Chapter 30

1K 47 2
                                        

Third Person's POV

Lahat sila ay kinakabahan sa pwedeng mangyare. Hindi nila akalain na maabutan nila ang mga Leon na walang malay at duguan pa ang mga ito. Ito ang una nilang tinignan bago ang ibang mga hayop ngunit hindi maganda ang bungad sa kanila. Noong una ay kinakabahan  ang ilan dahil takot sila sa Leon. Kahit na sinabi sa kanila ni Tatay Manuel na maaamo ang mga hayop dito sa Wildlife Mountain hindi pa rin sila naniniwala. Lalo pa ngayon, hindi pa nila nakikita ang ibang mga hayop. Tanging Leon pa lamang ang nakita nila at iyong ahas sa ilog na Cobran ang pangalan na alaga ni Godee.

Doble doble ang kaba ng ilan sa kanila. Hindi nila makayanan ang presensya ni Heaven. Ang mga asul nitong mata ay walang ganang nakatingin sa daan munit ang presensya nito ay napakalamig. The version of Heaven that they don't want to see. Bored, cold, and dangerous. Tanging si Worth lang ang nakakalapit sa dalaga. Sabay silang naglalakad patungo sa mga Leon. Ang iba naman ay nasa likuran nila malayo ang distansya sa dalawa. Kahit si Godee hindi makayanan sabayan ang kapatid niya kaya kay Ryder siya sumabay. Alam niyang galit ang kambal niya. Pinakaayaw nito sa lahat ay sinasaktan ang mga alaga nila. Ni magkasugat ay ayaw nitong mangyare. Malapit na sila sa mga leon kaya huminto ang ilan sa di kalayuan. Tamang tanaw lang sa gagawin ni Heaven.

Nakita nila lahat ang kalunos lunos na nangyare sa mga Leon. Wala ngang malay ang mga ito. Pawang nakadapa ang mahigit trentang Leon at may mga dugo sa katawan pati sa bibig.

"Where's Ocean, Godee! I need him here asap!"
Malamig ang boses ng kambal niya kaya napalunok siya ng laway.

"I called him already. Papunta na siya rito, Heaven."
Pagsisinungaling niya dahil ang totoo hindi talaga pupunta ang bata na iyon dito dahil bored daw si Heaven. Tsk. Naturingang isa sa Leader ng ACES pero sa isang Heaven lang takot na. Duwag!

Tinignan nilang lahat si Heaven na hinawakan ang isa sa mga Leon. Sobrang kaba ng ilan dahil paano na lang kung biglang magkamalay ang mga Leon at dakmahin sila Heaven at Worth. Shit! Tapos sila ang isusunod.
Pinanood nila ang bawat reaksyon ng dalawang tao na ini-inspection ang mga Leon. Wala pa ring emosyon ang dalaga habang si Worth naman ay kumukunot ang noo kaya kumunot na rin ang noo ng ilan. May binulong ang binata kay Heaven kaya nadagdagan ang kuryusidad nila. Lalo pa't nakita nila kung paano ngumisi si Heaven ng nakakaloko.

"The games begin, good luck guys."
Lahat sila tumingin kay Godee ng magsalita ito at naka ngisi rin ng nakakaloko. Nanlaki ang mata ng ilan nang marinig nila ang malakas na atungal ng Leon! Dumadagundong ito sa lakas! Lalo pa silang kinabahan ng sabay sabay na nagkamalay ang mga Leon at umayos ang mga tindig nito!
"Rawrrr." panggagaya ni Godee at iniwan sila! Pumunta ito sa tabi ng kambal. Sabay nag crossed arm ang dalawa at nakangising nakatingin sa kanila.

'Mga Demonyo!'

Saad ng ilan sa kanilang isipan. They've been known the Twins to much. Ngunit, hindi nila alam ang mga tumatakbo sa mga utak nito. Unpredictable. Tanging si Worth lang ata ang nasa tamang kondisyon dahil walang ka emosyon emosyon ang mukha nito habang nasa likuran ni Heaven.

Sobra sobra na ang kaba nila at nanlalaki pa ang mga mata sa takot. Nang magsimulang humakbang ang mga Leon patungo sa gawi nila. Nakakatakot ang itsura lalo pa't may mga dugo dugo ang katawan ng mga ito. Anytime, pwede silang dakmahin at kainin ng buhay!

"30 lahat ang nandito. Kaya bawat Leon namin ay may Human Meat. At kayo ang pagkain nila, guys."
Demonyong wika ni Godee sa kanila. Hindi nagbibiro. Nagsasabi ng totoo. Kung alaga ito ng kambal hindi sa sila nag-iisip kung ano rin ang mga ugali ng mga Leon na toh.

'They're demons and heartless animals same to the Badass Twins!'

"Dead or Alive. Be a fighter and a genius, ACES."

The Badass TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon