Chapter 77

781 38 12
                                    

Godee's POV

“This way po.” sinalubong kami ng isang estudyante ng I. U. And base sa suot nitong uniform ay isa itong Doctor Student. At gusto ko ring ngumiwi sa kinakain nito, Kamatis? Weird. Ano bang mayroon sa mga fresh veggies na yan? At hindi ko rin maintindihan bakit kailangan may suot siyang maskara sa mukha.

“Ang tahimik ng Imperose University.”
Saad ko at ginala ang paningin sa kabubuan ng paaralang ito. May limang school building ito at iba't ibang Department. Maaliwalas at maganda rin ang ambiance ng paligid.

Nasa Basketball Court ang lahat. Tayo na lang ang hinihintay upang magsimula na ang Tournament nila.wika ni kuya Blade.

Opo, sakto lang po ang dating niyo dahil pagkatapos po ng performance nila Prince Isaiah ay kayo na po ang susunod na ipakilala bilang guestsSambit ng nagsundo sa'min. Hindi man lang ito nag-abalang magpakilala kaya hindi namin alam kong anong pangalan nito. Maliban kay Twin dahil dito lang siya nagpakipag-shake hands imbes na sa'min lahat. “Heaven, pahingi ako ulit ng Kamatis.” aniya pa at lumapit na naman kay twin. At syempre, ayun na naman ang pagiging possessive ni Worth sa kapatid ko. Agad niyang pinalibot ang braso niya sa baywang ni twin. Dahilan upang matigilan ang lalaking Kamatis na ito. “Hahahhahaha! Cool.” anito at nauna ng naglakad sa'min at tinuro ang mga dapat naming daanan patungo sa Basketball Court.

“Sino ba ang lalaking yan?”
Nahihimigan ko ang inis na sa boses ni Worth ng tanungin niya ang kambal ko.

“Si Volcano hahahahaha! Kapatid ni kuya Mountain.”

“What!”
Lahat kami nagulat at hinila ang lalaking nasa unahan namin. Huminto rin muna kami sa paglalakad dahil gusto naming kompirmahin ang pagmumukha ng batang toh. Nagpupumiglas pa siya kay Kuya Blade dahil ito ang may hawak sa kanya sa leeg. Inis kong tinanggal ang tabing na nasa mukha niya.

“Aish! Why you do that?!”
Singhal niya sa'kin. Gusto ko siyang batukan dahil sa bastos na pananalita niya. “Hindi niyo nga ako nakilala! Mabuti pa si Heaven nakilala ako!” Bulyaw niya pero hindi naman siya galit. Inis niyang sinuot muli ang maskara niya.

“Hoy! Loko! Maliit ka pa lang ng huli ka naming nakita!” sigaw ko sa kanya. Pinsan namin ang isang toh at pagkakaalam ko kinse anyos pa lang ang isang toh. Pero, mag kasingtangkad na sila ni Ocean.

“Hoy! Hindi ako maliit! Kulang lang talaga ako sa jakol kaya napag-iwanan ang height ko.”

“Tangna mo, bastos ng bunganga mo, Bulkan”

“Hahahahhaha! Peace, mauna na ako sa inyo.”
Ayun, tumakbo ng mabilis iniwan kami rito sa gitna ng daan.

“Dito pala nag-aaral ang uhugin na yun?” tanong ni Kuya Blade. Tumango si Heaven kaya taka kaming tumingin sa kanya.

“Dito rin nag-aaral si kuya Mountain kaya malamang susundan siya ng kapatid niyang makulit. Accelerated si Volcano kaya sa edad niyang 15 ay nasa 1st year college na siya. At kung nagtataka naman kayo roon sa suot niyang Half face Ninja mask, well, tradition ng gang nila.”

“May gang si Volcano? Mabuti pinayagan siya ni Mountain.” saad ni Worth.

“Pfffttt... Baby, hindi alam yun ni kuya Mountain. Sa'kin lang siya nagpaalam na sasali siya sa isang gang hahhahahaha! And believe me, hindi kayo maniniwala kung anong gang siya.”

“G. O. D.”
Usal ko kaya binato ako ng isang strawberry ni twin. Sinalo ko yun ng bibig ko at ganun na lang ang pagdura ko nito ng mabilis dahil sobrang asim! Langya! Akala ko pa naman matamis ang strawberry na kinakain nila ni Worth dahil mukhang sarap na sarap sila rito.

The Badass TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon