Chapter 40

153 14 5
                                    

Chapter 40





ZEAN sipped the water from the glass without taking her eyes off the window. It has been weeks since the leak about the Ciliex happened and as an Ischyros, she cannot just sit and watch. She has to do something kaya naman nakasakay sya ngayon ng eroplano at papunta ng Cebu.

Kinailangan nyang puntahan ang isa sa mga headquarters na nasa Cebu para alamin kung may kinalaman ba ang mga ito sa mga pagkalat ng mga dokumento ng organisasyon nila.

Kaya naman nang makalapag ang eroplano, hindi na sya nag-aksaya pa ng oras at kaagad na lumabas. Balak nitong bumalik kaagad kaya naman hindi na sya nagdala pa ng ibang gamit.

An old man smiled at her, "Taxi, Ma'am?"

Zean smiled back, "Yes po."

Iminuwestra ng matanda ang sariling taxi at pinagbuksan na muna sya ng pinto na kaagad nyang ikinangiti.

"Aha tika ihatod Ma'am?" Saan kita ihahatid Ma'am?

"Dyan lang po malapit sa Fuente Osmeña Circle." sagot nya na ikinatango ng matanda.

The ride towards Fuente was filled with silence and Zean just kept on looking outside the window, admiring the tall buildings in Cebu. Ilang beses na syang pumunta sa lugar kaya naman kahit papaano, nakakaintindi na sya ng Cebuano.

Dahil na din sa matinding trapiko, umabot ng mahigit trenta minutos ang naging byahe nya bago sya tuluyang makarating sa lugar na kinailangan nyang puntahan.

Ipinarada ng matanda ang sasakyan, "Ma'am, diri lang Ma'am. 'Di man gud puwede dadto." Ma'am, dito nalang Ma'am. Hindi kasi pwede doon.

Tumango si Zean at ngumiti bago ito inabutan ng bayad, "Maraming salamat, Manong."

"Daghang salamat, Ma'am!" Maraming salamat, Ma'am!

Ngumiti si Zean dito bago sya tuluyang lumabas. Dumaan ito mula sa overpass na nandoon para tumawid sa kabilang bahagi ng daan. After a minute of walking through the busy streets, her eyes settled on a familiar repair shop.

Pumasok sya doon at pinagmasdan na muna ang mga customer na nasa counter at nagpapaayos ng kani-kanilang mga gamit bago sya tuluyang pumasok pa sa loob kung saan nya nakita ang isang silid pa na nandoon.

Pero bago pa man nya mapihit ang door knob, napatigil sya sa ginagawa nang maramdaman nyang may tumutok na malamig na bagay sa gilid ng ulo nya.

"Who are you? You're not allowed here." anang boses ng lalaki.

Zean looked to her side to face the man but the mouth of the gun welcomed her face. Itinaas nya ang isang daliri at mahinang tinulak ang baril patagilid para makita ang mukha ng lalaki na nasa harap.

A young man welcomed her, a teenager. Sinuri nya ang kabuohan nito, nakasuot ito ng simpleng maong na pantalon, puting V-neck shirt, at dalawang pares ng puting sapatos. Kung titignan mo, para itong turista sa Cebu pero alam naman ni Zean na hindi nanunutok ng baril ang mga turista dito kaya naman tinaasan nya ito ng kilay.

"I see that you're new," she clicked her tounge, "Is that how you treat your Ischyros?"

Gumuhit ang gulat at pangamba sa mukha ng binata pero hindi nya pa rin tinatanggal ang pagkatutok ng baril na ikinataas sa sulok ng labi ni Zean.

Before she could show him her insignia, both of them heard a gasp, making them turn their heads towards it.

Dilat na dilat ang dalawang mata na parang ilang segundo nalang, luluwa na ito habang papalit-palit ang tingin nito kay Zean at ng lalaking kaharap.

Gambit of Hearts: Chasing Black UNOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon