Ryder's POV
Slay is here. Dinala siya nila Heaven at Worth dito sa Mansion. Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan at naiinis ako sa binibigay na extra care ni Godee sa kanya. Hindi naman lumpo ang kumag na yan. Bakit kailangan niya pang asikasuhin ang pagkain nito.
"Ito Slay kainin mo pa ito. Siguradong napagod ka kanina kakahabol sayo ng mga Calixtus na yun." nilagyan niya ng kung ano anong ulam ang plato ni Slay.
"Seriously twin? Stop that. Inaantok na si Slay sayo eh."
Saway ni Heaven sa kambal niya. Kumakain na naman ito ng damo. Vegetable Salad. Noong nalaman ni Blade ang ginawa niya kanina sandamakmak na salita ang natanggap niya sa kuya niya. Sinulyapan ko si Slay na kaharap ko lang. Palagi namang inaantok yan."Sarili mong kadugo hina-hunting ka. Anong klaseng ama ang mayroon ka?" Sarcastic na tanong ni Blade kay Slay. Halata sa leader namin ang pagka disgusto sa lalaking ito. Hindi ko siya masisisi dahil parte ang taong ito sa Alcaźar Clan. One of the Calixtus. Kalaban ng mga Hunterose.
"Walang kwenta." inaantok na sagot ni Slay. Chill na chill itong kumakain walang pakialam sa mga masasamang tingin na binibigay sa kanya ng mga tao rito sa mansion.
"Nga pala Slay, kamusta na ang boyfriend kong si Forest hehehehe. Miss ko na siya agad ilang linggo na rin kaming hindi nagkikita. Wait, gusto mo hatid na lang kita sa Alcaźar University? Para makita ko naman si Forest hihihi." parang tangang kinikilig na sambit ni Dawn. Tumingin ako kay Blade ng lalong tumalim ang tingin nito kay Dawn. Pabagsak niyang nilapag ang kutsara at kulang na lang mabasag ang babasagin nilang plato. Pffftttt.
"Walang aalis ngayong gabi maliban sa lalaking yan." malamig na wika ni Blade.
"Don't worry aalis din agad ako pagkatapos kong kumain." sabay na natawa ang kambal at si Dawn. Tumigil lang sila ng lumipat sa kanila ang matatalim na tingin ni Blade.
"Bakit ka ba hinahabol ng mga sarili nyong tauhan?" tanong ko kay Slay. Humikab ito bago nagsalita.
"Nalaman ng ama ko na Hunterose sina Godee at Heaven. Nais niyang malaman mula sa'kin ang kahinaan ng dalawang ito. Ngunit, hindi ako nagsalita. Kinulong niya ako sa palasyo niya dahil suwail daw akong anak. Tsk."
"Hala! Ibig sabihin absent ka ng ilang araw sa A. A. U? aish! It means wala kang balita ngayon kay Forest?" saad na naman ni Dawn. Puro Forrest naman ang isang toh. Di tuloy mawala mawala ang masamang tingin ni Blade sa kanya.
"Si Rubio? His fine as always hindi sila magkasundo ni kuya Dragon."
"Hehehehe kuya mong hot mainitin ang ulo hahahahaha!" dami talagang alam nito ni Dawn.
"Dragon Alcaźar the Student President of A. A. U. Tsk. Kakaiba rin ang tama ng utak ng isang yun." komento ni Godee. "Hindi ko maintindihan kung sumusunod ba siya sa batas ng ama niyo o sumusuway din tulad ng ginagawa mo, Slay." aniya pa. Lihim akong napa-iling. Kahit ang mga pareho nilang delikadong tao ay kilala nila at parang mga kasundo pa nila. May hindi pa ba ako alam sa kambal na ito? Isa naroon ang pagtawag ni Slay kay Heaven na 'Commander'. Anong ibig sabihin non?
"I don't know. Di ko kabisado ang takbo ng utak ni kuya." tinapos niya ang pagkain sa plato niya at tumayo siya. Inaantok na yumuko pa siya sa'min lahat.
"Salamat sa pagkain. Commander, mauna na po ako." tamad na tumango si Heaven sa kanya. "Ang premyo mo pala nasa Hideout mo na. H09, Commander." huling sabi niya at umalis na ito. Tumingin kami kay Godee ng sumunod siya kay Slay. Nagsalubong ang kilay ko at tumayo na rin.

BINABASA MO ANG
The Badass Twins
ActionThe badass twins Their brother's group What will happen when they are together in one house? Godee and Heaven an saintly names but its opposite to their behavior. They are not called Badass twins for nothing.... 'Not your ordinary kickass heroi...