Godee's POV
Before bell for first subject pumasok na kami sa Huntress University. Marami pang bumabati sa'min na mga kapwa namin estudyante. Ningitian namin sila at binabati rin pabalik. Maliban kay Dana na taas noong nangungunang naglakad sa'min. Mamaya pa darating ang mga inorder ko kapag recess time na namin.
'Magihit limang milyon ang libre ni Dana sa'min. Pffffttt.....'
Dumating kami sa room namin at nandoon na ang Lecturer namin sa Economics. Sir Tomasoh. Siya yung nasipa ni Twin noong unang araw namin dito sa Huntress. Masama agad ang binigay nitong tingin sa'min ng kambal ko.
"Goodmorning po, Sir"
Bati ko sa kanya at ngumiti pa ng labas lahat ang ipin. Creepy hahahaha!Sinulyapan ko ang kambal ko ng hindi man lang ito bumati sa guro. Deretso ang pasok niya at hindi pinansin ang guro namin na sobrang sama kung tumingin sa kanya. Habang kami naman ng mga kaibigan ni kuya. Pagkatapos naming bumati sa guro ay pumasok na rin kami sa loob ng class room.
"500 items for your exam today in Economics. 445 passing score!"
Grabe naman si Sir. Hindi pa yata naka get over ito sa sipa ni twin sa kanya. "Finish or not finish, pass your test paper after 45 minutes." Nakahanda na ang mga Test papers sa kanya kanya naming table. Binilang ko ito. 50 pages? Seriously? Parang libro na ata ito. "Get your own pen and answer your sheets now." Tumahimik na ang buong klase at nag-umpisa na kaming lahat na sagutan ang mga test papers namin. Number 1 pa lang dumugo na agad ang utak ko. Palihim kong sinulyapan ang mga kaklase ko na parang basic lang sa kanila ang exam na ito pero may ilan ding nahihirapan."Excuse me, bakit 1000 items ang sa'kin?"
Tamad na tanong ng kambal ko sa guro namin at nagtaas pa siya ng kamay kaya lahat ay tumingin sa kanya. Pati ako ay hindi makapaniwala. Seriously, 1000 items ang sa kanya? Grabe naman."Ayan ang parusa mo sa ginawa mong pagsipa sa'kin. Kailangang maka 995 scores ka kung gusto mong grumaduate ng kolehiyo."
Istriktong wika ng guro namin. Ang ilan ay nagulat at pansin ko naman si Dana na pangisi-ngisi na parang baliw."Uh-Sir, ganun din po ba sa'kin?"
Lumipat ang tingin namin kay Dawn na nasa likuran ni kuya Blade naka-upo. Napa-iling ako ng may dala na naman siyang alak at dalawang katana na nakasabit sa likod niya. Loka loka talaga Hahahahaha! Kaya nagagalit sa kanya si kuya dahil nagpupuslit siya ng mga bagay na bawal ipasok dito sa loob ng eskwelahan ni kuya."Si President Blade ang nag-utos niyan. Late ka na ng apat na buwan sa klase kaya kailangan mong mahabol ang mga quizzes na binigay ko sa mga kaklase mo. If, you got 995 scores, you'll be exempted from our past quizzes."
Apat na buwan pa lang absent si Dawn. Hahahahahaha tibay!"Sorry po sir. Naligaw po kase ako ng school at doon ako pumasok ng apat na buwan hahahahaha! My bad." makulit pang saad ni Dawn kaya ang ilan ay natawa.
"Please be quiet. Mag test na tayo."
Putol ni Kuya sa usapan kaya tumahimik naman ang lahat at nagpatuloy sa pagsagot ng test papers.Heaven's POV
Inaantok pa talaga ako. Gusto ko ng matulog ulit. Kinusot kusot ko ang mata ko at sinagutan na ang panghuling tanong.
"Done"
Tamad kong sabi at tumayo upang ibigay sa guro namin ang test papers ko. "Here po" gulat pa rin siyang nakatingin sa'kin at halos lahat ay sa'kin nakatingin. Kung ako sa inyo magsagot na kayo. Sayang oras. Hindi niya iyon kinuha kaya kunot noong nilapag ko ang test papers ko sa teacher's table. At walang paalam na lumabas sa klase.Saan ba pwedeng matulog? Sa simbahan ni kuya? Payapa doon at tahimik.
"Langit langit! Wait for me!"
Huminto ako sa paglalakad at hinintay si Dawn na makarating dito sa pwesto ko. Parang bata itong tumatakbo.

BINABASA MO ANG
The Badass Twins
ActionThe badass twins Their brother's group What will happen when they are together in one house? Godee and Heaven an saintly names but its opposite to their behavior. They are not called Badass twins for nothing.... 'Not your ordinary kickass heroi...