Chapter 79

632 38 5
                                    

Godee's POV

23 hours. Isang oras na lang, hintayin mo kami twin. Kanina pa hindi mapakali si Worth, sinabi na rin namin sa kanya na may kumuha kay Heaven. Walang emosyon ang mukha niya munit alam naming nag-aalala siya.

“Ano na? Wala pa ba tayong gagawin? Para hanapin si Heaven?”
Tanong ni Dana. Wala pa ring bago sa kanya mataray at maarte pa rin pero halata namang nag-aalala rin. “Isa-isang kinikidnap ang mga kasamahan natin. Sino naman kayang susunod na mawawala?”

“Maybe you?”
Tamad kong sagot.

Duhhh, Bakit kase hinayaan niyong makuha si Heaven? Alam niyo namang wala sa condition ang katawan niya past few days.

“It's Dawn's fault.” usal ko. Wala ngayon si Bukang Liwayway dito sa mansion dahil sinama ito ni Kuya sa Russia. Hindi rin alam ni kuya Blade na nakidnap si Twin dahil kung malalaman niya siguradong wala pang isang oras ay mahahanap na agad namin si twin. Ayaw ko naman ng ganon. Este, ayaw namin ng ganon ni twin hahahahahaha! Dapat chill lang. Alam ko namang hindi niya pababayaan ang sarili niya. Lalo pa't may mini Heaven at mini Worth siyang dinadala. Hindi ko na rin pinaalam sa Monstrous Trio Squad ang nangyare dahil paniguradong aalaskahin lang nila ang Commander nila.

Psh. Wala talagang mapapala kapag sinapian ng kasaltikan si Dawn.tumawa ako ng mahina sa sinabi ni Dana pero tinarayan lang ako nito.

Bro, wala ka bang gagawing hakbang upang hanapin si Heaven?tumingin kaming lahat kay Wealth. Nandito siya ngayon sa Mansion. Nakakapagtaka nga ang biglang pagpakita niya sa'min eh. Alam ko namang busy siyang tao dahil isa siyang Prosecutor pero dapat hindi siya parang kabute na susulpot na lang bigla sa hindi inaasahang pagkakataon.

Nothing. My Amoŕe is amazing as hell and I know makakauwi siya ng ligtas dito sa bahay.

“Hmm, let's see kung gaano kagaling ang Amoŕe mo.”

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagkuyom ng kamao ni Worth. Lumipat ang tingin ko kay Wealth. Ilang taon din namin siyang hindi nakasama at masasabi kong wala pa ring nagbabago sa kanya. Still Wealth Galvez who's competitive to his twin brother. Comrade namin siya at mahirap sa'min na kalabanin siya. Kailan lang siya nagpakita sa'min dahil kakalaya niya lang sa Hailstone Prison Cell.

“Wealth, Ano palang progreso sa kaso ni Madam Snake? Ikaw may hawak sa kanya di ba?” tanong ko.

“Yeah. And I thought, madali lang siyang pababagsakin but I'm wrong dahil hindi basta basta ang Mafia Clan na kabilang siya. Nalaman ko ring kanang kamay pala siya ng isang Mafia Lord.”

“Then, magpapatalo ka sa isang Mafia Lord?”

“Of course not, pero iniisip ko rin ang kapakanan ng mga taong nakakapaligid sa'kin. Sa oras na papatayin ko ang Madam Snake na yun, maaaring ito pa ang dahilan upang magkaroon na naman ng digmaan sa mga Mafia.”

“Sana una pa lang pinaubaya mo na sa'min si Madam Snake, edi, sana nanahimik na ang kaluluwa niya sa empyerno ngayon.”

“Tsk. Hindi ko hahayaang madungisan ang kamay ng Commander ko.”

“Pfftt... Hindi naman si Heaven ang papatay sa kanya kundi si Dawn o ang ibang comrades natin.”

“Tss. That's enough, may mga kasama tayong mga inosente rito sa mansion.” pigil ni Ryder sa bangayan namin ni Wealth. Tinuro niya rin sina Jun, Dk at Song na tila kinilabutan sa pag-uusap namin ng manyakol na toh.
Tamad akong humilata sa sofa at pumikit. Iniisip ko si twin, kamusta na kaya siya ngayon?

Worth's POV

Sasabog ang buong Village na ito kasama ang mga inosenteng tao rito sa oras na gumawa ka ng hakbang para hanapin ang Amoŕe mo. Remember that, Worth Galvez.”

Fuck shit! I'm not that stupid para sundin ang gusto niya. Hindi ko hahayaang mahawakan niya ang Amoŕe ko. At hindi rin ako pinalaki ng magulang ko para lang diktahan ng kung sinong walang kwentang tao.

“I'll go ahead. May kliyente pa akong pupuntahan.” walang emosyon ang mukhang wika ni Wealth. Hindi niya na hinintay na magsalita ang mga kasamahan namin dahil tinalikuran niya na kami at umalis dito sa mansion.

Huminga ako ng malalim at bagsak ang balikat na umupo sa pang-isahang sofa. I'm wasted right now, hindi ko mapigilang mag-alala sa kalagayan ni Heaven ngayon. Totoo ang sinabi ni Dana kanina na wala sa condition ang katawan ni Heaven. Hindi ko naman lubos akalain na makakabuo agad kami. Hindi pa siya naglilihi pero kakaiba ang kinikilos niya nitong nakaraang araw. As in tamad na tamad siya na parang paralisado ang buong katawan niya. Iyon ang kinakabahala ko, baka dahil sa sobrang tamad niya ay wala siyang gagawin at hindi lumaban sa kumuha sa kanya.

“Don't worry, wala sa bokabularyo namin ang mapahamak hahahaha!”
Sinulyapan ko saglit si Godee. Parang wala nga lang sa kanya ang nangyareng pagkakidnap ng kambal niya. “Mabuti pa magpahinga na tayong lahat dahil maaga pa pasok natin bukas sa school.” aniya pa at nauna ng pumanik sa taas. Nagsunuran ang lahat sa kanya maliban kay Ryder.

“Bro, pasensya ka na. Wala kaming nagawa para iligtas si Heaven.” sambit niya.

“Wala ka namang kasalanan sa nangyare. At alam ko naman uuwi si Heaven dito na maayos ang lagay. Knowing her, she's awesome.” pero hindi pa rin dapat ako maging kampante. May tiwala ako sa kakayahan ng Amoŕe ko pero sa taong kumuha sa kanya ay hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak nito.

I know him. We know him.

Isang maling kilos, sasabog ang buong village na ito. At iyon ang ayaw na mangyare ni Heaven. Alam niyang mangyayare ito kaya hinayaan niyang kidnapin siya. Tsk. Selflessness iyon ang mayroon sa kambal na wala tayo. Mas inuuna nila ang kapakanan ng ibang tao bago ang sarili nila.” Ryder said. Walang emosyon kong tiningala ang isang maliit na dot na nakadikit sa chandelier dito sa sala. Fucking camera device! Nagkalat ang mga ito sa buong mansion kahit sa mga silid namin ay mayroon. Kung paano nila nailagay yun ng hindi namin nalalaman ay isang ekspertong tao ang gumawa niyan.

The Badass TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon