Chapter 48

881 39 11
                                        

Dana's POV

My gosh! They're so irritating! Dumbass! Childish! Paano ba kami nakakatagal sa kanila?

"Dana the witch, come here. Tulungan mo akong pumili ng fresh meaty."

I exhaled irritatedly bago pumunta kay Heaven na tinawag ako. Iniwan ko rin kay Blade ang push cart namin.

"Ano bang ulam lulutuin mo?"
Tanong ko sa kanya. Ngumiwi ito bago nakangiting tumingin sa'kin. 'Ang ganda niya talaga kapag matino ang utak.'

"Ano ba ang mga gusto o paborito nilang ulam?" tanong niya pabalik sa'kin.

"Pork steaks, Beef steak, Pork chop, Chicken Tonkatsu, Lechon kawali, chicken inasal, Hotdog, etcetera."

"Ayaw nila ng may sabaw?"

"Minsan lang may stew sa ulam namin." si Worth-oppa mahilig sa ulam na may sabaw. Kaya nga itong babaeng mahal niya ay sabaw minsan ang utak. Tsk.

"Ow? Worth baby, anong gusto mong ulam mamaya?" OMG! Bakit ako kinikilig sa kanila? Katabi niya lang si Worth-oppa at kitang kita ko kung paano siya ngumiti kay Heaven at may binulong dito.

'You?'

Kumunot ang noo ko at hindi ko maintindihan ang binulong ni Worth-oppa. You? May ulam ba na ganun?

"Tss. Later, baby." Omg! I knew it.

Gosh. They're so wild. Ano na lang kaya ang magiging reaksyon ni Blade kapag marinig niya ang usapan ng dalawang ito?

"So, I will cook Beef stew, Dana. While, you will cook those what you said earlier. Got it?" wala sa sariling tumango ako kay Heaven. Nasa tindig na talaga nila ang pagiging maawtoridad. Tipong mapapasunod ka na lang ng labag sa loob mo. "Don't worry, Jun and kuya will help us." wika niya pa. I rolled my eyes. Ok na sana kung si Blade lang ang tutulong sa'min bakit kasama pa si Jun? Gosh.

"Hoy Worth! Lumayo layo ka nga sa kapatid ko!" Biglang lumapit si Blade dito sa'min at masama ang binigay na tingin kay Worth-oppa. Na agad naman itong dumistansya kay Heaven.

"Kuya, you're so urgh! eccentric."
Nayayamot na sabi ni Heaven kay Blade. Ngumiti ito na ikanatuwa ng puso ko.

"Baby, I'm just protecting you from men. Even though, they are my friends. I don't care." sambit ni Blade sa kapatid na lalong ikinasimangot nito.

"Ewan, tulungan mo na lang si Dana mamili ng mga karne. Doon lang kami ni Worth sa Vegetables & Fruits section." tumango si Blade pero masama ang tingin kay Worth.

"Distansya sa kapatid ko Worth, understood?" Maawtoridad na wika ni Blade. Walang emosyong tumango naman si Worth-oppa saka niya tinulak ang push cart nila ni Heaven.

"Where's Dawn and Godee?" Saad ni Blade at nilibot ang paningin dito sa Meaty Section. I secretly rolled my eyes. Hindi dapat binibigyang pansin ang mga kulang sa pansin na tulad nila.

"Maybe in Snacks Area?" doon namin sila huling nakita. Pagkatapos nilang banggain ako kanina at push cart nila Ryder. Psh. My sister Dawn is also a crazy witch. Pareho sila ng kambal.

"Kazunari Jun, samahan mo muna si Dana mamili ng mga karne. Pupuntahan ko lang ang mag-bestfriend sa kalokohan. Samahan niyo ako Dk at Song." amp! Gusto kong magmaktol at pigilan si Blade kaso wala naman akong karapatan. Kaazar! Seryosong lumapit si Jun sa'kin at nag-umpisa ng pumili ng mga karne. While si Blade naman ay iniwan ako rito sa lalaking ito.

Third Person's POV

Sumakay sina Blade, Dk, at Song sa elevator upang pumunta sa ika-anim na palapag ng mall. Arcade games ang buong palapag na iyon at alam nilang nandoon ang mag-bestfriend.

The Badass TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon