Chapter 44

884 40 6
                                    

Heaven's POV

Kunot noong tinignan ko si Dana dahil namamaga ang mga mata niya. I mean galing yata sa iyak ang bruhang ito. Kumakain na kami ng breakfast at hindi ko mapigilang sulyapan ang bruhang kaharap ko.

"Dana, wala ka bang gana?"
Maya maya'y tanong ni Godee sa kanya. Hindi niya pinansin si twin at walang gana na naghihiwa ng pancake at walang gana rin nitong kinain iyon. Weird. Anyare sa kanya?

Epekto kaya yan sa ginawa ko sa kanya kaninang madaling araw? Kakarating ko sa mansion non ng may narinig akong umiiyak na babae at bigla itong sumigaw nagmula iyon sa kwarto nila kaya nagmamadali pa akong pinuntahan ito. Naabutan ko si Dana na binabangungot kaya ang ginawa ko ay pinatulog ko siya gamit ang pagpisil sa mahalagang organs sa batok niya.

"Dana, ayos lang ba pakiramdam mo? May sakit ka ba?"

"Sa utak? Hahahhahaha!"
Natawa rin ako sa dagdag na tanong ni Twin sa mga tanong ni kuya kay Dana. Noon lang kumilos si Dana at tinignan si Kuya Blade na nag-aalalang tumingin sa kanya.

"Ah, ayos lang ako, Blade."
Mahinhin at mahinang wika ni Dana. Yumuko siya at wala na namang ganang kumain ng pancake niya. Hindi ko na lang pinansin si Bruha dahil mukhang malalim ang problema niya.

Humigop ako sa kape ko habang nakatingin kay Worth. Tulad ni Dana mukhang malalim din ang problema niya. Magpinsan nga sila. Sunod kong tinignan ay si Ozi, bumalik na sa dati ang sigla ng katawan nito. Mabuti naman. Kabado bente pa naman ako noong inatake siya ng allergy niya.

Hindi ko maiwasang humikab habang nakatingin muli kay Worth. Tumingin na siya sa'kin kaya ngumiti ako sa kanya munit hindi nagbago ang walang emosyon nitong mukha. Anyare? May toyo?

Ang gwapo pa naman niya sa school uniform namin. Ang manly at disente niyang tignan. Well, lahat naman sila bagay sa kanila ang school uniform ng Huntress University. Humikab ako muli kaya natuon sa'kin ang tingin ni kuya.

"Anong oras ka ba natulog kagabi, Heaven? At mukhang inaantok ka pa ata?" tanong niya.

"Maaga"
Tanging sagot ko. Maaga na as in umaga. Madaling araw na iyon at mag aalas kwatro na. Wala pa yatang isang oras tulog ko ng ginising niya kami upang mag-almusal. Alas otso ang pasok namin sa school kaya alas singko ay dapat gising na kami upang maghanda. Si kuya Blade ang alarm clock ng lahat. Taga gising siya sa mahimbing naming tulog. Ang taga luto naman ng almusal ay hindi man halata pero sila ni Jun ang tagaluto dito sa mansion. Minsan tumutulong si Dana. Saling pusa?

"Mauuna na ako sa inyo dahil may aayusin pa akong kaguluhan sa Huntress. Make sure, dumating kayo sa school before 8:OO AM. Dahil may exam pa tayo."
Lahat kami tumango sa habilin ni kuya. Tumingin ako sa orasan namin dito sa Dinner Room. 6:30 pa lang. Kaya iidlip muna ako. Nauna na akong pumanik sa kanila dahil gusto na talagang pumikit ng mga mata ko.

Akmang bubuksan ko na ang pinto ng kwarto namin ni twin ng marahang hinila ako ni Worth papasok sa kwarto niya. Napakurap kurap ako habang nakatingin sa kanya. Walang emosyon ang mukha niya ng sinandal ako sa pintuan.

"Goodmorning. Why?"
Hindi siya sumagot at walang emosyon ang mukha niyang pinasadahan ako ng tingin.

"Saan ka galing kaninang madaling araw?"
Walang emosyon niyang tanong sa'kin. Bumaba ang tingin ko sa paanan namin dahil hindi ko kayang magsinungaling sa kanya. Lumayo siya sa'kin at inis na umupo sa kama niya. "Fine. If you don't want to answer it. It's ok." aniyang walang emosyon ang mukha munit madilim ang mga matang nakatitig sa'kin. Napalunok ako ng laway. Bakit ba siya ganyan? Eh, sa ayaw ko ngang sabihin sa kanya kung saan ako galing kanina. "Wala naman akong karapatan. Ano nga bang meron tayo? Acquaintance? Make out partner? Tsk." Ngumiwi ako sa sinabi niya at humikab. Lumapit ako sa kanya at yumuko. Hindi ko talaga gusto ang mukha niya kapag walang emosyon.

The Badass TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon