Third Person's POV
Tapos na ang unang araw ng Outreach program nila. Kasalukuyan silang nagpapahinga sa isang Rest House. Pagod na pagod ang grupo ni Blade at grupo ni Sun. Habang ang twins naman ay nakahiga sila sa isang duyan na gawa sa Buri Palm.
"Saan pala si Worth?"
Tanong ni Heaven sa lahat. Pareho parehong nagulat ang mga ito."At bakit mo siya hinahanap!"
Sabay na bigkas nina Blade, Sun, at Dana."Na miss ko lang siya, masama ba? Hindi ko naramdaman ang titig niya sa'kin ngayong araw. Kaya, nagtataka ako kung saan siya."
Aniya. Walang pakialam sa sinasabi."Well, magkasama lang naman sila ni Crystal. His fiancee."
Nang-uuyam na saad ni Dana. Sa tingin niya mukhang may gusto ito kay Worth. Ngumiwi si Heaven."Ah, mag fiance pala sila."
Sabi ni Heaven. Umalis siya sa duyan at lumabas sa Rest house.Gustong magdiwang ni Dana sa tuwa dahil sa wakas masasaktan na si Heaven. Gusto niyang makita itong umiyak dahil sa pag-ibig. 'Hahahahahha! Buti lang sa kanya iyon! Pina-ibig siya ni Worth-oppa para masaktan'
Aniya sa kanyang isipan habang tinitignan si Heaven na lumabas. Sumunod si Godee sa kapatid."Ano palang balak mo kay Scythe?"
Tanong ni Godee sa kambal."Hayaan mo na. Matigas ang ulo ng isang yun."
"Hahahahhaha! Parang ikaw lang."
"Lul. Ikaw din naman ah"
"At least, may malambot pa rin sa parte ng ulo ko."
"Saan banda? At ng patigasin ko."
"Wag na. Mabuti nga may mabait bait pang anak ang magulang natin."
"Sino? Si kuya Blade? Tsk. Kung alam lang nila, may kasamaan ding tinatago si kuya."
Huminto sila sa kanilang pag-uusap ng makasalubong nila sina Worth at si Crystal. Todo kapit ang fiancee ng binata sa braso nito. Halata naman kay Worth ang pagkadisgusto sa babae.
"Hi, Heaven and Godee."
Bati sa kanila ni Crystal. Ang hinhin ng boses nito. Kaya lalo silang napangiwi. Kung susuriin mo rin ang babae parang hindi ito makakabasag pinggan. "I'm Worth's fiancee nga pala." proud na dagdag pa na sabi nito. Tinignan ni Godee ang binata. Nakatingin ito sa kapatid niya na malayo naman ang tingin."We're not interested to your fucking existence."
Wika ni Godee. Saka sila nagpatuloy sa paglalakad."May napansin ka ba sa kagubatan, twin?"
Tanong ni Heaven. Kumunot ang noo ni Godee at tumingin sa paligid. Nasa gitna sila ng kagubatan napadpad."Bukod sa mapuno at madilim. Wala na."
Mag gagabi na kaya dumidilim na ang paligid."May tao sa Wildlife Zoo."
Malapit na sila sa area kung saan ang mga mababangis na hayop."Baka si tatang Manuel lang yun. Tara na nga, bumalik na tayo sa Rest house. Nagugutom na ako."
Saad ni Godee kaya bumalik na sila sa Rest house.Dana's POV
Natapos na ang unang araw ng Outreach program namin. At sobrang pagod na pagod kami lahat maliban sa twins! Wala silang ginawa kundi ang awayin ang mga bata. Kaya, maya't maya may umiiyak na batang lumalapit sa'kin. Nagsusumbong.
"Bukas naman ang gagawin natin ay mag-asikaso ng mga hayop sa Wildlife Zoo. Ihanda niyo ang sarili ninyo dahil magha-hiking tayo."
Wika ni Blade. Kahit pagod na ang mukha niya ang gwapo niya pa rin. Kaya mahal na mahal ko siya. Walang araw na hindi siya gwapo at mabait.

BINABASA MO ANG
The Badass Twins
אקשןThe badass twins Their brother's group What will happen when they are together in one house? Godee and Heaven an saintly names but its opposite to their behavior. They are not called Badass twins for nothing.... 'Not your ordinary kickass heroi...