Chapter 18

170 16 15
                                    

Chapter 18






MAKALIPAS ang mahigit dalawang linggo ay unti-unting nabibihasa si Timothy sa pakikipaglaban. At dahil doon, unti-unti din nitong nakilala ng tunay ang apat na magkakaibigan.

Nasa cafeteria ng unibersidad ang tatlong binata at kumakain. Habang pinapasok ni Tim ang mundo nila Zean, patuloy naman sa pag-aatupag si Matthew at Denvee sa responsibilidad nila sa unibersidad.

Sa mga nagdaan na araw ay napapansin ng dalawa ang madalas na pakikipag-usap ni Tim sa apat na dalaga, lalong-lalo na kay Zean at Rin. Nang tanongin nila si Tim, ang tanging sagot lang nito ay nagpapatutor sya sa dalawa na ikinataka lang din ni Matthew at Denvee.

Matalino naman si Timothy, bakit nya kailangan ng tutor? Anang isip ni Matthew. Tsaka bakit si Zean at Rin? E tagilid nga 'yon sa academics ang dalawa. Kung hindi 5 e 7 lang ang score non lagi. Mas maniniwala pa ako kung kay Aina sya magpapaturo e.

"You have a bruise." biglang sabi ni Denvee tsaka nginuso ang braso ni Tim kaya napabaling si Matthew doon.

Napayuko si Tim para tingnan ito tsaka sarkastikong natawa, "Ah. Haha. May demonyo kasing walang konsensya." bulong nito sa sarili na ikinakunot ng noo ng dalawa.

"What did you say?"

"Ha? Ah oo! Nasiko ko kasi ang dingding kaya nagkapasa." nakangusong sagot ni Tim.

Magsasalita na sana si Matthew nang mahagip ng mata nya ang apat na magkakaibigan na papalapit sa kanila.

"Tim, Rin will be teaching you later." kaagad na sabi ni Zean nang makalapit sila ng tuluyan.

Lumaki ang dalawang mata ni Tim at mabilis na napailing, "Zean! Ayoko!"

"Nagrereklamo ka? Ginusto mo 'yan diba? Panindigan mo." sabat ni Rin sa usapan.

Tiningnan ito ng masama bi Tim, "T-Tumahimik ka C-Coreen!"

Nagkatinginan lang si Matthew at Denvee habang tahimik na nakamasid at nakikinig sa usapan ng tatlo.

"Pasensya ka na, Tim. May lakad ako mamaya." natatawang sabi nito na ikinasandal ni Tim sa upuan.

Ipinagpatuloy na lamang ni Matthew ang pagkain nya at hindi na lamang sila pinansin pa hanggang sa maya-maya pa ay tuluyan na silang umalis.

For the past few weeks, Zean has been on his mind. Walang oras na hindi umalis ang dalaga sa utak nya. Kaya naman sa tuwing nakikita nya ang dalaga, naiilang sya at hangga't maari, iniiwasan nya ito.

Makalipas ang ilang minuto ay napabaling si Denvee sa kaibigan, "Tim, you're smart. Bakit kailangan mo pang magpatutor?" takang tanong nito.

"Ewan ko nga din tol.." sagot ni Tim bago napasapo sa sariling mukha. Ilang sandali lang ay muli itong napaangat ng tingin kaya naman napatitig sa kanya ang dalawa.

"Bakit?"

"Right...I will skip today's lesson! That's right!" sambit nito bago tumayo at sinundan ang apat.

Hindi nakapagsalita ang dalawa at napatitig na lamang sa papalayong bulto ni Tim na sinusundan ang apat na magkakaibigan.

"Weird." komento ni Denvee.

"Sundan kaya na'tin?"

"Why? Magpapatutor ka din?" takang tanong nito na kaagad ikinalaki ng mata ni Matt.

"What?! No!" pasigaw na depensa nito. "Ako?! Magpapatutor?! No way! I would never."

"Hey!"

Napatigil ang dalawa sa pag-uusap tsaka napabaling sa gilid at bumungad naman sa kanila si Ina.

Gambit of Hearts: Chasing Black UNOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon