Chapter 37
MAHIGPIT na hinawakan ni Zean ang manobela at tsaka mabilis na pinaharurot ang motor nya.
Muling naalala ni Zean ang mga tinuran ni Matthew. Oo wala syang karanasan pero hindi naman sya tanga para hindi malaman kung bakit ganoon ang binata. Hindi man ito sabihin sa kanya ni Matthew ng diretso, alam nya pa rin ang pinapahiwatig nito.
Napailing si Zean. Hindi. Hindi pwedeng may mamuo sa pagitan nila ni Matthew. Hindi maari. Hindi nararapat. Simula't-sapol alam na ni Zean na hindi dapat nya pinalalim ang pagkakaibigan nila ni Matthew.
Hindi nya pwedeng dalhin si Matthew sa madilim nyang buhay. Nawalan na sya ng kapatid noon dahil sa buhay na meron sya, hindi makakapayag si Zean na pati si Matthew ay madamay pa.
Pasensya ka na, boi pikit. Pero kung tama man ako, dapat mong pigilan ang nararamdaman mo dahil magkaiba ang pamumuhay na'ting dalawa.
"Didistansya na ba ako?" wala sa sariling usal nya.
A huge part of Zean disagreed on that. Hindi nya maikakaila na napalapit na rin sya sa binata. Pero alam nya sa sarili nya na mapapahamak lang si Matthew kapag sya ang kasama. Inside Zean, it was a battle between heart and her mind.
Hindi pwede, Matt.
Hindi pwede dahil baka kapag nalaman nila, ikaw ang gagamitin nila laban sa'kin at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari iyon.
Inalis na lamang ni Zean ang atensyon sa iniisip at itinuon nalang ang buong atensyon sa pagmamaneho. Hindi rin nagtagal nang marating nya ang subdivision na tinitirhan nila at nabalot naman ng pagtataka si Zean nang makita ang motor ni Aina at Kleez na nakaparada sa labas.
When she went inside, a three pair of eyes settled on her. She furrowed her eyebrows when her eyes landed on Rin, "Bakit wala ka sa training room?" tanong nito bago inilibot ang paningin, "Umuwi na si Tim?"
Nakasanayan na ni Zean na umuuwi ng gabi si Timothy dahil sa pag-eensayo. Minsan nga sa kanila na naghahapunan ang binata kaya naman nagtataka sya na hindi nya makita si Tim. Her eyes landed on Kleez when she heard her squeel.
"Bakit?"
"Confirmed, Zean! Babae si Rin!" masyang sabi ni Kleez na mas lalong ikinakunot ng noo nya.
Umupo sya sa bakanteng sofa, "Anong meron? Ano bang nangyari?" takang tanong nito at nakangisi namang bumaling si Aina sa kanya bago sinundot-sundot ang tagiliran ni Rin.
"Hinalikan sya ni Tim."
"Punyawa punyawa punyawa! Punyawa ka Vasquez!"
Napaawang ang labi ni Zean at gulat na napabaling kay Rin na ngayo'y sinasapo ang mukha dahil sa inis, "Ang tapang naman ni Vasquez at hinalikan ka." natatawang sabi nya, "Buti hindi mo binugbog?"
Nalukot ang mukha ni Kleez sa narinig, "Hindi nya binugbog pero tinutukan nya ng baril si Tim." iling na sabi nito na kaagad ikinahalakhak ni Zean.
"Kaya umuwi?" natatawang tanong nya na ikinatawa rin ng dalawa habang si Rin naman ay nakabusangot at pulang-pula ang buong mukha.
Binatokan ni Aina si Rin, "Gago ka! Grabe na 'yung takot non ngayon!"
"Tsk! Kasalanan nya 'yon! Bigla syang nanghahalik!" inis na sabi nito, "Tsaka, tinext ko na 'yon. Nagsorry na ako."
Naiiling na natawa si Zean at napaangat naman ng tingin sa kanya si Rin na ikinatigil nya, "Eh ikaw? Gusto ka rin ni Salazar."
Mabilis na naglaho ang mga ngiti sa labi ni Zean at tsaka sya nag-iwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
Gambit of Hearts: Chasing Black UNO
RomanceZean Iris Akihiro wants nothing than justice and revenge. At an early age, she joined an underground organization for two reasons: As a payment and to gain power. She was the Black. She was merciless. She was living yet she acted like she had no sou...