Chapter 9

154 17 4
                                    

Chapter 9






ISANG LINGGO na din ang lumipas nang mangyari ang ginawang pambubully ni Thalia kay Zean at ilang araw na ding iniiwasan ni Matthew ang dalaga.

Hindi nila naisagawa ang proyekto nila nang inilipat nila sa kasunod na sabado ang pagpunta sa bahay ni Matt dahil kailangang kompleto silang lahat at hindi nakarating si Zean at Rin tsaka may importanteng lakad si Ina na pupuntahan.

"Hoy tol sa cafeteria lang kami ah?" ani ni Tim at tumango naman si Matthew bilang tugon bago tuluyang tumalikod at naglakad patungo sa library.

Kailangan nitong pumunta ng library dahil sa assignment na kailangan nitong sagutan.

Tapos ng gumawa si Denvee at Timothy maliban sa kanya ngunit nakagawian na ng tatlo na huwag mangopya ng gawa sa isa't-isa para kahit papaano, may matutunan sila. Pero kapag naguguluhan na talaga at hindi maintindihan ang leksyon ay tinutulungan naman nila ang isa't-isa.

Matataas ang grado ng tatlo. Simula first year ay palagi silang nasa ranko. Bukod din doon, atleta din sila at myembro ng football team ng EVU.

Hindi nagtagal ay natanaw na din ni Matthew ang library. Pagkapasok na pagkapasok nito ay napahinga ng maluwag si Matt nang makitang wala masyadong estudyante sa loob.

Nilapag na muna nito ang mga gamit nya sa napili nitong pwesto kung saan hindi gaanong kita ng mga estudyante bago ito tuluyang naghanap ng librong kinakailangan nito.

Nang makita ang librong kailangan nya, kaagad nyang inilabas ang mga gamit nya at hinubad na muna ang blazer na suot bago ito tuluyang umupo.

Nasa kalagitnaan ito ng pagbabasa nang marinig nitong bumukas ang pinto ng library at wala naman sa sariling napabaling ang atensyon ng binata doon.  Mabilis na lumaki ang dalawang mata ni Matthew nang makitang si Zean ang pumasok sa pinto.

Nang makitang dadapo sa gawi nya ang paningin ng dalaga ay mabilis nitong ipinatong ang sariling ulo sa lamesa at nagpanggap na natutulog.

Pinikit lang ni Matthew ang mga mata nya at patuloy na nagpapanggap na natutulog at tsaka nito pinakiramdaman ang nasa paligid nya.

Sa mga nakalipas na araw, hindi na nawala-wala sa utak nya si Zean. Baka siguro dahil sa sinabi nya noon. Kaya naman pilit nyang iniiwasan ang dalaga.

There are also times that he'd caught himself glancing on her seat, as if looking  for her. Nakokonsensya din kasi sya sa sinabi nya noon.

Matthew gulped when he heard footsteps near him. Naramdaman nitong kumalabog ng sobra ang puso nya dahil sa kaba nang maamoy nito ang pamilyar na pabango ng dalaga. Zean's cologne is strong and doesn't have a feminine scent. Teka bakit ba ako kinakabahan?! Why am I acting asleep when I can just push her away?!

I took a full minute of silence when Matthew felt the chair beside him getting pulled. "Wow," Manghang sabi ni Zean habang nakatingin sa nakapikit na binata, "Pumunta si Mr. Perfect dito sa library para matulog. Tsk tsk." hindi makapaniwalang bulong nito.

"Akalain mo 'yon? Akala ko tutok na tutok ka sa pag-aaral mo?" dagdag na sabi nito, "Ito 'yung tipo na makakapagbasa ng sampung libro e tapos medyo gago din pala 'to at gagawing tulugan ang library?"

Habang nakapikit ay pinilit ni Matthew ang sarili na hindi magreact sa binubulong ni Zean at pinagpatuloy pa din ang pagpapanggap na natutulog.

STAY AWAY!

Parang may mga naglalakihang tambol sa puso ni Matthew nang kumalabog ito ng malakas dahil sa kaba nang maramdaman nito ang dulo ng daliri ng dalaga sa ilong nya.

Gambit of Hearts: Chasing Black UNOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon