15 minute water break." yes! Finally! Water break! Nanunuyot na labi at lalamunan ko sa uhaw.

Pumunta ako sa may locker room at kinuha ang waterjug sa may water fountain at saka nilagyan ito ng tubig. Nakita kong nakatingin ng masama si Vic kay Kimmy.


"Hoy Vickybelles!" pinitik ko ang noo nya.


"Ouch! Ano ba?"


"Chill, gusto mong water?" sabi ko sa kanya bago uminom ng water.


"Ayaw."


"Ang suplado mo ngayon ha. Buhusan kitang tubig dyan eh. Ang init ata ng ulo mo?" tinignan nya lang ako, at saka bumaling ulit ang tingin kay Kim na kasama ay si Mika.


"Ano bang meron? Hmmm.. Nagseselos ka ba?"

"Hindi." sus, hindi daw pero magkadikit na ang magkabilang kilay.

"Ows? Bagay sila Mika at Kim no?"

"Ano?! Ako ba ginagago mo? Tignan mo naman, si Mika ang ganda at ang puti. Sana naman kung maghahanap sya ng GB, yung medyo ka level ko."

"Harrrssshhh! Gago ka ba, kaibigan mo yang dalawang yan. And as we all know, Kim has a girlfriend. At si Mika, friends lang talaga sila ni Kim. Eh ikaw nga tong clingy kay Mika eh."


Hindi parin sya umiimik.


"May gusto ka kay Mika no?" I asked her.


"Oo. Matagal na. Bago pa nung naging kami ni Jessey. At sya din ang dahilan kung bat naging kami."

This Love Is Ours | Mika Reyes - Ara GalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon