Chapter 73

701 30 10
                                    

Ryder's POV

“Kill! Ikaw na ba yan? Omg! You're so handsome!” si Dana ang unang lumapit sa kanya at maarte siya nitong niyakap. Sumunod pa si Dawn na pinigilan ni Blade pero hindi ito nagpatinag sa kanya at nilapitan rin si Kill saka niyakap ito.

Omo! Namiss ka namin! Kill! Ang laki na ng pinagbago mo at mas matangkad ka na sa'kin ngayon.”
Sambit ni Dawn at kumalas din siya agad mula sa pagkayakap kay Kill dahil hinila siya ni Blade.

It's been a long time, how are you, Kill?kalmadong wika ni Blade. Tumingin kaming lahat kay Kill na hindi nagbabago ang malamig na presensya nito. Malamig at walang emosyong pinapakita.

Fine.
Tipid nitong sagot at sinulyapan sina Heaven at Worth na nagtatalo doon sa sulok. “Are they in relationship?tanong ni Kill sa'min. Malamig ang boses.

May relasyon pero walang label.
Si Blade ang sumagot. Mongge. Talaga ang isang toh, alam niya namang magkasintahan na yung dalawa. “Let's drink. Umiinom ka ba ng alak?aya Blade.

Yeah. Bawal uminom ang mga kapatid ko dahil minor pa lang sila.”
Turo ni Kill sa mga kapatid na nasa pool na ulit kasama ang mga kaibigan nila Godee.

I know that, 20+ lang ang iinom ng alak sa'tin at iyong mga 19 pababa. Bawal.saad ni Blade na siyang kinasimangot ni Dawn.

How about me? Gusto ko rin uminom ng alak, Blade.

“Bawal. B. A. W. A. L. Bawal.”

“Hah! Hindi mo ako mababawalan! Walang bawal bawal sa'kin. I'm Dawn Miller and no one can commands me. Even you, Blade.”

“Aish! Ang tigas talaga ng ulo mo! Fine, iinom ka pero light drinks lang.”

“Hehehehehe, geh geh”

“Tss. Let's go, Kill, guys,.”
Aya ni Blade sa'min at nauna na sila ni Dawn nagtungo roon sa Bahay Kubo dito sa Swimming pool nila. Nandoon ang mga pagkain namin at mga inuming alak. Tumabi ako kay Kill at nakipag-fist bump sa kanya.

“Long time no see, Bro.”
Saad ko sa kanya.

“Hmm.”
Malamig niyang tugon. Sumulyap ako kay Godee na nilulunod ang pinsan nitong si Slay.

Heaven's POV

Wala naman dapat siyang ikagalit pero bigla na lang siyang nagalit sa'kin at hinila ako rito sa may sulok.

“Damn it! Heaven, hindi na natin siya kilala at nagawa mo pa siyang imbitahan dito sa Mansion niyo.”
Inis niyang saad sa'kin. Nag-cross arms ako at masamang tinignan si Worth.

“He's still Kill Guevara we used to know, Worth. Wala namang masama kung iimbitahin natin siya.”

“You don't understand me, ang sa'kin lang ay hindi na natin siya kilala. Hindi nga natin alam na may mga kapatid pala siya.”
Ayon nga rin ang bumabagabag sa isip ko ngayon. Guevara Family is one of the Mafia Clan at alam ng lahat na isa lamang ang tagapagmana nila. Which is si Kill.

“He's cold lang pero siya pa rin si Kill na Best friend niyo nila kuya Blade! Huwag ka ngang manghusga ng tao, Worth. You knew Kill before naman kaya hayaan na natin siyang makasama ngayon dito sa Night Swimming natin, hmm baby?”
Lumambot ang expression niya sa mukha at niyakap ako ng mahigpit. Akala mo naman talaga may aagaw sa'kin mula sa kanya. Hay naku, Worth. I'm yours, Baby. Gumanti na rin ako ng yakap para naman kumalma siya.

“I don't like the way, she called you 'My Heaven'. Tsk.”

“Hayaan mo na. Ikaw nga tinatawag mo akong Mì Amoŕe.”

“Cuz you're mine.”

Napa-iling na lang ako at kumalas na sa yakap mula sa kanya.

“After ba ng Graduation natin? Bubuntisin mo na ako?”
Pigil tawang tanong ko sa kanya pero hindi niya na naman nakuha ang biro ko dahil sumeryoso siya.

“I will impregnate you right now para wala na akong kaagaw sayo. Tsk. Bakit naman kasi bumalik pa si Kill?”

“Alam mo, wag mong problemahin si Kill. Kilala ko siya at kilala mo rin siya. Mas isipin mo ang kambal mong si Wealth.”
Natigilan si Worth at tumitig sa'kin.

“Alam mo?”
Tanong niya sa'kin. Nagkibit balikat ako at tumingin sa pool.

Napansin ko lang. Niyakap ko siya doon sa rooftop sa School Building natin sa Huntress. Syempre, parte siya ng Monstrous Trio Squad kaya namiss ko rin siya. Mahigit tatlong taon din kaming hindi nagkita dahil nakulong nga siya sa Hailstone.

“Pinagdududahan mo si Wealth?”

“Kilala ko ang mga comrades ko, Worth. Kahit ilang dekada kaming hindi magkita hindi ko makakalimutan kung sino sila at ano sila. Maaaring ang isa sa'min ay mag traydor at mas susundin nila ang nakakataas sakin. Hindi natin galamay ang takbo ng utak ng mga taga World Government. Kakampi o traydor. Lumalatay iyon sa dugo at puso ng mga comrades ko. And Wealth Galvez your twin brother is not exempted.”

Nagtatrabaho siya sa World Government pero hindi ibig sabihin ay magiging kalaban natin ang kapatid ko, Mì Amoŕe.

“But you know him. Alam mo kung ano ang tingin niya sa'kin, Worth. Tsk. Tignan mo nga, wala na naman siya rito sa Night Swimming natin.”

“Busy lang yun. Prosecutor siya kaya kailangan niyang bumawi sa World Government. Hindi niya pa nga nalulutas ang isang kaso niya na si Madam Snake ang main suspek.”

“Gusto ko ng patayin ang ahas na yun. Tsk. Bukas makikita na naman natin ang pagmumukha niyang ahas.”

“Hahahahaha! Hawak siya ni Wealth sa leeg. Ang kambal ko ang hahatol ng kamatayan sa kanya. It's either slow Death or fast Death.”

“Gago naman kasi si Wealth, ikakama muna ang mga suspek niyang babae bago niya ito papatayin. Ika nga niya, Pleasure first before I'll kill you. Manyakol ngang talaga.”
Tumingin ako sa Kubo ng nag-uumpisa na sila kuya Blade mag-inuman.

“Heaven, pwede ba akong uminom? Hehehe.”
Nag-aalinlangang tanong ni Ocean sa'kin. Nasa tubig pa siya at sakay ng salbabidang bilog. Ngitian ko siya dahilan ng pagliwanag ng mukha niya.

“Oo naman. Yang tubig sa pool ang inumin mo.”

“Heaven naman eh. Allowed me drink alcohol, please, ate Heaven ko?”

“Ulul. Ilang taon ka nga ulit, Ocean?” Kunwareng tanong ko.

17 pero turning 18 na ako next year.

“Edi, next year ka na rin uminom ng alak.”

Inis siyang suminghal saka sumimangot at nagpalutang lutang na lumayo sa'min ni Worth. Nagtungo na rin kami sa kubo upang makihalubilo. Nagsalubong ang kilay ko ng parang lasing na agad si Kill.

“M... My He.. Heaven, ka---kamusta ka na po?”
Lasing na nga siya! Tinignan ko ng masama sila kuya Blade.

“It's not my fault. It's Dawn's fault.”
Aniya. Lumipat ang masama kong tingin kay Dawn na Kunwareng naglasing lasingan.

“Gushtoow kosh nangsh matulogshh, Bladeshh” natawa si kuya sa kanya at pinasubsob ang mukha ni Dawn sa dibdib niya.

“Later, baby.”
Suminghal ako at nilapitan si Kill. Naka-isang baso pa lang ito pero nalasing na agad.

“Hoy! Bukang Liwayway, bakit mo ba nilagyan ng gamot ang alak ni Kill?”

“Heheehe, nakakainis kasi sobrang lamig ng pakikitungo niya sa'min kaya ayan nilagyan ko ng gamot ang alak niya para mabilis siyang malasing.” aniya.

“Tsk!”

The Badass TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon