Desiree's POV
Tumingin ako kay Ozi na tahimik lang sa tabi ko. Nagkaroon ng mapupulang pantal ang katawan niya at sa mukha. Naalala ko allergic nga pala siya sa ipis. Sa oras na madapuan siya nito agad namumula ang katawan at mukha niya. Hinawakan ko ang kamay niya kaya tumingin siya sa'kin ng nakangiti.
"Don't worry, ree-ree. Ayos lang ako."
"Pero zi-zi, namumula na ang buong katawan mo."
"Kaya ko naman"
"Ikukuha kita ng gamot, saan ba nakalagay?"
"Nasa kwarto namin ni Jun. Wag ka na ng umakyat. Aalis na ang mga magulang mo. Kailangan makita mo sila bago sila umalis ree-ree."
"Nandiyan naman si Dana"
"Mahalaga pa rin na kayong dalawa ang makita nila tita bago sila umalis."
"Si Dana lang naman ang gusto nilang makita."
"Tsk. It's not true, ree-ree."
Nawalan ng emosyon ang mukha kong tinignan ang parents ko na pinagsasabihan si Dana. Hindi pala, dahil kino-comfort ito ni mommy sa nangyare kanina. Napatingin kami ni Ozi ng makita namin Si Heaven na papunta dito sa pwesto namin. Galing siya sa Dinner Area dahil tumulong siya sa mga butler ng lolo nila sa paglilinis at paghuli ng mga alaga niya. Dami ko na namang tanong sa utak ko.
'Bakit ang babait ng ipis niya?'
'Bakit niya pinapakain ng cake ang bulate at ipis?'
'At bakit may bulate sa mga cupcakes ni Dana?'
Nakangiting inakbayan niya kaming dalawa ni Ozi ng makalapit siya sa'min.
"Ozi, sorry ha, hindi ko kase alam na may allergic ka pala sa mga cockroaches babies ko. Pinagalitan ako ni kuya hahahahaha!"
"Ayos lang, Heaven."
"Desdes, samahan mo ko. Ihatid natin siya sa kwarto nila. Nagpakuha na rin ako ng gamot para sa allergic niya."
Tipid akong ngumiti at tumango kay Heaven. Tumingin ako kay Zi-zi na nag-aalinlangan pang magpahatid samin."Tsk. Mì Amoŕe, ako na bahala kay Ozi. Huwag mo na siyang akbayan."
Nagtatakang tinignan ko si Kuya Worth dahil mukhang galit siya at masama ang tingin niya kay Zi-zi. Sumimangot si Heaven at sinunod ang utos ni kuya Worth. Nagmamaktol siyang nakasunod sa likuran namin.Ramdam kong nanghihina na si Zi-zi kaya pagdating namin sa kwarto nila ni Jun ay agad namin siyang pinahiga sa kama niya. Nanginginig na siya at mainit na rin ang katawan niya. Epekto ng allergy.
"Si Desiree na ang bahala kay Ozi, Mì Amoŕe. Tara na sa parking lot, hinihintay na tayo ng parents natin." parents natin? Hindi naman sila magkapatid ah. Naguguluhan talaga akong nakatingin sa kanila. Alam ko ayaw ni Blade ng ganyan kalapit na lalaki sa kapatid niya. Naka-akbay si Kuya Worth kay Heaven.
"Desdes, alagaan mo ng mabuti si Ozi ha. Bye bye!"
Saad ni Heaven at lumabas na sila ni kuya Worth dito sa kwarto. Tumingin ako kay Ozi, nilagyan ko siya ng kumot dahil nilalamig na siya. Kinuha ko rin ang gamot na hinanda ni Heaven upang ipainom sa kanya."Hi, pinapabigay ito ni Ate Heaven para kay Ozi."
Nagtatakang tinignan ko si Ocean nasa may terrace ng kwarto siya dumaan. Nakangiti ito sa'kin. Walang emosyon ang mukha ko ng kinuha ko sa kanya ang isang paper bag na binigay niya. "Are you Desiree, right?" nakangiting tanong nito sa'kin. Kunot noong tumango ako sa kanya. Hindi ko maintindihan ang kilos niya minsan tamad at minsan naman ay sobrang energetic. Nagniningning ang mga abo nitong mata sa tuwing tinitignan niya ako. Natutuwa ba siya?

BINABASA MO ANG
The Badass Twins
ActionThe badass twins Their brother's group What will happen when they are together in one house? Godee and Heaven an saintly names but its opposite to their behavior. They are not called Badass twins for nothing.... 'Not your ordinary kickass heroi...