Worth's POV
When I heard what Godee said earlier, para itong bomba na bigla na lang sumabog. Hindi ito maproseso ng utak ko.
“Dahil traydor yang kaibigan mo! Siya lang naman ang naglagay ng microchip device sa puso ni Heaven!”
Paulit-ulit iyong tumatakbo sa isipan ko habang hindi makapaniwalang nakatingin kay Ryder. Hindi maaari, kaibigan ko siya at alam kong hindi niya kayang mag-traydor sa amin at sa ACES.
“What the hell... Is that true, Ryder?” Confused and unbelievable written on Blade's face. Tulad ko, hindi rin siya makapaniwala sa sinabi ni Godee kanina. Kumuyom ang kamao ko at matinding pagpipigil ang ginagawa kong sugurin si Ryder lalo pa't nababasa ko sa mata niya ang pagsisisi. Damn. Sa reaksyon pa lang niya ay totoo nga.
“Pa... Patawarin niyo ko... I'm sorry... Hindi ko sinasadya na mangyare ito.” Lumuhod si Ryder at halos gusto ko na siyang patayin ngayon. Hindi maibabalik ng paghingi niya ng tawad ang buhay ng magiging anak sana namin ni Heaven. Ang panganay namin. Kikilos na sana ako upang sugurin siya ng pinigilan ako ni Scythe sa balikat. Marahas ko siyang tinignan pero natigilan ako ng mas malamig pa ang tingin niya sa'kin.
“Respect the Queen and King, also, your parent.” aniya kaya iwinaksi ko ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko at walang emosyon na sumandal sa pintuan ng silid ni Heaven.
“You're the Mafioso of World Government. Number 1 ka sa Death list namin, hijo. Ikaw ang dahilan kung bakit naghihirap sa sakit si Amoŕe noon ng kabataan niya. At nadagdagan pa ang kasalanan mo dahil sa microchip device na tinanim mo sa puso ng anak ko ay nakunan siya. Ang kauna-unahan sana naming apo iyon pero nawala. Napakahalaga ng First born sa pamilyang Hunterose at Galvez, hijo. Alam mo iyon, hindi ba?” Mahinahong sambit ni Tito Trident, ngunit, sa mga mata niya ay makikita ang kamatayan. Siya nga ang Hari ng Hunterose Kingdom na binansagang the Walking Death.
“AHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!” Kumabog ng mabilis ang puso ko ng marinig na naman ang sigaw ni Heaven. Nagmamadaling binuksan ko ang pintuan ng silid niya at tumambad sa'kin ang pinakamamahal kong babae. Naka-upo na siya sa kama at tulala habang may luhang tumutulo sa mga mata niya.
“Mi Amoŕe...” pagtawag ko sa kanya, pero, wala na atang sasakit sa binibigay niyang tingin sa'kin. Malamig ito at hindi ko na nakikitaan ng emosyon ang mga mata niya.
“Twin!!! Thanks god, you're awake now!” Sunod sunod ng pumasok ang mga kasama namin dito sa silid niya maliban kay Ryder at sa magulang niya.
“Anong ginagawa mo dito? Di ba dapat nasa Pilipinas ka? Bawal ka pang tumungtong dito sa Russia, Godee.” Malamig na sambit ni Heaven. Humiga siyang muli sa kama niya at pumikit. Hindi man lang niya binigyang pansin ang mga taong narito sa silid niya. “All of you. Get out.” she said with authority and lethal.
“Hayaan muna natin siya. Tara na sa labas.” Wika ng Reyna. Sumunod ang lahat sa kanya maliban sa'kin. Tinaasan niya ako ng kilay kaya nag-iwas ako ng tingin. Ayaw kong lumabas. Bahala kayo. I missed to cuddle with Mi Amoŕe.
“Except him, mom.” nagsalita muli si Heaven kaya mahinang suminghal ang Reyna pero lumabas na rin siya. “Lock the door, baby.” Biglang nawala yata ang kapighatian ko kanina ng marinig ko muli ang malambing niyang boses. Sinunod ko ang sinabi niya at saka lumapit sa kama niya. Umupo siya at sumandal sa headboard ng kama.
Godee's POV
“Godee-hija, can I talk to you?” Huminga ako ng malalim saka hinarap si Tita Key. Ryder's mother. Nagpaiwan sila rito sa Penthouse suite ni Heaven habang ang mga pinsan namin ay nagpuntahan na sa kani kanilang Penthouse suite dito sa palasyo.
![](https://img.wattpad.com/cover/169675002-288-k567092.jpg)
BINABASA MO ANG
The Badass Twins
ActionThe badass twins Their brother's group What will happen when they are together in one house? Godee and Heaven an saintly names but its opposite to their behavior. They are not called Badass twins for nothing.... 'Not your ordinary kickass heroi...