Chapter 38

151 14 5
                                    

Chapter 38






SA MGA LUMIPAS na linggo, mas naging malalim pa ang nararamdaman ni Matthew para kay Zean. Sinubukan nyang pigilan, pero hindi talaga. Palagi na nya lamang natatagpuan ang sarili sa tabi ng dalaga.

He's been trying, though. Sinubukan nya talagang pigilan pero mas lalo lang lumalim ang nararamdaman nya para kay Zean. Kaya naman nitong mga nakaraang linggo, palagi nyang nahuhuli ang sarili na sumusulyap kay Zean. May mga pagkakataon din na dinadalhan nya ng makakain ang dalaga sa court nila at hinahayaan lang sya ni Zean na gawin ang gusto nya.

Days went by faster than they could imagine and it's already friday— Camping Day!

Matthew and his friends sat near the university entrance, waiting for the five and it didn't take long for them to see the other group, walking inside.

Timothy's face lit up and immediately raised both of his hands, "Coreeeeeen!"

Kaagad na napangiwi si Rin at ang iba dahil sa biglaang pagsigaw ng binata. Patakbo itong lumapit kay Rin para sana yakapin ang dalaga ngunit kaagad rin syang nakatanggap ng matalim na tingin mula rito,

"Subukan mo Vasquez, at tatadyakan talaga kita." banta nito.

Napatawa sila at napasimangot naman si Timothy dahil sa sinabi ni Rin. Nitong mga nakaraang araw at linggo, napapansin nila na mas naging malapit si Tim at Rin sa isa't-isa. Hindi din kagaya ng una, lumalambing na ngayon ang pinsan nya kay Rin.

Pinaalam sa kanila ng binata na may nangyari na maganda sa pagitan nila ni Rin, hindi nga lang nito sinabi kung ano. Ang alam lang ng dalawa, napagtapat na nito ang tunay nyang nararamdaman para sa dalaga kaya naman mas malaya na itong makakalapit kay Rin.

Matthew's lips formed into a thin smile before glancing at his own two feet. Naiinggit ako kay Tim.

Gusto ko ring malayang nakakalapit kay Akihiro nang hindi kinakabahan na baka mahalata nyang may gusto ako sa kanya.

He secretly glanced at Zean's way who's face is glued to her own phone. He admired her secretly for awhile before looking away while letting out a soft chuckle.

The feelings is not mutual. Sino ba ang niloloko ko?

Napaisip si Matthew sa mga pinaggagawa nya kay Zean nitong mga nakaraang araw at linggo. Kung hindi pagpapapansin ang ginagawa nya kay Zean, hindi na nya alam kung anong itatawag doon. Pero, ni minsan, hindi nagtanong ang dalaga sa mga tinuran nya. Kung bakit nya iyon ginagawa.

"Wala pa 'yung bus?" tanong ni Keave kaya naman napabaling sya rito.

Tumayo si Denvee mula sa pagkakaupo, "Actually nandon na. Hinintay lang namin kayo. Tara?"

Tumango ang lahat at tsaka nagsimula nang maglakad. Alam ni Matthew na dapat nyang pigilan ang nararamdaman nya pero tila ba may sariling pag-iisip ang katawan nya at tsaka sinadyang hinaan ang paglalakad para makasabay nya ang dalaga.

He walked beside her and went closer before he purposely bumped his arms against hers.

"Ano bang problema mo, boi pikit?" tanong ng dalaga na hindi pa rin tinatanggal ang atensyon sa telepono na hawak kaya naman gulat na napabaling sa kanya si Matthew.

"Paano mo nalamang ako 'to?"

"Alam ko ang amoy mo."

Paano nya nalaman ang amoy ko? Inaamoy nya ba ako? Mabilis na itinikom ng binata ang kanyang bibig nang makaramdam sya ng nag-uumapaw na kilig. Kahit anong pilit nyang tago, talagang hindi nya maikakaila na hulog na hulog na sya sa dalaga.

Gambit of Hearts: Chasing Black UNOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon