Godee's POV
“Mission accomplished. Ate Heaven's condition is critical because of the device chip inside to her heart.” Natigilan kaming lahat ng marinig ang anunsyo ni Ocean, hinuha ko ay nagmamaneho siya ngayon ng Private jet niya. “And she said bago siya nawalan ng malay, wag niyo raw patayin ang mga tauhan ni Mr. Sandro, hangga't maaari gumamit kayo ng Poisonous Katana. That's all, good luck comrades!” tumahimik na ang kabilang linya kaya nagkatinginan kaming lahat at sabay na napabuga ng hangin. Ito ang kinabahala naming lahat, ang ma-activate ang nakatanim na device chip sa puso ni Heaven. Naikuyom ko ang kamao ko at hindi napigilang suntukin ang pader na gawa sa metal. Minsan ko ng nasaksihan si Heaven noon na naghihinalo dahil sa putangnang device chip na iyon sa puso niya. Halos gabi gabi siyang nagmamakaawa at nilalabanan ang sakit na nararamdaman niya noon. At ngayon, naranasan na naman niya.
“Shit! What the heck are you doing!” pinigilan ako ni Ryder kaya napayuko ako. He hugged me tightly kaya napasubsob ang mukha ko sa malapad niyang dibdib. “Please, calm down, okay? Malakas si Heaven at alam nating kakayanin niya ang sakit na nararamdaman niya. We need to focus to the thugs out there, hon. Limang Heneral ang namumuno ngayon sa mga tauhan ni Mr. Sandro. Kung hindi pa natin tatapusin ito agad ay maaaring maraming madamay na mga inosenteng tao dito sa Skyline Village. 24 hours Lock down lamang ang ginawa ni Silversmith.” pagpapaalala ni Ryder sa'kin. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Lihim silang pumuslit kanina ni Silversmith sa labas nitong Hideout at nagmanman sa mga tauhan ni Mr. Sandro na narito ngayon sa Village. Hindi maiiwasan ang barilan dahil iyon ang mga armas na dala ng mga hukluban sa itaas kaya kailangan i-lock down itong buong village para walang mga civilian ang madamay.
Skyline Village, bawat bahay dito ay may mga bakod na gawa sa Bullet proof and the same time sound proof. Ito ay naka-tago sa ilalim ng lupa at aangat ito kapag naka-lock down alert. Kung sino mang nagmamay-ari sa lugar na ito ay ang masasabi lang namin ay isa siyang Genius. Dahil, sa oras ng kaguluhan tulad nitong kinakaharap namin ngayon, walang mga inosenteng tao ang madadamay. We just need to hurry up and Lock down the whole village.
When we say, Lock down, lahat ng mga bahay dito ay nabalutan na ng mga pader at kung lalabas kami ngayon dito sa hideout, ang bubungad sa'min ay isang maze.
“Narinig ko ang anunsyo ni Ocean, si...si Heaven, si Heaven, delikado ang lagay niya, lahat ng mga bata sa Hailstone noon ay siya ang napiling lagyan ng device chip sa puso at ano mang oras ay papahirapan siya sa nag-kokontrol nito.” naiiyak na usal ni Dana, kakapasok niya lang dito sa Weapon Shelter ni Heaven dahil pinahatid ko sa kanya sila Desdes, Ozi, Dk, Song at Jun sa isang silid dito sa Hideout. Hindi sila pwedeng sumali sa labang ito. They're innocent at ayaw ni Kuya Blade na makasaksi ng kaguluhan ang mga kagrupo niya.
“Hindi lamang si Mr. Sandro ang may kakayahang kontrolin ang device chip na nasa puso ni Heaven kundi ang buong official ng World Government. The 13 Big Bosess also known as The 13 Great Emperor.” nanginginig ang labing usal ni Dana. Agad siyang nilapitan ni Tokyo at pinapakalma ito.“Calm down, Multo. Alam na namin ang tungkol dito pero ang sakit na mararamdaman ni Commander ay hindi namin alam.”
“I knew what it feels, unti unti kang papatayin ng device chip na iyon. Milyong boltahe ng kuryente ang paulit-ulit na mararamdaman ng buong katawan niya. A.. At.. Ang puso niya, iyon ang parte ang pinakamasakit dahil para itong tinataga at dinudurog. Nasasaktan ako para sa kanya, alam mong sa lahat ng tao rito siya ang hinahangaan at iniingatan ko.”
“I know I know, shhhhh... Calm down please... Aalahanin mo rin ang puso mo, ayaw ni commander na may mangyareng masama sayo at malilintikan kaming lahat sa kanya. Ok?”

BINABASA MO ANG
The Badass Twins
ActionThe badass twins Their brother's group What will happen when they are together in one house? Godee and Heaven an saintly names but its opposite to their behavior. They are not called Badass twins for nothing.... 'Not your ordinary kickass heroi...