Pagkarinig ni Slater sa tawag ng ama –dahan-dahan itong tumayo karga si baby Angela –magandang tanghali po –magalang ng bati nito sa ama
Anak pwedi ba kitang yakapin –nangangambang tanong ni papa John
Hindi naman ito nabigo nang ibuka ng huli ang kanyang kanang kamay upang yakapin si papa John habang karga naman ng kaliwang kamay nito si Angela –I missed you so much son –at giniya ni papa John ito para pumasok sa kabahayan
Sorry po ha –kaso hindi ko po talaga kayo maalala eh –hinging paumanhin naman ni Slater sa ama
It’s okay son tutulungan ka namin na maibalik ang lahat ng nawala sayo –nang tuluyan ng makapasok namangha si Slater sa ganda ng kanyang nakikita –ang landscaping ng bahay –ang botanical graden –ang orchidarium –ang malawak na lawn –ang swimming pool na may naka incrave na SLATIN
Ikaw ang gumawa lahat nito –nakangiting saad ni papa John
Talaga po? –gulat na saad naman ni Slater
Tara sa loob anak para makita mo ang kabuoan ng bahay nyo
Pagkapasok pa lang ni Slater sa loob ng bahay napadako agad ang kanyang paningin sa nakasabit sa dingding –ang wedding portrait namin –nilibot nya ang kanyang paningin tiningnan isa-isa ang mga picture na nakadisplay sa isang part ng living room ang mini library –binaba nya si Angela at kinuha nya ang isang picture frame na naroon –yung picture nung civil wedding namin sa Pangasinan –dinampot nya din ang isa pang frame yung graduation nya nung college magka-abay sila ni papa John –dumampot pa sya ng isa pang frame yung picture nilang magkakaibigan –dumampot pa uli sya ng isa pa yung huling picture nilang mag-anak yung nasa hospital si mama Salve pinapagitnaan nila itong dalawa ni papa John –at ang huling frame na kinuha nya ay ang picture nung pagkapanganak ko kay Angela kung saan may idinikit akong cut picture nya para kahit wala sya buo pa rin ang pamilya namin –hindi na napigil ni Slater ang pag-alpas ng kanyang mga kuha –masaya ang buhay na nakalimutan ko –mahinang saad nito sa kanyang sarili
Habang abala si Slater sa pagitingin sa mga picture –tinawagan naman ako ni papa kailangan ko daw umuwi agad at may naghihintay sa akin –dahil may pina-anak pa akong pasyente hindi ako naka-alis agad ng clinic –magdapit hapon na nang matapos ako sa trabaho ko –at agad naman akong umuwi
Naabutan kung may inistima si papa John na bisita –pa sila ba ang naghihintay sa akin? –tanong ko agad ng makapasok na ako sa bahay –sorry natagalan ako may pasyente kasi –paliwanag ko pa –pinakilala ako ni papa John kina Mang Unad at sa anak nyang si Diane pati na sa isa pa nilang kasama si Berto –matapos kung mapag-alaman na may hinatid lang pala sila hinanap ko kay papa ang anak ko -pa si Angela?
Nasa kwarto nyo anak sige puntahan mo na ipahanda ko lang ang meryenda para sabay-sabay na tayo
Natatalinghagaan talaga ako sa kinikilos ni papa John ngayun gusto ko syang tanungin kung bakit parang sobrang saya nya –pero nag-alangan naman ako baka isipin nya na binabantayan ko bawat kilos nya –sinunod ko nalang sya nagpa-alam ako saglit sa mga bisita para kunin ang anak ko
Marahan kong binuksan ang pinto para sana sorpresahin ang anak ko pero ako pala ang masosorpresa –may kasamang lalaki ang anak ko nakatalikod ito sa gawi ng pintuan kaya hindi ako nakita habang ang anak ko naman ay natatakpan sa bulto ng lalaki –abala sila sa pagbuklat ng mga photo album yung laging tinitingnan ni Angela sa twing na mimiss nya ang ama –sinipat ko ang likod ng lalaki alam kung hindi ito ibang tao dahil hinayaan sya ni papa na makapasok sa loob ng kwarto namin ni Slater –hindi ko rin alam kung bakit biglang tumibok ang puso ko ng sobrang bilis na para bang hinahabol ito –hindi ko inalis ang mga mata ko sa likod ng lalaki pamilyar sa akin ang bolto nito pero pano pala kung hindi sya masasaktan na naman ako –naramdaman kong uminit ang gilid ng aking mata tumingala ako at huminga ng malalim
BINABASA MO ANG
Message in the Bottle
ФанфікиHow would you feel when you learn that your parents set you to marry someone whom you don’t know and you don’t even meet? Would you agree because it’s a family tradition or would you find a way to oppose?