Chapter 57

792 44 7
                                        

Heaven's POV

Nalinis at naayos agad ng mga Butler namin ang kinalat naming mga gamit dito sa living room kanina. Nakahiga ako sa isang mahabang sofa habang nakaunan sa hita ni Venomous. Hubad baro pa rin ito kaya hindi ko maiwasang tignan ang peklat niya sa dibdib. Ito lang ang tinitignan ko habang hinihintay ang Baby Heavy ko na lumapit sa'kin. Kanina ko pa inaabangan ang pagsalubong nito sa'kin pero wala pa ring nangyayare.

"Where's my Baby Heavy?" tanong ko sa lahat pero sa peklat pa rin ni Venomous ako nakatingin. Ramdam kong natigilan lahat ng lalaki habang si Godee naman ay sumisipol sipol.

"Hala kayo! Bakit tinali niyo itong si Heavy!" Makulit na sambit ni Dawn. Sinadyang lakasan ang boses. Naipikit ko ang mata ko at inis na bumangon. Tinignan ko ang mga salarin ng masama. How dare them! Ang ka-isa isang utos ko ay sinuway nila.

"Ano ang pinakaayaw ng isang Langit?" boses iyon ni Dawn. Nang-aasar. Si Godee ang sumagot sa kanya na tumawa muna bago nagsalita.

"Ang pinakaayaw niya sa lahat ay inaalipusta ang mga babies niya!"

Tinalikuran ko na sila at pinuntahan ang Baby Heavy ko nasa likod ng hagdan. Umalulong ito sa tuwa at nagkakawag ang buntot niya ng makita ako. Niyakap ko siya at kahit papaano nawala ang pagkadismaya ko kay Worth saka ko tinanggal ang tali nito sa isang paa.

My Baby Heavy is a lion. Ito ang pinakabunso sa lahat ng mga alaga kong lion. Siya ang dinala ko rito sa Headquarters dahil special siya sa'kin.
Hanggang balikat ko ang tangkad nito. Sabay kaming pumunta sa living room at agad siyang umatungal. Dumagundong ang ungol nito sa buong headquarters. Sinulyapan ko ang mga lalaking palihim na nag sign of the cross. Nakihilira silang lahat sa mahabang sofa habang nakayuko. Tsk. Tapos ngayon hindi niyo kayang tignan ang mabangis kong Baby Heavy.

"Sino ba ang nagtali sa kanya?"
Tanong ko sa kanila. Walang sumagot kaya bumugtong hininga ako at tinignan ng maigi ang mga pagmumukha nila. Kahit nakayuko silang lahat nakikita ko pa rin ang mga expression nila sa mukha. Maliban sa takot sila kay Baby Heavy. Wala ng iba. Hindi sila ang may gawa.

"Duhhh, ako nagtali sa alaga mo na yan. Masyado siyang maharot."
Sabay naming nilingon ang may-ari ng mataray na boses na yun. Buhay na pala ang bruha na toh. Ngumiwi ako at hinintay siyang makababa sa hagdan. "Uwe na ako. Namimiss ko na ang mansion, Commander." saad niya sa'kin. Parang bata itong iniiwasan si Baby Heavy na hinaharot na naman siya. "Ayaw ko na talaga dito! Gusto ko ng umuwe!" inis niyang sambit. Tinataboy ang Lion na naglalambing lang naman sa kanya.
Nanghingi siya sa'kin ng saklolo kaya natawa akong pinagsabihan si Baby Heavy na lubayan siya. Nakahinga siya ng maluwag at tumabi ng upo kay Tokyo na siyang partner in crime niya.

"Mamaya hahatid ka ni Tokyo sa mansion." saad ko at humiga muli sa mahabang sofa. Nakaunan sa hita ni Venomous.

"Dapat hindi mo na ginagawa ang ganyan, Commander. Gusto mo bang magalit sayo si Worth-oppa?"
Naipikit ko ang mata ko at nagtakip ng unan sa mukha. Hindi niya alam ang nangyare kaya papalagpasin ko ang sinabi niya. Yeah. She's Dana Miller also known as Subject 333 of World Government. Siya ang perpektong Human form na ginawa ng mga Scientist ng W. G. Hindi siya robot. Kundi isang taong pinag-experimentuhan ng mga taong halang sa kapangyarihan. Hindi siya isang Miller ngunit lumalatay sa dugo niya ang DNA nila Tito Dusk at Tita Dianne.

Siya rin ang isa sa mga dahilan kung bakit kami pumayag na bumalik mag-aral sa Huntress University. We knew Dana all the time. Siya lang naman itong kinulang din ng turnilyo sa utak kaya hindi niya kami kilala. Though, kilala niya kami ni Godee as a Badass Twins pero bilang comrades niya ay nakalimutan niya ang tungkol sa'min. At sa inis ko ay siya ang palagi naming pinagtritripan ni twin.

The Badass TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon