Chapter 10

154 17 14
                                    

Chapter 10


LUMIPAS ang isang araw at nasa loob sila ng kanilang silid. Kagaya ng ibang paaralan, mga bagong leksyon ang tinuro at mga panibagong takdang-aralin naman ang ibiginay sa kanila.

Naicheck na din nila ang takdang-aralin na ginawa nila kahapon at kagaya ni Matthew, perfect din si Zean at Rin na ikinagulat ni Aina at Kleez.

Kung hindi pinakopya talagang betlog 'yun eh. Anang isip ni Matt nang masulyapan nito si Zean na nakangisi sa nakakunot na noo na si Kleez.

Matapos ang leksyon ay kaagad na niligpit ni Matthew ang mga gamit nya tsaka ito inilagay sa bag nya. Napabaling ang binata sa may likoran nya nang maramdaman nyang may kumalabit sa kanya at nang makita nyang si Zean iyon ay kaagad na nagsalubong ang kilay nya.

"Bakit?" inis nitong sabi.

Zean chuckled, "Sungit." naiiling na sabi nito. "I just wanted to say thanks for your help." dagdag nya.

"Anong thank you? M-May bayad 'yon. Ilibre mo ako." biro nya sa dalaga ngunit tumawa lang ito at tsaka umalis.

Hindi makapaniwalang sinundan ng tingin ni Matt ang papalayong pigura ni Zean, wala talagang hiya 'yung babae na 'yon. Anang isip nito at napailing.

"Anong tulong 'yon, papa Matt? Nagchacharity ka ba?" ani ni Tim na nakikinig at nakamasid lang sa kanila at kaagad naman itong binatukan ni Matthew.

"Tarantado." sabi nito at napangiwi, "Napakachismoso mo."

"What kind of help is she talking, Matt?" tanong naman ni Den.

Napakachismoso talaga nitong dalawang 'to!

Tiningnan nya ng masama ang dalawang kaibigan nya na naghihintay ng sagot mula sa kanya. "Tsk. Pinakopya ko sila ng assignment ko kahapon."

Denvee's mouth went wide, "No way. Ikaw? Nagpakopya?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"Papa Matt nakidlatan ka ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Tim. "Ano ang nangyari sa motto natin na 'Copying is not learning' ?" sabi nito at napailing.

Napatango si Denvee, "Yeah. This is a first, Salazar. We always offer to teach. But copy our work? No. Not an option."

"Sinubukan kong turuan. Eh hindi din naman nila maintindihan tapos napagod ako kakaturo kaya pinakopya ko nalang." pagdadahilan ng binata. "At tsaka, wala namang mawawala sa'kin."

Naging tagumpay ang inirason ni Matt nang nagkibit-balikat lang ang dalawa nitong kaibigan at bumalik sa sarili nilang ginagawa. Maya-maya pa ay napagdesisyonan na nilang lumabas para kumain sa cafeteria.

Nang marating nila ito ay kaagad na dumapo ang paningin ni Matthew sa mesa nila Zean pero kaagad din nyang inalis ang atensyon nya doon. Matapos silang makabili ay kaagad silang naghanap ng mauupuan para kumain.

I'm hungry.

"Nasabi ni Hank na baka daw may laro ulit tayo." basag ni Denvee sa namumuong katahimikan at sabay namang napatingin si Matthew at Tim sa kanya.

"O? Kailan daw?" tanong ni Timothy.

Nagkibit-balikat si Denvee, "Yon ang hindi pa nila alam. Plinaplano pa daw ng mga guro." sagot nito.

Matthew nodded, "Mukhang magsisimula na naman ang ensayo natin ma-hapon. Adviser nila si Mr. Alforte, kaya siguro sila ang unang nakakaalam sa balitang 'yon."

Napatango na lamang ang dalawa sa sinabi ni Matthew at muling itinuon ang atensyon sa kinakain nya. Maya-maya pa ay napatingin sya sa pintuan ng cafeteria nang pumasok mula doon si Thalia pati na ang mga kaibigan nya at hindi nga nagkamali ng duda si Matt, dumiretso ito sa mesa nila Zean.

Gambit of Hearts: Chasing Black UNOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon