Chapter 78

700 33 7
                                    

Ryder's POV

Hindi na kami nanood ng Basketball game ng Imperose University dahil nag-aya na kasi itong si Heaven na umuwi na.

“Ang tagal naman nila kuya.” Reklamo ni Heaven habang masama ang tingin sa gate ng I. U. Nandito kami sa labas at hinihintay sila Blade at Worth na may kinausap pang tao doon sa loob. Yung Principal.

“1 minute pa nga lang tayong naghihintay. Matagal na agad sayo iyon? Twin?”
Saad ni Godee. Tsk. Ramdam ko pa ang pagka-ilang niya kay Adam kanina. Kaazar.

“1 minute equivalent to 1 year. Tsk.” masungit na wika ni Heaven. Nagtatakang tinignan namin siya ni Godee dahil kahit kailan hindi namin siya nakikitang masungit o mataray. Si Dana lang naman ang bukod tanging mataray at maarte sa grupo namin. Wala nga atang araw na palaging naka rolled eyes yun. Then, back to Heaven, ang sungit ng tabas ng mukha niya. Kung kasama niya si Worth ngayong sigurado lalong mai-inlove yun sa kanya. “I hate waiting! Mauna na nga ako sa inyo!” aniya pa at Nagmartsa nga palayo sa'min. Sinubukan pa siyang pigilan ni Dawn pero hindi siya nagpatinag.

“Wierd. Kakaiba ang kinikilos ni Heaven ngayon tapos hindi pa niya mabitaw bitawan yung mangkok na dala niya. Hmm, may sakit ba siya?” tanong ni Dawn kay Godee. Nagkibit balikat ito at tumingin sa gate. Tumingin din ako roon at nakita namin si Owen na papalabas. Yung batang lalaki na halatang may crush kay Heaven.

“Oy! Owen!” tawag ni Godee rito. Tumingin ito sa gawi namin at nakangiting kumaway saka siya lumapit sa'min.

“Hello po” nagbow pa siya. “Si Ate Heaven po ba yun?” tinuro niya si Heaven na di kalayuan sa'min. Huminto pala ito at alam naming nayayamot itong nakatingin sa'min.

“Yeah at wala siya sa mood ngayon. Bawal siyang lapitan dahil nanapak ng bata yun.” saad ni Dawn.

“Ah ganun po ba, Ano po palang ginagawa niyo dito?”

“Gala lang hahahahahha! So, dito ka pala nag-aaral? Eh, yung kapatid mong si Sandara?” ani ni Godee

“Highschool pa lang po siya kaya sa ibang school siya nag-aaral. Ako naman is first year college na po rito sa I. U.”

“Ang you are a Doctor Student, right?” tanong ko. Hindi siya Naka-uniform ng pang Medic pero base sa ID niya ay masasabi kong isa siyang Doctor. Tumango siya at tumingin muli sa gawi ni Heaven.

“Kamusta pala si Kill? Magkapitbahay nga tayo pero hindi naman namin siya nakikita hahahahaha!” saad ni Godee. Sa loob ng isang linggo noong night swimming lang namin nakasamasa si Kill at hindi na iyon nauulit pa. Habang ito namang si Owen at yung kapatid nilang si Sandara ay pumupunta sa mansion kaya close na rin nila ang mga kasamahan namin.

“Busy lang po si Kuya Kill. Medyo, abala siya ngayon sa Hospital namin.”

“Hmm, gusto mo sumama sa'min? Kakain kami sa turo-turo ngayon” aya ni Godee rito. Inakbayan pa niya tsk. Kahit bata pa yan. Lalaki pa rin yan. Haist.

“Turo-turo?”

“Hindi mo alam yun? Well, mga pagkain yun na sari sari at masasarap kumbaga tusok tusok talaga tawag doon hahahahhaah!”
Ano bang pinagsasabi ng babaeng ito?

“Pero, susunduin ko pa kase si Sandara sa school niya at saka sabi po ni kuya Kill kailangan po naming umuwi ng maaga ngayon.”

“Ah, okey. Sa susunod na araw na lang isasama ka namin doon at pati kapatid mo.”

“Sige po. Mauuna na po ako sa inyo. Paalam po.” saad ni Owen at umalis na.

Sa tingin niyo ba, makikidnap ang isang Heaven?biglang usal ni Dawn. Kumunot ang noo namin ni Godee at tumingin muli sa pwesto ni Heaven. Ganon na lang ang panlalaki ng mga mata namin ni Godee ng  makitang may puting limousine na huminto mismo sa tapat ni Heaven at may bumabang isang lalaking nakamaskara ang buong mukha at walang kahirap hirap na binuhat si Heaven at pinasok sa loob ng Limousine. Huli na ng kumilos kami dahil nakalayo na sila sa'min at sobrang bilis ng pagpatakbo ng sasakyan.

The fuck! Dawn Bakit wala kang ginawa?singhal ni Godee.

Malay ko bang wala ring ginawa si Heaven para pigilan yung kumuha sa kanya. Aish. NAKIDNAP SI HEAVEN! I can't believe na ang isang Heaven Hunterose ay nakidnap.pag-hihistirikal nito tumigil lang siya ng binatukan siya ni Godee.

Tsk. Sino naman kayang kupal yun na kinidnap ang kambal ko?

“Maybe? One of her Admirers

“Aish. Within 24 hours hindi pa siya makabalik, I will declare search and rescue.”
Tamad na saad ni Godee at ngumisi siya ng nag-angat siya ng tingin sa'kin.

Where's Mì Amoŕe?

“Kinidna------” agad na tinakpan ni Godee ang bunganga ni Dawn.

“Naunang umuwi. Tara lets na!”
Nagtatakang tinignan kami ni Worth kaya umiwas ako ng tingin sa kanya at sumunod kanila Godee. “Kuya, aalis ka na ba ngayon patungong Russia?”

“Mamayang gabi pa dahil may ginagawa pa raw si Ocean.”

“O? Paano yung snow na ni-request ni Twin?”

“Ok na yun. Tumawag na ako kay Dad na magpadala sila ng snow dito sa Pilipinas.”

“Hahahahahaha! Mga uto-uto.”

“Aish.”

Heaven's POV

Napamulat ako ng may naramdaman akong karayom na tumusok sa braso ko at hinihingal na bumangon. Tinignan ko ng masama ang mapangahas na tinusukan ako ng injection.

“Well, well, well, mabuti naman at gising na ang munting prinsesa ng aking kamahalan.” Miss Ekans aka Madam Snake! Anong ibig sabihin nito?

“Kalagan mo nga itong kadenang nasa paa ko!” singhal ko sa kanya. Nakakadena ang dalawang paa ko at naka lock ito sa magkabilang dulo ng kama. Isang tingin pa lang hindi ordinaryong chain ang nilagay nila sa paa ko. It's an Electric Chained. At alam kong kontrolado nila ito sa oras na manglaban ako.

“Pasensya na ngunit hindi maaari ang pinag-uutos mo.” Damn it. Nilibot ko ang paningin ko kung saan ako naroon at tila kinilabutan ako ng makita ang mga nakapinta sa pader at kisame. Lahat ay pagmumukha ko!
Maaliwalas naman ang silid pero ang creepy pa rin dahil sinong baliw ang magpinta ng mukha ko sa kisame? Shity.

Sinulyapan ko si Madam Snake na niligpit iyong mga gamot at syringes. Wala naman akong sakit bakit kailangan pang mag-injection sa katawan ko. Tss. Tamad na humiga ako muli at pumikit. Di ko alam pero nitong mga naraang araw ay madalas akong mahilo at tinatamad namang talaga. Pakiramdam ko paralisado ang buo kong katawan at ayaw nitong kumilos. Mabuti na lang at nasa tabi ko palagi si Worth at handang pagsilbihan ako. Kahit nga pagligo ay siya na ang gumagawa which is buong puso niyang ginagawa. Kumukulo na naman ang tyan ko. Dumilat ako at hinanap ang mangkok na dala dala ko palagi.

“Ito ba hinahanap mo?”
Sabay kaming tumingin ni Madam Snake sa pintuan ng bumukas iyon at pumasok si Kill. Dala niya ang mangkok ko at napangiti ako ng punong puno iyon ng strawberry. Tumango ako saka bumangon.
“Here” inabot niya sa'kin ang mangkok.

“Thank you. Ano palang ginagawa ko dito sa bahay niyo?” tanong ko sa kanya. Sinulyapan ko si Madam Snake na yumuko saglit kay Kill bilang paggalang. Nag-angat ito ng ulo at masama agad ang tingin sa'kin.

“We're kidnapping you.”
Walang halong birong wika ni Kill. Malamig at seryoso ang mukha.







The Badass TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon