Worth's POV
“Damn this fucking Electric chained! Sagabal sa kilos ko amputa.” Napabuntong hininga ako ng malalim at tumingin sa paanan ni Heaven. Wala akong magawa at hindi ko alam kung paano matatanggal iyan.
“Kasalanan yan ni Lord, hinayaan niya kasing ilagay ang mga iyan sa paa mo.” paninisi ni Kill sa kaibigan. Umingos ito at sinulyapan ang kapatid na masama ang tingin sa kanya.
“I have no choice, Heaven.”
“Tss.”
Sabay kaming napadapa lahat ng may nagpaputok sa gawi namin. Inalayan ko si Heaven at ingat na ingat sa tyan niya na masagi ng mga ano mang bagay.
Sobrang gulo na rito sa ibaba at marami na ring mga taong nakahandusay sa sahig, mga walang malay pero hindi pa patay.
“Hello, sa inyo Langit.” biglaang sulpot nila Dawn at Blade dito sa pwesto namin. Pinaghahagis nila sa'min ang mga dala nilang Katana. “Sabi ng Reyna, bawal daw tayong gumamit ng baril.” Usal ni Dawn. Kumunot ang noo naming lahat at sumulyap kong nasaan ang Reyna. Walang armas itong ginagamit tanging ang kakayahan lang nito sa combat ang ginagawa sa pakikipaglaban sa mga tauhan ni Mr. Sandro. Kahanga hanga. Gayundin sa mga Rytsar niya. Ang Seven Knights ng Queen.
Galvez
Miller
Imperial
De Guzman
Guevara
Villafranca
De La Costa
Ang pamilyang ito ay kabilang sa squad ng Reyna. Magkaiba sila ng squad ng kambal niyang si Empress, tita nila Heaven. Kung hindi ako nagkakamali, The Seven GOD ang tawag sa squad ng Empress.
At sa ngayon, G. O. D ang rank 1 sa Gangster Society, nahigitan nila ang rank namin, ng ACES. Hindi naman kami tanga para hindi makilala ang mga miyembro ng grupong ito. Minsan na namin silang nakasalamuha. And it's prohibited to expose their identity. They're the shadow of the Empress's daughter. Tulad ng Monstrous Trio Squad, sila ang nagsisilbing anino ni Heaven.
“Gun Versus Katana? Ohh crap.” reklamo ni Lord at kinindatan si Dawn na siyang ikinaangil ng kapatid niyang si Blade.
“Poor Little brother, Hindi mo nga pala gusto ang Katana hahahahaha.” kalmadong sambit ni Blade ngunit halatang nang-aasar.
“Kunai is life.” Lord coolly said at binitawan ang Katanang hawak saka pinalitan niya ito ng mga Kunai na nakatago sa tagiliran niya. A gold Kunai made for him only. His special abilities are playing Kunai. Pribado ang pagpapalaki ng Reyna sa kanya kaya ilang personalidad lamang ang nakakilala kay Lord.
May isang tauhan si Mr. Sandro na nagpaputok dito sa gawi namin, naiwasan namin ng mabilis ang bala at swabe itong binato ni Lord ng isang kunai sa braso nito. When Lord snapped his fingers, natumba ito at mawalan ng malay.
“It's a Poisonous Kunai so better avoid it.” mayabang na sambit ni Lord. Suminghal ang dalawa niyang kapatid at nakatikim siya ng malutong na batok mula kay Heaven.
“Jerk. Don't kill them. Malilintikan ka kay mom.”
“I know it po ate Heaven. 24 hours lang naman ang epekto ng lason at magkakaroon na muli sila ng malay.”
“ARAY puta!”
Napakapit sa'kin si Heaven kaya agad ko siyang inalayan sa baywang niya. Namimilipit siya sa sakit habang hawak ang isa niyang paa. “Fuck. Kinokoryente ang paa ko, shit.” mahina niyang usal at pinipigilang sumigaw sa sakit. Nabahala kaming lahat at nag-aalala sa kalagayan niya. Humigpit na rin ang hawak niya sa braso ko tanda ng sa sakit na nararamdaman. Napaupo siya kaya sinalo ko siya at pinangko.“Mì Amoŕe...” ako ang nasasaktan sa nakikita kong reaksyon sa mukha niya. Hindi ako sanay na makita siyang nahihirapan. Pilit siyang ngumiti at sinubukang tumayo ngunit napaupo lang siya muli.
“A--ang sa----sakit ng buong katawan ko.” aniyang nahihirapan at nasapo niya ang kaliwang dibdib. Kumukunot ang noo niya at kumikibot ang labi. Naikuyom ko ang kamao ko ng makita ang butil ng luha na naglandas sa pisngi niya ngunit pilit siyang ngumiti sa'kin.
“Baby...”
“Ate Heaven”
“Heaven”
“Langit...”
Kanya kanyang sambit ng mga kasama namin sa pangalab niya. Tulad ko ay nag-aalala rin sila at ramdam ko ang mapanganib na presensya ng mga kapatid niya.
“Hindi ba, naalis na ni Madam Snake ang chip sa braso mo? Paanong nakontrol pa rin iyang nasa paa mo?” tanong ni Kill.
“Mayroon pa silang nilagay na device chip sa katawan ni Ate Heaven. At nasa mismong puso niya iyon. Hindi sina Mr. Sandro ang naglagay niyan kundi ang isang official ng World Government.” Seryosong wika ni Lord. Hindi ko alam ang tungkol dito. Tumitindi ang pag-alala ko kay Heaven ng impit siyang sumigaw.
“PAPATAKASIN mo ba kami o papatayin ko ang tagapagmana mo! Choose now, Queen!” lahat kami tumingin sa sala. Nandoon si Mr. Sandro at isa niyang tauhan, may hawak siyang isang maliit na remote control. Iyon ang control ng electric chained na nasa paa ni Heaven.
“Napakaduwag mo talaga, Mr. Sandro. Kahit kailan napakawala mong kwentang kalaban!” sigaw ni dad ang narinig ko. Humalakhak si Mr. Sandro at may pinindot na naman sa remote control dahilan ng pagsigaw ni Heaven.
“Ahhhhhhhhhh!!!! Stop it!!! Stop it!!!!” pagmamakaawa niya at halos nadurog ang puso ko sa mga luhang lumabas sa mga mata niya. Niyakap ko siya ng mahigpit, at ramdam na ramdam ko ang panginginig ng katawan niya.
Dawn's POV
Hinawakan ko ang kamay ni Blade upang pakalmahin siya. Kanina pa siya nagpipigil ng galit na sugurin ang taong nagpapahirap kay Heaven. Kahabag habag silang pagmasdan ni Worth, nakayakap siya sa dalagang tinitiis ang sakit na nararamdaman sa buong katawan nito.
“Damn it.” rinig kong mura ni Lord at sa galit niya ay binato niya ang isang kunai niya sa direction ni Mr. Sandro, sinalag iyon ng natitira nitong isang tauhan kaya dito tumama ang kunai ni Lord at nawalan ito ng malay. Si Mr. Sandro na lamang ang natira.
“Ang lakas ng loob mong magtraydor sa clan natin para lamang sa walang kwentang pamilyang ito! You're fuxcking useless Lord!” sigaw ni Mr. Sandro, at mabilis na pinagpipindot ang remote control. Dahilan iyon, upang magsusumigaw na naman si Heaven sa sakit.
“That's enough! Mr. Sandro, Damn it! Umalis ka na!” sigaw ng Reyna at nagmamadaling pumunta dito sa pwesto namin.
“Baby, I'm so sorry... ”
“Mom...” humihikbing usal ni Heaven, parang sinakal ang puso ko sa kalagayan niya. Sapo niya pa rin ang kaliwang dibdib niya at halatang nilalabanan ang sakit sa loob nito.
“Shhhh... I'm here, baby.” usal ng Reyna habang hawak ang palad ni Heaven.
“You fucking Human Trafficker! I'll never let you go without a coffin of yours!” isang nakakatakot na presensya ang sumulpot dito sa palasyo ni Lord at tinarak nito ang dalang Katana sa paa ni Mr. Sandro, hindi pa siya nakontento dahil pinutol niya ang kaliwang paa ni Mr. Sandro, nakakabinging sigaw ang pumaloob sa buong palasyo.
“Ahhhhhhhhhhhhh!!!!! Demonyo ka talaga, Trident!!!!” Namimilipit na sigaw Ni Mr. Sandro.
“Go to hell fucker.” malamig at walang pusong wika ng King at pinutol pa ang isang kamay ni Mr. Sandro.
“Pa... Pag.. Babayaran.. nyo.. Ang lahat ng ito, Trident. Hu.. Humanda kayo sa World Government...” huli nitong usal bago nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
The Badass Twins
AcciónThe badass twins Their brother's group What will happen when they are together in one house? Godee and Heaven an saintly names but its opposite to their behavior. They are not called Badass twins for nothing.... 'Not your ordinary kickass heroi...