Chapter 28

712 11 6
                                    

Sandali -sabad naman ni mommy -pwedi bang ipaliwanag nyo muna sa amin papanong nangyayari ito -Alvin papanong hindi mo alam na ang John na sinasabi ng anak natin at si pareng Samuel ay iisa lang

Mahal -saad naman ni daddy sa dinami daming John sa balat ng lupa malay ko bang si pareng Samuel din yun -at itong si Slater malay ko din bang siya pala ang inaanak kong si Puchay eh ang laki ng pinagbago -nung bata kasi ito sobrang taba nito at huling kita ko sa batang to siguro 9 or 10 sya noon kaya hindi ko na sya matandaan

Ikaw naman parang John -este pareng Samuel -eh ano ba dapat kung itawag sayo ano ba ang mas prepare mong pangalan? -tanung ni mommy kay papa John

Alam mo kumadre -si pareng Alvin lang naman ang tumatawag sa aking Samuel lahat ng tao tawag sakin John kaya ikaw na bahala kung gusto mo rin tawagin ako sa ibang pangalan okay lang -biro naman ni papa John kay mommy

O sige since John ang pagkaka-alam kung pangalan ng ama nitong si Slater John nalang tawag ko sayo -pero sandali panong hindi mo nakilala si Christine nung pinakilala sya ni Slater sayo?

Okay ito yung explanation ko mare -nagtawanan pa ang barkada sa gesture ni papa John -kalog talaga ito kahit kilan -umayos pa ito ng upo -na para bang mahaba ang kanya kwento at inayos pa ang sarili mula sa pagkaka-upo -ang alam ko kasing pangalan nitong si Christine eh princess kasi yun naman ang laging tawag ni parang Alvin -nung una ko syang nakita -sabi ko parang may kamukha pero di ko matandaan -yun pala ang picture na yan ang kamukha nya -dyan ko pala sya unang nakita -turo ni papa John sa family portrait namin na nakadisplay -pero syempre di ko nga maalala 

Since -okay na naman pala lahat at medyo late na -putol ni kuya Roy sa usapan -baka pwedi na muna tayong kumain at natatakam na kami sa dalang lechon ni Tito John -mamaya na natin ipagpatuloy ang kwentohan we have a lot of time to talk about this -di ba Tito John -baling ni kuya kay papa

Nadali mo Roy -medyo gutom na nga rin ako nahihiya lang akong magsabi -sabay tawa ni papa at nakipag-aper pa kay kuya Roy

Tumayo na lahat para magtungo sa dinning area -pero si Slater na natiling nakaupo lamang at hawak ang ulo kaya nilapitan ko sya -Babe bakit? masakit ulo mo -ngunit umiling lang ito -eh bakit ganyan ka?

Princess -Slater halina kayong dalawa -tawag ni mommy sa amin -bago tumayo ang asawa ko hinalikan nya muna ako sabay bulong na sorry -hindi ko alam kung para saan ang sorry nya -hindi ko na rin tinanong dahil hila na nya ang kamay ko patungo sa dinning

Masayang nagkwentuhan habang kumakain ang lahat -pero ang atensyon ko nakatoon lang sa asawa ko dahil parang may bumabagabag talaga sa kanya -gustohin ko mang tanungin sya pero hihintayin ko nalang na matapos ang tagpong ito at magkaroon kami ng solong oras tsaka ko sya tanungin

Matapos ang masarap na salo-salo napag-usapan na ang kasal namin at gusto ni Slater na sa lalong madaling panahon habang hindi pa daw malaki ang tyan ko para hindi ako mahirapan sa lahat ng preparation -ngunit sinagot na nila kuya Roy at ate Casey ang paghahanda mula sa organizer at sa reception sila na daw ang bahala -pero ayaw ni Slater kasi daw sila na ang gumawa ng lahat ng paraan nung Civil Wedding namin -pinagbigyan naman kami nila kuya pero tutulong pa daw sila dahil huling kasalan na daw ito sa pamilya namin at gusto nila memorable daw ang kasal namin dahil sa lahat ng pinagdaanan namin -napansin ko na naman ang paglungkot ng mukha ni Slater -kaya hindi na ako nakatiis

Babe -ano ba talaga ang problema mo? -hinawakan ko ang kamay nya -agad naman nya itong kinuha at hinalikan

Babe -wala naman akong problema eh -sagot nya

Babe -hindi nagsisinungaling yang mga mata mo -saad ko pa

Babe -sorry -saad nalang nya bigla at kinabig ako at kinayakap -habang yakap yakap nya ako nagsalita syang muli -Daddy Alvin -Mommy Cindy -Papa -Kuya Roy -Ate Casey -Dude Carlo -tawag nya isa-isa sa pamilya namin -sorry sa inyong lahat ha -panimula -nya na ikinagulat naman ng mga ito -kami nalang kasi ang naiwan sa bahay dahil nagsipag-uwi na ang mga kaibigan namin -sina Kevin Jessica at Biggel kina Kim tumuloy -minabuti narin nilang doon kila Kim dahil walang kasama ang huli sa bahay nila at nang magkaroon naman daw kami ni Slater ng panahon para sa mga pamilya namin -sorry kasi -patuloy pa ni Slater -sorry dahil pinahirapan namin ang kalooban nyo -lalo na kay Daddy Alvin na may mga plano na sana para kay Christine -kila kuya Roy Carlo at Ate Casey na sa tuwing may problema kami sila lage ang gumigitna para maayos ito kaagad -kay Papa na hindi tumutol sa desisyon ko kahit na may usapan sila ang bestfriend nya -kay Mommy Cindy na naging mata at tenga namin sa mga plano ni Dad -sa wakas nakita ko ang biloy ng kanyang pisngi ng ngumiti ito -at batid kung totoo ang ngiti na yun galing sa kanyang puso

Sa asawa ko na hindi sumuko sa relasyon namin kahit na nahihirapan na -kung sana pinagbigyan namin kayo Dad-Pa sa hiling nyo na magkita-kita sana hindi umabot sa ganito -sana walang nasaktang damdamin -sana walang mga sekreto na tinatago -patuloy na pahayag ni Slater

Iho -saad ni Daddy -hwag kang mag sorry -ako ang malaking ipagpapasalamat sa inyo ni Princess dahil kung hindi dahil sa inyo -baka hangang ngayun mangingi-alam pa din ako sa mga buhay ng mga anak ko -baka nga pati pa sa mga apo ko -salamat at ginising nyo ako mula sa pagiging diktador ko sa bahay na ito -salamat -kaya hwag kang magiulty sa mga nangyayari -yung nangyari sa akin its a wake up call son -patuloy ni Daddy at nilapitan si Slater at nikayap -pinahanga mo ako anak handa kang ipaglaban ang gusto mo -sa dalawa kung boys give Daddy a big hug -tapang ng mga anak ko -now you can have your life back -sorry kong ngayun ko lang binigay ito sa inyo -niyakap naman ng sabay nila kuya si Dad 

Thanks dad -sabay na saad ng dalawa kung kuya -we love you much daddy -dugtong pa ni kuya Roy -nakikayap na rin ako -sali ako nainggit ako eh -i love you too so much daddy

Ah my princess -you will now Slater's queen -iho halika -tawag ni Dad kay Slater -hwag mo ipagdamot samin ng mommy nyo ang prinsesa namin anak ha -kahit na reyna mo na sya -sya pa rin ang princess namin -patuloy pa  ni Dad

Dad -dont worry we're gonna full this house with little prince and princess -diba kuya Roy Carlo 

Loko ka Slater dinadamay mo pa ako dyan -sagot ni kuya Roy

Bakit hon -sabad naman ni ate Casey -wala ka nang balak sundan si Asher? -birong tanung naman ni ate Casey -napakamot nalang ng ulo si kuya Roy

Ako pass muna dyan -sagot naman ni kuya Carlo at naupo sa sofa -after 2 years pa kasi gusto ni Wendy -dahil gusto nya pagnagka baby na kami titigil na sya sa trabaho nya at maging fulltime housewife at mother nalang sa mga magiging babies namin -pahayag pa ni kuya

Oy kayo dyan magyakapan nalang ba kayo till when??? -birong sabad naman ni mommy -kilan natin pag-uusapan ang details ng kasal nito dalawa -excite na ako -pahayag ni mommy

Mahal -lapit ni Daddy kay mommy -we have a lot of time to prepare kailangan maganda at full of memory ang kasal nilang ito -sagot naman ni Daddy -di ba pareng Samuel kailangan nating paghandaan ang bawat detalye ng kasal -kaya kayo sige na magpahinga na kayo at kami ni pareng Samuel magkwentohan muna kami -princess kailangan mo nang magpahinga dahil bawal sayo ang magpuyat anung oras na oh -sabay tingin ni dad sa watch nya

Tumalima naman kami kasama na si mommy -medyo malalim na rin kasi talaga ang gabi at medyo ramdam ko na rin ang pagod -alam kung maging sina kuya at ate Casey pagod na rin -kaya nagsipag pasok na kami sa mga rooms namin

Malalim na ang gabi pero sina Daddy at Papa John hindi pa rin nagsipag tulog -panay pa rin ang kwentuhan nila -minsan na silang sinita ni Mommy dahil panay ang tawanan ng dalawa -kaya nagpasya nalang sila na sa lanai mag kwentuhan -hangang sa hindi na namin namalayan kung anung oras sila natapos sa kanilang kwentuhan

 Paring Samuel hindi ko talaga lubos akalain na mangyayari ang lahat ng ito -sabi ni Dad kay Papa John

Ako man din pareng Alvin -walang akong ideya na ang princess mo ang syang babaing pinakamamahal ng Punchay ko -sagot naman ni Papa John

Kaya pala siguro sobrang gaan ng loob ko kay Slater nung mga panahong nag-aaral pa sila na minsan inisip ko na sana sya nalang ang anak mo at maging asawa ni princess -nakakapanghinayang kasi wala tayong panahon hindi kasi uso sa panahon natin itong reunion nato kaya tuloy hindi tayo laging nagkikita -pati cellphone hindi naman uso -kung magsusulatan naman tayo para naman tayong mag boyfriend nun -at hindi na naman napigil nila ang kanilang tawanan

Kayang dalawa ba talaga eh walang balak matulog -gulat ni mommy sa dalawang lalaking nag-uusap -kung bukas wala kayong magandang idea sa details ng kasal humanda kayo sa akin ha -pananakot pa ni Mommy

Oh sya pareng Alvin mukhang tatawag na ng police si kumareng Cindy pag hindi pa tayo pumasok ngayun -sabay kindat pa nito kay Daddy

Hala sige na magsipag tulog na kayo -ulit ni Mommy

Pasensya kana pareng Samuel ha -pano kasi hindi nakakatulog ang mahal ko kapag hindi ako katabi -inakbayan ni Daddy si Mommy at nag-umpisa na silang pumasok sa bahay 

Good Night Pareng Sameul -paalam ni mommy kay Papa John -

Good Night kumare -kumpadre -good night din -at nag high five pa ang mga ito

O sige na tama na yan -awat naman ni Mommy dahil akmang may sasabihin pa sana si Daddy

Mag-gogood night lang mahal -sagot nalang ni Daddy

Message in the BottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon