Anak handa naba kayo sa mga mangyayari? –bakit mo kasi ginawa yun? –galit na galit na naman ang daddy mo sayo –pahayag ni mommy
Mom tama na rin to –kung papatagalin pa natin mas lalo lang magagalit si daddy sa amin para isahan nalang ang galit niya –habang di pa malaki ang tyan ko mom ayoko ding maapektuhan ang anak ko –mabuti nang hanggat maaga makapaghanda na kami ni Slater sa maaring mga sasabihin ni dad –pagkatapos tumayo na rin ako sa hapag at tinungo ang kwarto ko upang tawagan si Slater
Kumusta ang babe kong buntis? –ayos lang ba at ang baby kung gwapo –sa mga tinuran ni Slater sa kabilang linya napangiti ako –kung tutuusin maswerte naman ako dahil si daddy lang naman ang hindi sang-ayon dito lahat ng mga taong nagmamahal sa akin naka suporta naman sa amin ni Slater kaya dapat kung tapangan ang sarili ko para sa mga magaganap
Babe pano mo naman nalaman na gwapo ang anak natin eh maganda kaya –ganting biro ko naman sa kanya
Sige na nga maganda na ikaw ang boss eh –sabi naman nya
Babe –saad ko na medyo lumongkot ang boses
Babe may problema ba? –bakit biglang nagbago ang boses mo? –tanung ni Slater na nahalata din pala ang pagbabago ng boses ko
Babe kasi alam na ni daddy na buntis ako –sinabi ko na sa kanya kanina at galit na galit –gusto ka nyang makaharap –tuloy tuloy kung pahayag
Sige babe darating ako dyan –hwag mong masyado isipin yan ha di ka dapat ma stress
Matapos kung maka-usap ang asawa ko sa telepono sya namang pagpasok ni mommy at kuya Carlo
Princess okay ka lang ba? –tanung ni kuya sa akin –kilan mo pa nalaman na buntis ka? –alam na ba ito ni Slater? –sunod sunod na tanung ni kuya
Nung nakaraang araw ko lang nalaman kuya –oo alam na rin ni Slater at mommy sila kasama ko sa OB gyne –saad ko naman
Ang daya nyo naman di nyo ako sinabihan –tampong pahayag naman ni kuya
Kuya sorry na –si mommy kasi sobrang excited magpunta sa OB sya na nga nagpa schedule eh kaya di kana namin nahintay nawala din sa isip ko na tawagan ka –at tsaka kuya alam ko busy ka eh –sabay yakap ko sa kapatid ko para mawala na ang tampo
Pasensya naman –sabad naman ni mommy excite lang ang lola sa bagong apo –sana rin anak –baling ni mommy kay kuya Carlo –magkaroon na rin agad kayo ni Wendy para masaya na itong bahay natin maraming bata –tatawagan ko pala ang kuya Roy nyo
Para saan mom –ang sabihin kay kuya na buntis si Christine o ang hilingin na bigyan ng kapatid si Asher –banat ni kuya kay mommy –tapos sabay kaming nagkatawanan
Ito namang si Carlo ko –naglalambing lang ang mommy eh –at kiniss pa ni mommy si kuya –kaya niyakap naman ito ng kapatid ko ng sobrang higpit kaya nakiyakap na rin ako
Salamat mommy –salamat kuya sa suporta nyo sa akin sa amin ni slater –pahayag ko sa dalawang taong laging sumorporta sa akin
Kahit na maliit palang ang tyan ko pero pinagbawlan na ako ni mommy at kuya na mag drive –si kuya na mismo ang nag presenta na mag hatid sundo sa akin sa trabaho –grabe naman yan mommy –kuya –palatak ko naman ilang linggo palang naman ang tyan ko pero ayaw nyo na ako pag driven –tsaka di naman malayo ang pagda-drivan ko ah –saad ko naman para hindi ko na maabala ang kapatid ko out of his way kasi ang hospital sa opisina nya –pero wala akong nagawa pinagpipilitan nilang dalawa ang gusto nila
Pauwi na ako ng hapon na yun –tinawagan ko si kuya para sabihing palabas na ako ng hospital –bago ko pa man ma dial ang number ni kuya nakita ko na ang isang pamilyar na bulto sa labas ng hospital naka sandal sa sasakyan ko at kumayaw pa sa akin pagkakita niya –kaya pagkatapos ko mag log-out lumabas na ako at agad naman akong sinalubong ng yakap at halik ng asawa ko
BINABASA MO ANG
Message in the Bottle
FanfictionHow would you feel when you learn that your parents set you to marry someone whom you don’t know and you don’t even meet? Would you agree because it’s a family tradition or would you find a way to oppose?