Chapter 76

850 43 5
                                        

Dana's POV

Isang linggo na ang nakakalipas noong nag night swimming kami sa mansion nila Blade. At isang linggo na rin naming hindi nakakasama ang kapatid kong si Deisiree at ang best friend nitong si Ozi. Why? Kinidnap lang naman sila ni Venom at dinala sa Hunterose Academy. Noong una, nagalit sila Blade, Dawn, Worth, at Heaven dahil bakit daw hinayaan naming gawin iyon ni Venom. Wala naman kaming magawa nila Godee dahil ang kumag na yun ang nanalo sa laro namin at hiniling niyang makasama si Deisiree ng 15 days sa Hunterose Academy. Hindi naman kami pumayag kaso paggising na lang namin kinabukasan ay wala na sila Desdes at Ozi dito sa mansion. Nag-iwan lang si Venom ng isang note na ayun nga kinidnap niya ang dalawa at dinala sa Hunterose Academy.

“Ngayon ang araw na pupunta kami ng kambal sa Imperose University upang maging guests sa Basketball Tournament nila. At kayo na ang bahala sa Huntress University habang wala kami.” wika ni Blade. Gusto ko ring sumama kaso hindi pwede dahil ako ang SSG Vice President ng Huntress.

“Required ba talaga kaming sumama ni twin, kuya?”tinatamad na tanong ni Godee kay Blade. Sinulyapan ko si Heaven na kanina pa kain ng kain ng kung ano anong prutas at fresh veggies. Ako yata ang napapangitan ng lasa sa kinakain niya, Fresh Lettuce and Tomato, may pipino pa siya. Pwe! Walang kalasa lasa ok lang sana kung isawsaw niya sa suka o asin.

“Kailangan niyong sumama lalo ka na dahil magkikita kayo ng Fiance mong si Adam.” agaw pansin ang mahinang pagsinghal ni Ryder na siya namang ikinangisi ni Blade ng malawak. Hindi talaga kami aware sa tunay na pag-uugali ng leader namin kung may nakakilala man dito ay si Dawn iyon at ang kambal. Alam niyang may naramdaman si Ryder kay Godee pero wala siyang pakialam kahit na best buddies niya toh. “And, before 10, dapat nandoon na tayo sa I. U. At kayo naman, magsikilos na kayo dahil anong oras na baka ma-late pa kayo sa una niyong subject.” ngumiwi ako at maarteng sinuri ang makukulay kong kuko. Hindi man halata pero si Dawn ang nag-manicure nito kagabi. Nag-aya kasi si Heaven na maglinis ng mga kuko namin pero siya rin itong umalis agad dahil hindi niya gusto ang amoy ng mga cutics.

“Tsk. Naalala ko na naman si Miss Ekans, ano bang trip ng guro nating iyon at tinatambakan tayo ng mga paperworks? Tapos, papansin pa. Tsh.” I laughed softly of what Jun's said. Inis ako nitong sinulyapan kaya tinarayan ko na lang siya.

“Isa ka sa mga type niya, Kazunari. Si Ryder gusto niya rin, si Worth gusto niya rin. Lahat ng grupong lalaki ni kuya ay type niya. Hindi niyo ba nahahalata? Tuwing recitation ay puro lalaki ang tinatawag niya.” saad ni Godee na siyang ikinatango namin at ikinasinghal naman ng mga boys.

“Pero, magaling naman siyang guro kaso may pagka-malandi lang talaga hahahahahah!” Nagtawanan kami sa sinabi ni Heaven pero agad din kaming ngumiwi sa kinakain niyang damo. Urgh. Fresh Lettuce. Ano bang lasa niyan? And then, nakita pa naming sinubuan niya si Worth-oppa ng strawberry gamit ang bibig niya. Gosh... Sobrang PDA!!! na nila dito sa mansion. Ang mga inosente naming mata at tainga ay hindi nakakaligtas sa ginagawa nilang kababalaghan. Badtrip na badtrip nga si Blade kay Worth-oppa pero wala namang mawaga ito dahil si Heaven ang makakalaban niya.

Well, hmm, kapansin pansin din ang pagiging blooming ni Heaven ngayon Kahit na dati na siyang maganda pero parang mas lalo siyang gumaganda ngayon. Alagang Worth Galvez ba naman.

“Kailan ba ibabalik ni Venom si Baby Desdes? Tsk. Huwag niyang uubusin ang pasensya ko. Wala akong pakialam kung isa siya sa mga hari ng Hunterose Academy!” inis pero seryosong sambit ni Dawn. Hindi nga siya nagbibiro. Pagdating talaga kay Deisiree sobrang over protective niya rito.

“Don't worry. Alam ko namang aalagaan ni Venom si Desdes at saka nandoon din naman si Ozi.”
Saad ko kahit medyo kinabahan din ako dahil hindi ordinaryong paaralan ang Hunterose Academy dahil kung ang Hunterose clan ang nangunguna sa lahat pwes itong paaralang ito ay nangungunang prestihiyosong paaralan sa buong mundo. An school of fighters. Dorm school ito at pugad ng matataas na rank ng mga Gangsters, Assassins, Mafia, at iba pang mga anak ng Diablo. Hindi rin biro ang mga namumuno roon. Walang SSG officers pero may mga hari at reyna talagang kinakatakutan at ginagalang sila. And for more information, doon din nag-aaral ang ilang kasapi ng Monstrous Trio Squad.

Godee's POV

Mabuti na lang at kasama si Ryder sa'min kahit papaano ay panatag ang loob ko. Handa naman akong makita ang fiance kong si Adam Imperial kaso pakiramdam ko hindi pa naman kami engaged ay nagtataksil na ako sa kanya. I like Ryder. No, dahil mahal ko na pala siya pero hindi kami pwede sa isa't isa. Wala akong lakas ng loob upang ipaglaban siya sa ina namin. Tsk. Mabuti pa sila Heaven at Worth mukhang may nabubuo na silang magiging pamangkin namin ni kuya Blade. Halata naman sa kinikilos ng kambal ko. Dati naman di siya clingy kay Worth pero ngayon sobrang showy niya na rito.

“Twin, guest tayo kaya wag kang magdala ng mangkok sa stage.” ngumisi lang siya na parang bata at pinagpatuloy ang pagkain ng iba't ibang klase ng damo. Kadiri. Napaka-plain but fresh veggies kaso walang lasa. Lulan kami ng sasakyan ni Kuya Blade patungo sa Imperose University. Hindi naman iyon kalayuan sa Skyline Village. Bale, anim kaming pupunta ng I. U.  ngayon as a student guests for their Basketball Tournament. Si Ryder ang nagda-drive, dito naman ako sa front seat. Then, sina Kuya Blade katabi niya si Dawn na kanina pa seryoso. Inaalala kasi nito si Desdes na nasa Hunterose Academy, eskwelahan ng mga demonyo. At ang nasa panghuling upuan ay sina Worth at Heaven na hindi mabitaw bitawan ang mangkok na dala nito, mapa mansion man, sa Huntress University, sa labas ng Skyline Village, at hindi ko akalain na pati ang pagpunta namin sa I. U. ay dadalhin niya pa rin ang mangkok na yan na may mga lamang damo at strawberries.

“Kuya, di ba ngayon din punta mo sa Russia?” tanong ko kay Kuya Blade seryosong tumango siya at tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan niya. May monthly check up kasi si kuya sa Russia for his long time sickness. Hindi ito alam ni Dawn at hahayaan na lang namin silang dalawa ni kuya ang mag-usap tungkol dito. Pero kung titignan mo naman ang dalawang ito, si kuya sobrang possessive sa kay Dawn na siya namang walang pakialam sa kanya. Manhid lang kumbaga.

“After the program aalis na agad ako. Ihahatid ako ni Ocean.”

“Isama mo kaya itong si Bukang Liwayway para naman makapag-unwind ang isang toh. Stress siya lately dahil kakaisip kay Desdes.”

“Ayaw ko. Ano namang gagawin ko doon sa Russia? Mangingisay lang ako sa lamig doon.” tutol agad ni Dawn sa sinabi ko. Tamad akong bumugtong hininga at tumingin sa harap.

“Winter Season na pala ngayon sa Russia, noh? Awww, parang gusto kong humiga sa snow, Worth?”
Rinig kong wika ng kambal ko. Napa-iling ako at natawa.

“Pfffttt... Remember twin, bawal pa tayong lumabas ng bansa.” saad ko sa kanya. Narinig ko siyang malalim na bumugtong hininga at alam kong sumimangot siya dahil hindi na siya umimik.

“Pero, Worth... Gusto ko ng snow ngayon na. Kuya Blade! I want snow!”

“What? Saan ka naman makakita ng snow dito sa Pilipinas?” sambit ni kuya at takang taka na tumingin kay Heaven. Wala pa rin siyang idea. Obob talaga amp.

“Edi, magpa-deliver ka sa mansion! Gusto ko pag-uwi namin mamaya may snow na sa mansion natin!”

“Baby? Are you insane? Anong deliver ang pinagsasabi mo? Mayroon ba non?”

“Of course! Ikaw si Sky Blade Hunterose at lahat ay nagagawan mo ng paraan! I want snow! Snow! Snow! Kuya.”

“Tsk! Kay Worth ka humiling! Hindi sa'kin.”

“No! He's already done his job po. Inaalagaan niya ang mga bulaklak ko sa garden.”
Pfffftttt... Sinulyapan ko si kuya mula sa rear mirror at frustrated siyang sumuko sa bunso namin. At pilit na tumango.

“Fine. Asahan mo na mamaya na may mga snow sa mansion natin.”
Hahahahhaha! Paano niya kaya magagawa yun ng hindi matutunaw ang mga snow at saan siya kukuha nito? Tag-init pa naman ngayon dito sa Pilipinas.

The Badass TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon