(A\N: I dedicate this chapter to all of you, My Comrades! Kindly read and understand Blade's Point of view. It's all about to his group Huntress ACES.)
Blade's POV
Alam niyo yung pakiramdam na gusto mong pagsabihan ang nakakabata mong kapatid dahil sa ginawa niyang malaking kasalanan kaso wala kang magawa dahil mas galit ito sayo. Siya pa ang wala sa mood. Kanina pa wala sa hulog ang presensya niyang walang gana. Kaya, hindi namin ito maka-usap ng matino.
Sunod kong tinignan ang babaeng pangarap ko.
Dawn the lady who captured my heart ever since. Tsk.
Matigas ang ulo. Pasaway. Laging sinusuway ang mga utos ko. Hindi na ako nagtataka kung bakit kasundo siya ng mga kapatid ko. They're the epitome of each other.
At naiinis ako dahil kanina niya pa ako hindi pinapansin sa school hanggang sa mag-uwian na kami at nandito na kami sa mansion. Masyado itong seryoso na isa sa mga gusto ko sa ugali niya. Well, I love all about her. Everything.
"Blade, kailan pala makaka-uwi si Dana?" tanong sa'kin ni Jun. Hindi ko akalain na gagalawin nila si Dana na walang kamalay malay sa pangyayare at hindi rin nito alam ang hidwaan ng clan namin sa World Government. Ang inosenteng estudyanteng tulad niya ay hindi dapat nadadamay sa gulo ng buhay ko.
"Maybe tomorrow or next week." di ko alam ang isasagot ko dahil hindi ko alam kung saan pinadala nila Heaven si Dana. Lalo pang dinagdagan ni Worth ang mga problema ko dahil may sinabi pa siya sa'kin na ikinaguho ng kalahati ng mundo ko. At sa sobrang pikon ko sa kanya kaninang umaga sa kanya ko pinasundo iyong si Madam Snake. Tsk. Isa pa ang babaeng iyon. Anong akala niya magtatagal siya sa eskwelahang pag-aari ko? Sinadya kong tanggapin siya bilang empleyado sa Huntress upang ipain siya sa kamatayan.
"Saan si Worth?" lihim kong kinuyom ang kamao ko ng marinig ko ang boses ng kapatid kong si Heaven. Mabigat akong bumugtong hininga at tinignan siya. Sorry, baby. I need to do this.
"Pinahatid ko sa kanya si Miss Ekans. Galing pang Russia ang bagong guro natin kaya kailangan niyang may makasama samantala rito sa Pilipinas." kalmado kong wika. Kaninang kalmado nitong awra ay agad napalitan ng mapanganib niyang walang ganang presensya. Ramdam ko ang lamig sa paligid dahil sa nag yeyelo niyang asul na mga mata. Hindi ako nag-iwas ng tingin bagkus nilabanan ko ito at palihim na rin akong nagdadasal sa isip ko.
'Wag naman sana akong patayin ng kapatid ko. Gusto ko pang gumawa ng isang dosenang anak at ang ina ay si Dawn.'
"Address." isang salita ngunit napakalamig ng boses.
"Snake Venomous Condominium #0098." kalmado kong sabi. Hindi na ako nagulat ng tumayo siya at mabilis na kinuha ang dalawang katana ni Dawn at itinutok iyon sa'kin. Isa sa leeg at isa sa nagbibigay buhay sa mundo. Langya. Ayaw ko magmura amp.
"Malilintikan ka sa'kin sa oras na panget na tanawin ang makikita ko. Dalawang ulo mo ang mawawala, Sky Blade Hunterose." mapanganib niyang banta sa'kin. Lihim akong nagdasal na sana hindi niya gagawin ang banta niya sa'kin. Jusko. Iba talaga kapag umaandar ang pagiging possessive ng Hunterose wala silang pakialam kung kadugo ka pa niya. Papatayin at papatayin ka niya ng paulit-ulit hanggang sa ma-satisfied ito. Sa pamilya namin ang bunso namin ang pinakamakapangyarihan kaya madaming rumirespeto sa kanya. "Let's go, Godee." aya niya sa kambal niya na patawa tawang tinitignan ako. Amp! Magsama kayo! Wala kayong pinagka-iba kay mom!
Sabay sabay kaming huminga ng maluwag ng wala na ang kambal sa mansion. Aish. Grabe pala ang tensyon kanina.
"Ikaw! Kahit kailan wala kang magawang matino! I hate you!" nagulat kaming lahat sa biglang pagsigaw ni Dawn sa'kin. Galit din itong nakatingin sa'kin. Suminghal pa siya muli saka siya pumanik sa taas. Anyare naman sa isang yun?
BINABASA MO ANG
The Badass Twins
ActionThe badass twins Their brother's group What will happen when they are together in one house? Godee and Heaven an saintly names but its opposite to their behavior. They are not called Badass twins for nothing.... 'Not your ordinary kickass heroi...