Chapter 15
KINAUGMAGAHAN ay kumain na lamang ng agahan si Matthew at Timothy sa labas dahil anong oras na din nagising ang dalawa. Bukod din doon, wala ng natira sa niluto ni Zean dahil inubos iyon ni Timothy. Pagkatapos kumain, ay kaagad na dumiretso ang dalawa sa unibersidad at papasok sila ngayon sa loob nito habang tahimik na naglalakad.
Butasan ko 'yang gulong ng motor nya eh! Anang isip ni Matthew nang mahagip ng mga mata nya ang naka-parada na motor ni Zean.
Timothy let out a sigh, "Ang sarap nung niluto ni Zean kagabi 'no?" sabi nito at tahimik lang na tumango si Matthew bilang pagsang-ayon.
"Tol, paano kapag naging kayo ni Zean?"
Muntik nang masamid sa sariling laway si Matthew dahil sa biglang sinabi nito kaya tiningnan ng binata ng masama ang pinsan nya.
"Mag hunos-dili ka Timothy. Napakapangit ng biro mo. Kahit patay babangon para lang masapak ka."
Timothy laughed, "Hindi naman. Ano lang naman e, 'Paano'. Tsaka, you took so long last night to come back. Pinatawag lang namin si Zean sa'yo pero hindi ka na bumalik."
Napangiwi si Matthew, "I already told you. We talked about our part for the project. That's what took me long."
Timothy's lips tugged up in a teasing smile, "Pinag-uusapan nyo ang parte ng pryoketo o kung ano ang magiging parte nyo sa buhay ng isa't-isa?"
"Ewan ko sa'yo tol. Pangit mong magbiro, nakakabadtrip ka." pasigaw na sabi sa kanya ni Matthew at nauna nang maglakad kaya naiwan si Timothy na ngayo'y tumatawa.
Mamatay ka sana kakatawa, Vasquez.
"Hoy! Tol! Papa Matt! Prensan!" sunod-sunod na tawag ni Timothy kay Matthew pero hindi ito nilingon ng binata at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa matanaw nito ang kanilang silid.
Bago pa man ito tuluyang makapasok ay naramdaman nya ang presensya ni Tim na hindi nya namalayang nakahabol pala sa kanya. "Grabe ka naman tol hindi ka na mabiro. Nagbago ka na." anang Tim pero subalit na sumagot ay umakto na lamang si Matthew na parang tatadyakan sya.
Pinukol nya ng masamang tingin ang pinsan bago ito tuluyang pumasok sa loob. Pagkapasok na pagkapasok nya ay kaagad na dumapo ang paningin nya kung saan nakaupo si Zean. Tulala ang baliw. Napailing na lamang si Matthew sa kanya.
Habang naglalakad patungo sa sarili nyang upuan ay palihim naman nyang sinuri ang kabuohan ng dalaga. Napangiwi si Matthew, Ayan? Magiging jowa ko? Kahit crush nga malabo! Pwe! Napakapangit! Pinagkaitan ng mundo! Anang isip nito.
Tuluyan nya itong tinitigan at nalipat lang ang tingin nito nang makarating ito sa sariling upuan nya. Gumuhit ang nanunudyong ngiti sa mukha ni Tim na kanina pa nakamasid sa kanya.
"Ano na naman?"
Timothy laughed teasingly and shakes his head, "Nothing tol. Wala naman. Natatawa lang ako." natatawang sabi nito.
"Tol, natapos nyo na 'yung presentation nyo?" sabat ni Denvee sa usapan kaya napabaling silang dalawa sa isa pa nilang kaibigan.
"Hindi."
"Oo."
Tiningnan sila ni Den habang nakakunot ang noo, "Ano ba talaga?"
"Kami tapos na. Si Matt nalang at ang future gir---" agad na napahinto si Timothy sa sinasabi nya nang batohin ito ng water bottle ni Matthew na saktong tumama sa noo ni Tim.
"Aray!"
Mas lalong nabalot ng pagka-irita ang mukha ni Matthew nang marinig nitong tumawa si Denvee.
"Tawang-tawa ka, Dawson?" sabi ko ngunit mas lalo lang itong tumawa.
BINABASA MO ANG
Gambit of Hearts: Chasing Black UNO
RomanceZean Iris Akihiro wants nothing than justice and revenge. At an early age, she joined an underground organization for two reasons: As a payment and to gain power. She was the Black. She was merciless. She was living yet she acted like she had no sou...