Chapter 58

767 44 18
                                        

Heaven's POV

Kaazar. Ilang oras ko pa lang hindi nakikita ang walang emosyon na lalaking yun. Miss ko na agad siya. Iyong mga titig niya. Ang halik niya. At ang ngiti niya na akala ko sa'kin niya lang pinapakita.

Puta. Putangna talaga!

Bakit kailangan niyang gawin yun?
Pinalagpas ko ang ginawa ng ahas na yun sa paghalik sa leeg niya pero iyong makita ko silang magkasama at masaya pa siya. Sobrang nakakaputangna!!! Masikip sa dibdib at hindi ko alam ang naramdaman sa oras na yun at hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang nasaksihan ko kanina.

Bakit ba? Ano bang nagawa kong mali?

Hindi ko napigilang suntukin ang counter Bar na gawa sa silver. Hindi pa ako nakontento sinuntok ko pa ito ulit ng limang beses. Huminto lang ako ng makita kong nayupi ito. Cool.

"Ano bang ginagawa mo!" singhal sa'kin ni Scythe. Kakapasok niya lang dito sa Mini Bar namin sa Headquarters. Agad siyang lumapit sa'kin at tinignan ang nagdudugo kong kamao. "Venomous! Pumunta ka rito! Bakit mo ba iniwan ito!" singhal niya rin kay Venomous na galing kusina. Nang makita nito ang kamay kong nagdudugo ay tinignan niya ako ng masama.

"Nababaliw ka na ba!" inis na sambit sa'kin ni Venomous at inagaw ang kamay ko kay Scythe. Kinuha niya ang bote ng alak na iniinom namin at binuhos iyon sa sugat ko. Hindi ko ininda ang hapdi. Tinitignan ko lang sila na parang walang nangyare.

"Bantayan mo ng mabuti yan. Papanik na ako sa taas. Kailangan ko pang i-monitor si Lovely. Bumaba lang ako para tignan kayong dalawa. Tsk! Pagkatapos ng isang bote na yan. Matulog na kayo! May pasok ka pa bukas, Heaven."
Mahabang dakdak niya saka niya kami iniwan. Tumingin ako kay Venomous na masama pa rin ang tingin sa'kin. Sumimangot ako at tumagay ng isang baso.

'Eeekkk! Ang pait puta!'

"Naiinis pala ako sa pangalan mo, Vice Commander."
Usal ko kay Venomous. Kumunot ang noo nito at parang batang nayayamot na tumingin sa'kin.

"Tss. Bakit naman?"

"Kapangalan mo yung building na huli ko silang nakita."

"So? Galit ka na rin sa'kin?"

"Hindi ah. Never akong magagalit sa inyo. Monstrous Trio is my comrades. Kalahati kayo ng buhay ko."

"Kalahati lang? Unfair."

"Hahahahahahaha! Si Worth kase ang buong buhay ko Hahahahahahaha!"

"Tss. Patay na sana ang lalaking iyon ngayon kung hindi mo kami pinigilan."

"Kung papatayin niyo siya parang pinatay niyo na rin ako."

"Aish! Lintik na pag-ibig!"

"Hahahahahhaha! Ang saya kaya magmahal. Try mo minsan, Vice Commander."

"Tss. My comrades are enough. Tama ng kayo lang ang mamahalin ko wala ng iba."

"Awww. Ang sweet naman ng makamandag na toh. Pareho kayo nong ahas na si Madam Snake."

"What! Never!"

Gusto kong matawa pero hindi ko kayang maging masaya ngayong gabi. Masyadong masakit sa dibdib ang nasaksihan ko kanina na hanggang ngayon hindi pa rin nawawala. Naka-apat na tagay pa lang ako pero ramdam ko ng nahihilo ako. Tsk. Ang pag-iinom ng alak ay hindi ko talaga hilig. Mapait ito at kakaiba ang lasa. Dapat nagkape na lang ako.

"Ano? Kaya mo pa ba? Ikalimang tagay mo pa lang ito, Commander."
Sinalinan ni Venomous ang baso ko ng alak. Hard Drinks nga pala ang iniinom namin kaya ganon na lang kabilis ang tama nito sa'kin.

The Badass TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon