Additional Chapter: Peak of Cadence

136 13 7
                                    

A:N// Itong kabanata na ito ang magpapakita kung ano ang nangyari pagkatapos noong nalason si Rin.

__________________________________________________

CADENCE'S POV

Nanginginig ang buong kalamnan ko habang tinitingnan ang sarili kong itsura na puno ng pasa dahil sa pagsuntok sa akin ni Zean.

"Hinding-hindi kita mapapatawad." gigil kong sabi habang sinusuri ang sarili kong mukha.

Paano nila nalaman na ako ang pasimuno ng lahat? Sinigurado ko noon na walang tao sa parking lot nang simulan kong sirain ang mga motor nila. I even went through the university's system myself to delete the footage! I hate this! I fucking hate this!

Napabaling ako sa braso ko at gigil na tiningnan iyon nang makita kong naging piklat na 'yong iba kong natamo noon. Pagkatapos kong masulatan ang mga motor nila, nagkaroon ako ng allergic reaction dahil sa pintura. Sinigurado kong walang tao ang nandon at sinigurado kong nakabalot ang buong katawan ko para hindi nila makita ang natamo ko kaya hindi ko lubos maisip kung paano nila nalaman na ako.

I even hired men. Men who are useless! Fucking useless! They should all rot in hell! Dapat mamatay sila! I was careful! I was so careful damn it!

Naging maingat ako. Alam kong naging maingat ako. Bakit pa din nila ako nahuli? Kaagad kong naikuyom ang kamao ko nang maalala ko ang mukhang ipinakita sa akin ng dalawang binata at pati na din ang tono ng pananalita ni Matthew.

"He shouted at me. My Matthew shouted at me! This is all that bitch' fault! He was mine to begin with!" nangagalaiti na sabi ko.

"Para sa inyo lahat ang ginawa ko...Para sa inyo...Para sa'yo, Matthew." ani ko. "Dapat hindi kayo magalit sa'kin dahil para sa inyo lahat ang ginawa ko.."

Mabilis na napalitan ng galit ang nararamdaman ko nang maalala ko sila lahat. Alam ba nila mula sa simula na ako?

"Ginawa nyo akong gago. Argh! I hate this! I hate this!! " gigil at galit na kong sabi tsaka ko ibinato lahat ng gamit na nasa harap ko. Hindi maipaliwanag na galit ang nararamdaman ko habang tinitingnan ang sarili kong repleksyon.

"Anong karapatan mong gawin ito sa mukha ko, Zean?" gigil na sabi ko habang sinusuri ang namamaga kong mukha.

Hindi ako papayag na hindi ako makakaganti sa'yo. Hindi ako makakapayag na hindi ako maibabalik sa'yo lahat at hindi ako papayag na hindi ko kayo makitang nagdudusa.

Kaagad akong natigilan nang marinig ko ang pinto ng bahay na bumukas. Malakas na kumalabog ang dibdib ko habang hinihintay na bumukas ang pinto ng kwarto ko. Ilang minuto na muna ang lumipas at nahigit ko ang sarili kong hininga nang magbukas ito at bumungad sa akin ang galit at puno ng pagkadismaya na mukha ng mga magulang ko.

"D-Dad...M-Mom.."

Pinukol ako ng masamang tingin ni Mommy bago ito lumapit sa'kin at malakas akong sinampal.

My head jerked to the side because of the impact. Trembling, I reached out to touch my own cheek ang gasp.

"I thought you're fine. Akala ko magaling ka na sa kabaliwan mo! Pero hindi! Ginawa mo ulit ang ginawa mo noon!"

Hindi ko nagawang sumagot at napayuko na lamang habang pinipigilan ang sarili kong umiyak. Hawak-hawak ko ang pisngi ko na sinampal ni Mommy at mahinang hinimas iyon dahil sa sakit.

"Anong kagagahan na naman ang pumasok sa isipan mo?! Alam mo ba ang hiya na naramdaman namin habang kinakausap namin ang mga naging biktima mo?! Pati na din ang mga guro mo?! Nalaman naming sinubukan mong iparape ang isa sa kanila at talagang sinagasaan mo pa. Hindi ka pa natinag at sinubukan mong lasonin ang isa pa nilang kasama! Talagang papatay ka ulit ng tao dahil sa kabaliwan mo?!" gigil at mangiyak-ngiyak na sabi nito.

Gambit of Hearts: Chasing Black UNOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon