Third Person's POV
Napakagandang dilag. Walang mang ginagawa pero nakakaakit siyang pagmasdan.
Sa loob ng ilang taon ay nakasama niya muli ang dalaga.
“Ikaw ang papalit sa pwesto ko sa World Government kaya nararapat lamang na bantayan mong maigi ang bunsong anak ng Reyna ng Hunterose.” tumango ang siyam na taong gulang na lalaki sa kanyang ama at sabay nilang pinanood ang batang babae na pinapahirapan ng tauhan nila.
Sa murang edad ay hindi niya lubos maunaawan ang ginagawa ng kanyang ama. Ang alam niya lamang dito ay isa itong pinuno sa pamahalaan at ginagalang ng sangkatauhan.
“Nakikita mo ba ng mabuti ang kanyang kilos, napakahusay niya hindi ba? Isa siyang babae munit pinagpala ng mga kakaibang kakayahan na mas higit pa sa kalalakihan. Hindi man ako nagtagumpay na makuha ang Reyna ng mga Hunterose, alam kong ikaw ang magwawagi sa huli, anak. Kaya, nararapat lamang na mapasaiyo si Amoŕe.” Tukoy ng ama niya sa batang babae na nasa loob ng seldang crystal. Heaven Katana Amoŕe Hunterose. His Heaven. My Heaven.
“Ilang beses na kitang dinakip ngunit nakakatakas ka pa rin. At ngayon, nasa palad na kitang muli ay hindi na kita papakawalan pa, Heaven.” aniya sa dalagang mahimbing ang tulog.
“Lord, may mga bisitang dumating.” kumuyom ang kamao niya at ngumising tinignan si Kill. Ang nag-iisa niyang kaibigan.
“Entertain them.”
“I can't. It's the Queen of Hunterose.”
“What a scary cat. Tss.”
“Yeah, aminado akong takot ako sa kanya kahit jan sa babaeng nakahiga sa kama mo ay takot din ako sa oras na mawalan ng gana yan.”
“Then, why kidnapping her?”
“Mongoloid ka ba? Tsk. Utos mo sa'kin na kunin siya sa Pilipinas.”
He exhaled deeply bago muling tinignan si Heaven na mahimbing ang tulog. Wala man lang ginawa ito kundi ang matulog, kumain, matulog ulit, at kumain ulit.
“Stay here, haharapin ko ang Reyna.” aniya. At tumingin muli kay Kill na pinaglihi sa yelo.
“Hindi mo ba ito, ipapaalam sa ama mo?”
“Call him sabihin mo nandito ang Reyna sa palasyo ko.”
“Kay'”
Bago lumabas ng silid ang binata ay hinalikan niya muna sa noo si Heaven na mahimbing pa rin ang tulog. Nilisan niya ang silid upang puntahan ang Reyna ng Hunterose.
“Who do you think you are? Isa sa mga utos ko ay nilabag niyo, wala akong pakialam kong isa ka sa mga anak ng Big Bosses ng World Government. Kaya kong ubusin lahat ng lahi niyo gamit lamang ng Katanang hawak mo.” walang gana man ang boses nito ay masasabi niyang napakapanganib nito sa presensya pa lang. Mula sa ikalawang palapag ay natanaw niya ang kanang kamay na si Madam Snake na buong tapang na hinarap ang Reyna ng Hunterose. Naka-upo ito sa sofa at sa postura pa lang nito ay nagsusumigaw na siya ang Reyna ng buong Russia at sa isang maling kilos ay katapusan na ng buhay mo. Sinulyapan niya muli si Madam Snake na alam niyang tensyonado pero pilit nitong nilalabanan ang presensya ng Reyna.
“Napakalakas naman ng loob mong sumugod dito sa palasyo ng anak ko na ikaw lamang mag-isa, Queen.”
Pagdating talaga sa Reyna ng mga Hunterose ay napakabilis ng ama niya. Nakangiwing ngumisi siya, kahit sino ay talaga namang mababaliw sa mga babaeng Hunterose. Nasa kanila na ang lahat.

BINABASA MO ANG
The Badass Twins
ActionThe badass twins Their brother's group What will happen when they are together in one house? Godee and Heaven an saintly names but its opposite to their behavior. They are not called Badass twins for nothing.... 'Not your ordinary kickass heroi...