Ryder's POV
I look at Godee. Nakangisi ito sa'kin na hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya. Naka-upo siya sa pang-isahang sofa habang ang mga comrades nila ay nasa sahig nakahiga at relax na relax sa pinapanood nila na akala mo sila ang hari sa mansion na ito. Some of them are familiar to me because of business association and some of them are ex-convict criminals of Hailstone Prison Cell. Apat din sa kanila ay matataas na heneral ng mga Calixtus. Venomous. Tokyo. After. And Silversmith.
Hindi pa umuuwe sila Blade at iba pa naming kasama dito sa mansion dahil masyadong mahalaga sa kanila ang pag-aaral. At isang kahangalan sa kanya ang lumiban sa klase ganun na rin sa iba. Kahit si Dana ay bumalik sa school. Maarte niya pang sinabi bago siya umalis “mga virus talaga, ang lakas makapanghawa ng ditching in class.” Sumunod lang talaga ako kanila Godee ng umalis sila sa Huntress University at umuwe rito sa mansion. Gusto ko ring kamustahin si Worth kaso hindi pa sila bumababa ni Heaven. Isang oras na sila mahigit sa kwarto niya.
"Ah, pareng Ryder kuha mo naman kami ng popcorn. Hehehehe"
Ngumiwi ako kay Venom para itong bata. At sinundan pa ng pagtango tango ng lahat kahit si Godee ay nakitango rin. Kaya siya ang binalingan ko ng masamang tingin saka tumayo at nagtungo sa kusina.“Anong gusto nilang flavor sa popcorn?”
Tanong ko kay Godee na sumunod sa'kin. Nakangisi itong umupo sa stall chair at tinukod ang dalawang siko sa kitchen counter saka nakapalumbabang tumingin sa'kin.“Plain flavor and cheese flavor, Beautiful Ryder.”
Godee's POV
Ang seryoso naman neto. Pwede naman niyang hindi sundin ang sinabi ni Venom. Tsk. Tsk.
Pagkatapos niyang ilagay sa mangkok ang mga bagong lutong popcorn ay binigay niya sa'kin ang isa pang mangkok at sinalin doon ang cheese flavored popcorn. Hindi ako umalis sa pagkaka-upo sa stall chair at hinintay siyang makalapit sa'kin.
“Stay here. Hintayin mo ako dito. Ihahatid ko lang ito sa mga senyorito doon sa sala.”
Saad ni Ryder at kinuha ang dalawang mangkok saka siya umalis dito sa kusina.
“Salamat, Ryder!”
“Pagpalain ka ng Panginoon, thanks.”
“Mabait ka pala, thanks”
“I nominated you for Godee, thanks.”
“Me too, thanks.”
“Fight for her before the engagement, thanks.”
“Wag ka sana niyang gawing kabit, thanks.”
“HAHAHAHAHAHAHAHA!”
Mga gunggong talaga amp. Rinig na rinig ko ang mga pinagsasabi nila kay Ryder mula rito sa kusina. Napa-iling ako at naghead down sa counter. Gusto kong matawa kay Silversmith ng sabihin niya iyong panghuli bago sila nagtawanan. Kabit? Really? Si Ryder gagawin kong kabit? Tsk. Never.
“Mga sirang plaka ba ang mga iyon? Thanks ng thanks. Tsk.”
“Hahahahahahaha! Ganon na talaga sila sa tuwing may nagbibigay sa kanila ng pagkain.”
Saad ko kay Ryder na nayayamot na pumasok dito sa kusina. Pero, agad din siyang ngumisi ng magtama ang mga mata namin habang palapit siya ng palapit sa'kin. Kinabahan ako dahil ayan na naman ang kakaiba niyang tingin. Malalim at parang gusto akong kainin ng buhay amp.“Someone says that I'll be your kabit. Tsk. Well, I'm willing to do it for you, hon.”
Sabi na nga ba, sinasapian na naman. siya. Kapag ganyan talaga siya ay natitiklop ang angas ko na dapat ay palaging nasa katawan ko. Hindi yung, doble ang tibok ng puso at nanghihina pa ang mga tuhod ko. Kingina.
BINABASA MO ANG
The Badass Twins
ActionThe badass twins Their brother's group What will happen when they are together in one house? Godee and Heaven an saintly names but its opposite to their behavior. They are not called Badass twins for nothing.... 'Not your ordinary kickass heroi...