Chapter 11
MAG-TATATLONG araw na simula noong nangyari ang gulo sa cafeteria at kalat na kalat ang balitang iyon sa buong unibersidad. Dahil sa ginawang paglaban nila Zean sa grupo ni Thalia, halos lahat ng estudyante ay iniiwasan na sila na ikinailing na lamang ng apat.
At kagaya nga ng napagkasunduan, nasa banyo si Zean at kakatapos lang nitong maglinis. Para mas madali silang matapos, iminuwestra ni Zean na kanya-kanya na lamang sila ng banyo na lilinisin.
Nang matapos si Zean sa gawain nya ay kaagad na nitong niligpit ang mga gamit nya at tuluyang umalis. Dumaan na muna si Zean sa cafeteria para bumili bago sya pumunta sa harden ng unibersidad, sa Valley Garden, para puntahan ang pamilyar na bulto na nakita nya kanina.
Tuluyan itong naglakad hanggang sa tumigil ito sa isang mesa na gawa sa bato at inilapag doon ang binili nya.
"O." kaswal na sabi nito at mahinang itinulak ang pagkain papalapit kay Matthew na nakita nya kanina sa harden na nagsusulat.
Zean shrugged, "That's my payment."
Gulat na napaangat ng tingin ang binata sa kanya, "Ha?"
"Sabi mo ang kapalit ng pagpapakopya mo ay libre." saad ni Zean at itinuro ang binili, "Ayan na."
Naguguluhang nagpapalit-palit ang tingin ng binata sa pagkain na binili nito at sa dalaga, "T-This is your payment?"
"Paulit-ulit ka boi? Boomerang ka ba?" pambabara ni Zean sa kanya na syang ikinasalubong ng kilay nya.
Masama itong tiningnan ni Matt, "Tsk. Hindi mo man lang ako pinapili kung ano ang g-gusto ko."
Napatanga si Zean sa binata, "Aba! Choosy ka pa ah?" hindi makapaniwalang saad nito, "Akin na nga lang 'yan!" dagdag nito at nag-akmang kunin ang pagkain ngunit mabilis itong nailayo ng binata.
"Ibibigay mo tapos babawiin mo ulit?!" kunot-noong tanong ni Matt.
Walang maayos na desisyon 'to sa buhay. Anang isip ni Zean. Tiningnan na nya lamang ng masama ang binata at napailing.
Umupo si Zean sa upuan na gawa din sa semento na nasa harapan ni Matt, "Tsaka bakit kita tatanungin kung anong gusto mo e alam ko naman na 'yon."
Sandaling napatingin sa kanya si Matthew at napataas ang dalawang kilay nito, "How come? Alam mo kung anong gusto ko?"
"Oo." Taas-noong sagot ng dalaga.
"Ano?"
Gumuhit ang pilyong ngiti sa labi ni Zean, "Ako."
Nabalot ng init ang magkabilang pisngi ni Matt dahil sa sinabi nito. "H-Hindi kita gusto ang kapal naman ng mukha mo!"
"Sus. Ayaw pa umamin e." panunukso ni Zean.
"B-Bakit ba hindi ka nahihiyang sabihin 'yan?!" hindi makapaniwalang tanong ni Matt ngunit tumawa lang ng malakas si Zean sa reaksyon nya.
Tiningnan sya ng masama ng binata bago ito napatingin sa kabuohan nya, "Tapos ka nang maglinis ng banyo?" tanong nito na ikinatango naman ng huli.
Sumandal si Zean sa kinauupuan nya at bumaling na lamang sa gilid. For the past few days, talagang sumabay pa sa parusa nila sa unibersidad ang mga gawain nya bilang Ischyros. She's hasn't been sleeping lately.
Bukod din sa mga kailangan nyang gawin, hindi rin makatulog si Zean. It's always like that. Nightmares would haunt her at night making it difficult for her to sleep. She couldn't even remember sleeping for more than two hours. Two hours was her longest. At nangyayari lang iyon kapag nakakainom sya.
BINABASA MO ANG
Gambit of Hearts: Chasing Black UNO
RomanceZean Iris Akihiro wants nothing than justice and revenge. At an early age, she joined an underground organization for two reasons: As a payment and to gain power. She was the Black. She was merciless. She was living yet she acted like she had no sou...