Chapter 3

191 19 7
                                    

Chapter 3

Nabuo ng katahimikan ang buong silid habang si Matthew naman ay hindi maipinta ang mukha habang nakatingin kay Zean.

Tama ba ang narinig ko? Gagamutin nya ako? Anang isip nito.

Napatigil sa pag-iisip si Matthew at ang hindi maipinta na mukha nito ay napalitan ng gulat at takot nang ngumisi si Zean sa kanya bago tumalikod at kumuha ng mga gamit na nasa lamesa sa unahan bago muling humarap.

Parang luluwa ang mata ni Matthew nang dahan-dahang lumapit sa kanya si Zean na para bang sinasadya nito habang may hawak-hawak na gunting, injection, at alcohol.

"H-hoy Z-Zena! Tumigil k-ka! Huwag kang l-lalapit sa'kin!" nauutal na sabi ng binata habang nanginginig na dinuduro ang kaharap.

"Zena? At kailan pa naging 'Zena' ang pangalan ko?"

"Aba malay ko dyan sa pangalan mo! Eh sa 'Ze' lang narinig ko e!" mas lalong napaatras si Matthew sa ibabaw ng kama, "T-tsaka, pwede ba?! C-Can you stop g-grinning like an idiot?! Hindi ka kaaya-ayang tingnan! Nakakatakot ka!"

"L-Lumayo ka sa'kin!!" sigaw nito ulit tsaka binato ng unan ang dalaga nang hindi tumigil sa paglapit sa kama na kinauupuan nya si Zean. Ahh!!

Zean scoffed and took the pillow on the ground before looking at Matthew, "Magrereklamo ka tapos kapag pinagbigyan ka sa gusto mo gaganyan ka? Siraulo ka ba?"

Kaagad na nalukot ang mukha ni Matthew sa narinig, "I-Ikaw ang siraulo!!"

Ilang segundo na munang napatitig sa kanya si Zean bago ito ngumisi ng nakakaloko na naging dahilan ng mas lalong pagtaas ng balahibo ni Matt. Demonyo!!!

Namilog ang mga mata nito at muntikan nang atakihin sa puso nang bigla na lamang hinila ni Zean ang braso nito na may sugat at akmang bubuhusan ito ng alcohol pero bago pa man mangyari 'yon, mabilis na inagaw ni Matthew ang alcohol mula sa kanya.

"H-hey! Ako n-na. A-ako na!!" Sigaw nito at napangisi naman ito dahilan ng mas lalong pagkapikon ni Matthew.

"Kaya mo naman pala e."

Pangit! Napakapangit ng ugali!

Tuwang-tuwa ka?! Saksakin kita ng alcohol e! Anang isip ni Matthew nang marinig nya ang pinsan nito na mahinang tumatawa at ganon na din si Rin na naiiling pa dahilan nang mas lalong panginginit ng mukha ni Matt dahil sa galit.

Napakapangit ng ugali ng magkaibigang 'to! Pangit! Tomboy! Salubong ang kilay nito habang ginagamot ang sugat nya sa siko. Hindi maipaliwanag na pagkainis ang nararamdaman nya ngayon na para bang ilang segundo lang ang lilipas, ay puputok na ito sa inis na lihim namang ikinailing ni Zean dahil kitang-kita nito ang pagkapula ng buong mukha ni Matthew.

Tsk. Nakakabadtrip! Nakakasira ng araw! Dapat hindi na ako sumama kina Tim! Napakachismoso kasi eh!!

"Huwag kang pumikit. Hindi mo makikita ng maayos ang sugat mo." panunukso ni Zean na naging dahilan ng mas lalong pagkalukot ng mukha ni Matt.

Bumaling sya sa dalaga at gigil itong dinuro ng alcohol na hawak, "Hoy Zena! Hindi ako nakapikit!"

"Talaga ba? Ah, normal na mata mo pala 'yan 'no? Galing."

"Napakapangit ng ugali mo Zena! Wala kang konsensya! Racist ka! Racist!" singhal nito.

"Zean."

"Ano?!"

"Zean ang pangalan ko."

Napangiwi si Matthew, "Eh ano naman ang pakialam ko?!" singhal nito. "Share mo lang?!"

Gambit of Hearts: Chasing Black UNOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon