Chapter 23

159 14 5
                                    

Chapter 23






HINDI MAIPINTA ang mukha ni Matthew habang nakasandal sa isang bench at tahimik na hinihintay si Zean.

Matagal-tagal na din nang makapasok ang dalaga sa loob pero hindi pa rin nawawala ang pagkapula ng mukha ni Matthew dahil parang sirang plaka na nakaukit sa utak ng binata ang mga sinabi ni Zean sa kanya. Mas lalong nalukot ang mukha nya at gigil na hinawakan ang sports bag ng dalaga,

Bwesit! Bakit ba parang ang dali sa kanya magbitaw ng mga ganong salita?! Hindi ba nya nakikita na lalaki pa din ako?! Hindi ba sya nahihiya o kikikilabutan man lang?! Anang isip ni Matt.

"Napag-utusan pa ako." bulong nito habang nakatingin sa itim na bag na hawak nya.

Muling napangiwi si Matthew nang muling sumagi sa isipan nya ang pangtitrip sa kanya ng dalaga. Araw-araw, tinatanong nya ang sarili nya kung bakit hindi man lang nahihiya si Zean na humingi ng halik na para bang, humihingi lang ito ng piso o tubig sa kanya.

Napahawak si Matthew sa may bandang puso nya at marahan itong hinimas. Habang tumatagal, napapadalas din ang pagtitibok nito na parang hindi normal. Hindi alam ng binata kung bakit o kung ano ang rason pero ikinababahala nya pa rin 'yon.

I should consult a doctor.

He let out a long sigh bago sya sumandal sa kinauupuan nya. Hindi nya maiwasang hindi mag-alala sa sarili nyang kalagayan. Paano kapag may sakit sya sa puso?

Hindi pwedeng mangyari 'yon. Anang Matthew sa isip nya at marahas na napailing sa naisip. Kapag namatay ako, wala ng matitira na gwapo sa mundo.

Napatigil si Matthew sa pag-iisip at napukaw ang diwa nya nang makaramdam sya ng pitik sa batok nya. He looked over his shoulder and when he saw Zean, his face fell into grimace.

Sinuri nya ang suot nito, naka itim na T-shirt, khaki colored taslan short at puting sapatos.

"Puro itim ang damit. Wala ka bang ibang kulay?!" nakangiwing sabi nito.

Zean just chuckled on his comment before sitting beside him. Sumandal ang dalaga sa kinauupuan nya at tsaka ipinatong ang isang siko nya doon sa sandalan, "Tulala ka ah. Iniisip mo ba ako?"

Nalukot ang mukha ni Matthew, "Oo! Iniisip ko kung paano kita mapapatay!" gigil nitong sagot but Zean being Zean, she just laughed making Matt frown more.

'Yan! Dyan ako nabibwesit! Kasi kahit ano'ng sabihin kong lait o mga pangit na salita, hindi ito tinatablan!

"Talaga? Nakakakilig ka naman."

Mas lalong nalukot ang mukha ni Matthew, "Nakakakilig?! Ano'ng nakakakilig don?!"

"Ako din iniisip din kita." wika ni Zean, "Gusto mo bang malaman kung ano ang iniisip ko tungkol sa'yo?"

Hindi nagawang sumagot ni Matthew at napalunok na lamang dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman nya. He can feel his face heating up again. Zean let out a sigh before looking at him in the eye,

"Iniisip ko kung paano ka magiging akin."

Nahigit ni Matthew ang sariling hininga at wala sa sariling napahawak na naman sa may puso nya dahil sa malakas na tibok nito, "S-Sto-stop it!"

Ayan na naman ang dalaga. Gumagawa na naman ng mga bagay na hindi maiwasan ng binata na tanungin. Bakit ba hindi sya nahihiya? Hindi kinikilabutan? Saan nga ba kumukuha si Zean ng lakas ng loob?

Mariing hinimas ni Matthew ang sariling dibdib at pinakiramdaman ito. Maybe sa Saturday, magpapacheck-up ako.

"Joke lang boi pikit. Hindi ka talaga mabiro." natatawang sabi ni Zean.

Gambit of Hearts: Chasing Black UNOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon