Chapter 47

140 13 0
                                    

Chapter 47




Mapait na napangiti si Zean habang pinagmamasdan si Matthew na naglalaro sa field. Kahit pilit, nagpapasalamat pa din ito na sinunod ng binata ang nais nya na ngumiti ito.

"Nakakalungkot na mapagmamasdan nalang kita kung nasa malayo ako." malungkot na sabi nito.

Sumandal ito sa puno na pinagtataguan nya at tsaka nya inihilig ang ulo at pinokus ang atensyon kay Matthew. Gusto nyang makitang maglaro ito kaya lihim syang umalis sa bahay nila at tsaka lihim na pumasok sa unibersidad. Magaling maglaro si Matthew. Malakas din itong pumatid. Walang ibang tiningnan si Zean sa buong laro kung hindi ang binata lang.

Itinuon nya muli ang atensyon nya sa laro at higit sa lahat, kay Matthew. Sa kanyang boi pikit. Mabilis na lumipas ang  mga minuto at nanalo ang grupo nila Matthew. Masayang nagdiwang ang mga kapwa estudyante nila sa East Valley at pati na din ang grupo nila maliban na lamang sa binata na hindi dama ang pagkapanalo nila at parang sinasakal naman ang puso ni Zean habang nakatitig sa kanya.

Kinuha nya ang sariling telepono at tsaka ito pinadalhan ng mensahe.

"Congratulations, boi pikit. Pinahanga mo ako. Ang galing mong maglaro. Smile, my love. It suits you well. Take care always, Matthew."

Malungkot na napangiti ang dalaga nang mabilis na lumitaw ang pangalan ni Matthew sa telepono nya. Hinayaan nyang matapos ang pagtawag nito at mabilis na in-airplane mode ang telepono nya.

Bumaling ulit sya sa binata at kaagad syang nakaramdam ng kirot sa puso nya nang makita nya ang panglulumo nito.

"Patawarin mo ako boi pikit..." mahina at may bahid na sakit na sambit nito na para bang maririnig ng binata ang paghingi nya ng tawad.

"Zean, do you copy? We need to get ready."

Huminga na muna ng malalim si Zean bago nya inabot ang maliit na device na nakakabit sa tenga nya at pinindot iyon.

"Yes. I copy. I'm coming."

Bumaling ulit sya sa gawi kung nasaan ang binata. Malungkot nya itong tiningnan na tulala lang na nakaupo sa isang bench. Huminga sya ng malalim at pinakalma ang sarili bago nya inayos ang takip ng mukha nya tsaka sya tumayo.

She can't stay like this. She has a mission to make. A responsibility to fulfill.

Malakas itong tumalon mula sa puno na malaki at tsaka humawak sa sanga nito tsaka nya ekspertong iginalaw ang buong katawan bago sya tumalon ng malakas patungo sa malapit na dingding ng unibersidad. Mahigpit nyang hinawakan ang ibabaw nito at tsaka binuhat ang sarili paakyat.

Bago ito tuluyang tumalon mula sa ibabaw ng nakaharang na dingding, bumaling sya muli kung nasaan ang binata.

"If the universe will be kind to us, it will make us meet again. Take care, boi pikit."

Malungkot syang ngumiti tsaka nito tinalon ng walang kahirap-hirap at katakot-takot ang mataas na pagitan ng kinatatayuan nya at ang lupa sa labas ng unibersidad.

Kalmado syang naglakad patungo sa kung nasaan nakaparada ang motor nya at nang marating nya ito, kaagad nyang isinuot ang helmet at tsaka pinaandar at pinaharurot ang motor papalayo sa unibersidad.

Hindi nagtagal ay narating na din ni Zean ang malaking bahay na pinaglulunggaan nila. Ipinrada na muna nito ang motor nya bago tuluyang pumasok sa loob.

"Zean. You wake Coreen up. Ikaw lang ang may lakas loob na gumising doon eh." kaagad na bungad ni Aina pagkapasok niya sa sala.

Mahina syang natawa bago sya tumango at dumiretso sa kwarto ni Rin. Pagkapasok nya ay pinagmasdan nya muna ng ilang segundo ang nakadapa na si Rin bago ito kumuha ng unan at mahinang binato ang likod ng kapatid ng dalaga.

Gambit of Hearts: Chasing Black UNOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon