Chapter 8

176 17 2
                                    

Chapter 8



Nasa kalagitnaan ng pagkaklase ang section nila Rin nang bumukas ang pinto at sabay na pumasok mula doon si Zean at Matthew na syang ikinatigil ng lahat.

Wala sa sariling napahawak si Rin sa sariling baba nya, sabi ni Zean kanina na mauna na muna kami dahil may bibilhin pa sya. Natagalan sya pero hindi na kami nag-isip pa ng iba dahil baka maraming tao na nakapila.

Eh bakit magkasama 'tong dalawa?

"Where have you been?" tanong ni Mr. Alfonso sa kanila bago tumingin sa pang-bisig na relo, "It's been 20 minutes since break. Care to explain?" dagdag na tanong ng guro sa dalawa.

Pasimpleng tumikhim si Zean, "I'm sorry, Sir. There was an emergency. Galing po kami sa clinic."

"Why? Are you sick? Na-aksidente ba kayo?" alalang tanong ng guro sa kanya.

Napakamot sa sariling batok si Zean, "Hindi naman po na-aksidente. But sick? Yeah I think so. Pero it wasn't me." iling na sabi ni Zean bago tinuro ang binata na nasa likuran nya. "Si Salazar po."

Ano?!

Hindi maiwasan ni Matthew ang pamimilog ng dalawang mata nya dahil sa gulat nang marinig nya ang sinabi ni Zean.

"I think he's sick kaya bilang isang mabuting nilalang, dinala ko po sya sa clinic para patingnan." dagdag ni Zean na may asong ngiti sa labi.

While listening and looking at Zean, Rin scoffed. Bastardi. Alam ko 'yang mga ngitian mo, Black. 'Yan 'yung ngiti ng isang nilalang na galing pangtitrip. Mabuting nilalang my ass! You're named Black for a reason! Mamaya ka sa'kin.

"Are you really sick, Mr. Salazar?" alalang tanong ng guro kay Matthew.

"A-Ah...h-hindi po–"

Bago pa man makatapos si Matthew ay muling nagsalita si Zean, "Go on. Sabihin mo kay Sir." ani nito tsaka nginisihan si Matt, "Huwag kang mahiya." dagdag nya at napatingin naman si Matthew ng masama sa kanya.

Bahagyang lumapit si Zean kay Matthew para bumulong at para sya lang din ang makarinig, "Remember what happened sa restroom? We hugged each other. We cuddled. Sayang nga, we can have a steamy make-out session there. Lets go back sometimes?" panunukso ng dalaga sa kanya at kaagad namang binalot ng pagkapula si Matthew, mula leeg hanggang sa tenga nya.

"See, Sir? Namumula 'yung buong mukha nya."

"You can go home if you want to Mr. Salazar. You're excused." their teacher said in a very considerate voice.

"I'm f-fine Sir. Thank you but I t-think I can m-manage." sagot ni Matt at yumuko para itago ang namumulang pisngi.

"Are you sure?" paninigurado ng guro at tumango lang si Matthew bilang tugon. "If that so, you can now go to your respective seats." dagdag nito at ngumiti lang si Zean bago dumiretso sa upuan nya at ganoon na din si Matthew.

Hindi pa umabot ng sampung segundo simula nang makaupo si Zean sa kanyang upuan ay napabaling ito kaagad kay Rin nang sikohin sya nito. "Bakit?"

"Anong bakit? Ipaliwanag mo kung bakit kayo magkasama nung intsik na 'yun." mahinang sabi ni Rin.

Napangiwi si Zean, "Pinaliwanag ko na. Doon pa nga sa harap." ani ni Zean tsaka nginuso ang harapan. "Tsaka gusto mo palang marinig ulit edi sana nirecord mo."

"Gago ka ba? May hindi ka sinasabi eh."

"Huwag kang ma-issue. May sakit ang tao, tinulungan ko lang. Period. Alam mo, 'yang utak mo Rin ipacheck mo 'yan sa Headquarters. Nagiging berde." nakangiwing saad ni Zean.

Gambit of Hearts: Chasing Black UNOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon