Chapter 14

173 16 2
                                    

Chapter 14





MABILIS na lumipas ang mga oras at mag-uuwian na at naglalakad patungo sa parking lot si Matthew, Timothy at Denvee. Hindi natuloy ang ensayo ng mga atleta dahil sa nangyari kay Thalia. Hindi lang din kasi ito basta manlalaro, isa din itong kapitan sa grupo nila.

Napagdesisyonan ng guro nila na bukas na lamang sisimulan ang ensayo ng bawat atleta kaya papauwi na ngayon ang lahat.

Nang makarating sila sa parking lot ay kaagad napatigil sa paglalakad si Matthew nang matanaw nya si Zean sa hindi kalayuan na inaayos ang motor nito at wala naman sa sariling inabot nito ang braso ng pinsan nya na ngayo'y pilit na lumalayo sa kanya.

Tinapik sya ni Timothy, "Ikaw nalang kumausap kay Zean Papa Matt, address mo naman ang kailangan." saad ng pinsan nya tsaka sya itinulak pero kaagad ding bumalik si Matthew sa pwesto nya.

Nang hindi matuloy ang ensayo nila ay napagdesisyonan ng dalawa na gawin ang proyekto na inatas sa kanila. Napaalam na nito si Ina pero si Zean ay hindi pa.

Kaagad na napatingin ang binata sa pinsan nya at tsaka ito hinarap, "Bakit ako lang?!" pabulong na sigaw nito. "Ayoko! Samahan mo ako! Magkagrupo tayo! Bakit ako lang ang lalapit?!"

Napangiwi si Tim at napailing, "Mahal kita, prensan, pero sa ngayon, uunahin ko na muna ang sarili ko." saad nito tsaka pilit na inaalis ang kamay ni Matthew na nakahawak sa kanya.

"Siraulo!"

"Tol! Ayoko din! Nasaksihan mo naman siguro kanina 'yung ginawa ni Zean diba? Tol ayoko. Nakakatakot 'yang babaeng 'yan." pabulong na sagot sabi ni Timothy na pawang niyayakap ang sarili. Narinig pa naman nito ang binulong ni Zean kay Thalia. Kaagad na tumayo ang mga balahibo ni Timothy sa takot nang maalala nya ang sinabi ni Zean na babaliin nito ang buto ng dalaga.

Bumaling si Matthew kay Denvee ngunit hindi pa man ito nakakapagsalita ay kaagad na umiling ng mabilis ang kaibigan. "Nope. There is no way, Salazar. We are not in the same group. It's your obligation." saad nito bago pumasok sa sarili nitong kotse.

"Akala ko ba sabi mo friendly sila?!" pasigaw na bulong nito sa kaibigan.

Denvee's lips formed into a straight smile, "Well...that was before." mahinang sagot nito bago tumalikod.

"Teka- Timothy! Den- Tol!"

Wala sa sariling napatitig ang binata sa dalawang papalayong kotse. "Tangina?! Iniwanan ako?!" hindi makapaniwalang sabi nito.

Sinapo ni Matthew ang sarili nyang mukha bago bumaling kay Zean na nakatayo pa din doon. 'Di ko alam kung paano sya tatawagin!

Nanatili lang na nakatayo si Matthew sa pwesto nya at nakatingin lang sa gawi ni Zean habang nag-iisip ng anong sasabihin. Teka bakit ba ako kinakabahan?!

Maya-maya pa ay napaigting ang binata sa kinatatayuan nya nang lumingon si Zean sa gawi nya. She tilted her head to the side habang patuloy pa ding nakatingin sa kanya. Imbes na magsalita, ay itinaas na lamang nito ang kanang kamay nya at senenyasan ang dalaga na lumapit.

Ilang segundo na munang napatitig sa kanya si Zean bago kinausap ang mga kaibigan nito. Pinagmasdan ni Matthew na isa-isang umalis ang mga kasama ng dalaga bago ito sumakay sa sariling motor at nagmaneho papalapit sa kanya.

"Bakit?" kaagad na tanong nito nang tuluyan itong makalapit.

Huminga ng malalim si Matthew, "Ah, can I h-have your n-number?"

Mabilis na nakaramdam ng pagsisisi ang binata nang gumuhit sa mukha ng dalaga ang isang pilyong ngiti na syang nakakapagpapapikon sa kanya.

Zean smirked, "Bakit? Dumadamoves ka ah. Crush mo talaga ako e 'no?" natatawang tanong ng dalaga.

Gambit of Hearts: Chasing Black UNOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon