Dana's POV
Oh my gosh! Ngayon na raw papasok ang mga kapatid ni Sky. Excited na akong makilala sila. Kaso nakakahiya kung makikita nila akong ganito na may black eyed at medyo namamaga pa ang dalawa kong pisngi. Urgh! That bitch! Heaven! Siya ang may gawa nito sa'kin!
Humanda siya sa'kin kapag pumasok na siya rito sa Huntress University!"Dana, bakit ka ba nakasalamin? Eh, nandito naman tayo sa loob ng room."
Saad ni Ozi ng mapansin niya ang get up ko ngayon."Tapos, nasobrahan yata ang blush on mo sa pisngi. Masyadong mapula po."
Ani naman ni Song. May laman pa ang bunganga niya na Burger."Ano... Kasi... Ito muna ang fashion ko this day."
Pagsisinungaling ko. Hindi ko kasi sinabi sa kanila ang nangyare sa'kin kahapon sa MOA. Because I don't know kung ano ang sasabihin nila sa'kin. Oras na malaman nila ang ginawa ko. Pero hindi ko naman nilandi si Sun...
"Dito na daw pala mag-aaral ang Kambal na kapatid ni President Blade. Sina Katana at Archery."
"Talaga? Di ba ang sabi nasa Russia sila?"
"Oo, pero ngayon nandito na sila sa Pilipinas."
"Gosh! Ano kayang itsura nila sa personal, noh?"
"Syempre maganda! Kita mo naman si President Blade ang gwapo at ang hot pa!"
Nagpantig yata ang tainga ko sa sinabing iyon ng kaklase kong babae.
Tumayo ako't hinarap ang mga kaklase kong chismosa."Hoy! Para malaman niyo! Akin lang si Sky kaya WAG niyo siyang pantasyahan! Mga chismosang palaka!"
Tumahimik naman sila kaya napangisi ako. I'm the SSG Vice President here. At lahat ng sasabihin ko ay sinusunod nila.
"And by the way, wag na kayong umasa na papansinin kayo ng mga kapatid ni Sky. They are Empyreal habang kayo ay mga low profile. Hanggang tingin lang kayo sa kanila while me I'm sure magiging kaibigan ko sila."
Nakangisi kong saad. Sigurado naman ako sa sarili ko na makakasundo ko ang mga kapatid ng future husband ko. Dahil siguradong mababait sila tulad ng kuya nila. Umupo na ako ulit dahil nanahimik naman na sila. Pero maya-maya pa ay may nagdadaldalan na naman... Dahilan para hindi ako makakilos sa kinauupuan ko...
"Oy! Alam niyo na ba yung scandal video sa MOA. Si Sun Sullivan binugbog daw ng isang babaeng naka-hood."
"What?! Bakit naman daw? Kawawa naman si Sun."
"Here, may video ako. Panoorin natin."
Napatingin ako sa mga kasama ko dahil mukhang curious din sila sa pinag-uusapan ng mga kaklase namin. No! Wag silang manood...
Tumayo ako ulit at..."Hoy! Itigil niyo na nga yan! Pumunta na kayo sa Field dahil mag fla-flag ceremony na!"
"Luh siya? May 30 minutes pa nga eh bago mag flag ceremony."
Panira tong kapatid kong ampon!"Duh! For your information, may program ngayon!"
"Huh? Program? For what? Diyan sa bago mong fashion? Sun glasses at sobrang kapal na blush on?"
"Shut up! Shut up! Kainis ka talagang ampon ka!"
"Tss."
Singhal niya at lumabas na dito sa room. Sumunod naman ang mga kasamahan namin sa kanya.
"At kayo! Ano bang tinutunganga niyo! Lumabas na kayo dito sa room!"
Sigaw ko sa mga kaklase ko agad naman silang nagsikilos at lumabas na rin dito sa room.
BINABASA MO ANG
The Badass Twins
AcciónThe badass twins Their brother's group What will happen when they are together in one house? Godee and Heaven an saintly names but its opposite to their behavior. They are not called Badass twins for nothing.... 'Not your ordinary kickass heroi...