Chapter 26

911 14 13
                                    

Dahil sa sabado nang araw na iyon lahat kami nasa bahay lang nagkukwentuhan -pina-alam na rin namin sa mga kaibigan namin ang tungkol sa secret marriage namin ni Slater -sa pagbubuntis ko -kaya parang pyesta sa bahay namin ngayun nandito kasi sina Biggel, Kevin at Jessica na nagmadaling lumuwas matapos matanggap ang tawag namin ni Slater kahit pa sinabi naming sabay-sabay nalang sana sila ni papa pero excited na daw sila eh -nakausap naman daw nila si papa nasa Busay pa kaya nauna na sila -pero mas maagang dumating sina Jerico at Kim sa bahay

Grabe kayo -palatak ni Jerico -akala namin mga totoo kayong kaibigan -kunyari tampo nyang pahayag -paano nyo nakuhang maglihim sa amin ng ganito katagal?

Hay naku Jerico -sabi naman ni kuya Carlo -eh di hindi na secret yun kung maraming nakaka-alam -and knowing you ang daldal mo lang kaya -at nagkatawan lahat ng sobrang lakas pati parents namin ni kuya nakikisali na rin sa biruan ng magbabarkada

Ah ganun Carlo ha -sige hintayin mo pagbalik ni Wendy kwento ko sa kanya lahat ng nangyari nung stag party mo -pananakot naman ni Jerico kay kuya -nagkatawanan na naman ulit

Ay anu kaba -sabi ni kuya sabay akbay sa kaibigang si Jerico -biro lang yun ito naman oh di na mabiro -siniko naman ng mahina ni Jerico si kuya Carlo

Habang nagkakasayahan kami nag ring ang phone ni Slater at si papa John ang caller -tumayo ang asawa ko at hinila rin ang kamay ko patayo -lumayo kami ng kunti sa mga kaibigan namin

Pa -bungad ni Slater pagka sagot nya sa phone -nakaalis ka na ba ng Cebu? -tanung naman nito sa ama -habang akbay ako at magkadikit ang mga tenga namin para pakinggan ang amang nasa kabilang linya

Oo anak -sagot naman ni papa John -nandito na ako sa Mactan Airport -sunduin mo ako sa NAIA airport ha at marami akong dalang pasalubong para sa mga balae ko -patuloy pa ni papa

Sige pa pupunta na rin kaming airport ni Babe para sunduin ka -at tinapos na nila Slater at papa John ang usapan nila -pagbalik namin sa sala -sinalubong kami ng tanung ni daddy

Iho si papa mo na ba yun? -tanung ni daddy sa asawa ko

Yes dad -sagot naman nito -nasa Mactan Airport na daw siya -guys -baling naman nito sa mga kaibigan namin -aalis muna kami ng asawa ko at susunduin lang namin si papa sa airport may mga dala daw kasi sya eh -imporma ni Slater sa kanila

Iho -pwedi ba akong sumama -excited na akong makilala ang kumpare ko eh -sabi ni daddy

Naku dad -sagot ko naman -dito naman kami didiritso pagka sundo namin kay papa -kaya pweding dito mo nalang sya hintayin kasi kapag sumama ka po tyak sasama lahat

Tama Alvin -suhistyon naman ni mommy -dito nalang natin hintayin ang pagdating ni pareng John -mabuti pa eh tumulong ka nalang sa paghanda ng makakain natin -dagdag pa ni mommy

Ay -kaya naman pala ayaw akong pasamahin sa mga batang magsundo dahil aalilain mo lang ako -pahayag pa ni daddy -sabay yakap nya kay mommy

Oi hindi ah -saad naman ni mommy

Ang sweet lang talaga ng mga magulang ko -hirit naman ni kuya Carlo

Mommy -Daddy -kuya -guys -alis na muna kami -paalam ko sa kanila -at lumabas na kami ni Slater ng bahay

Habang naghihintay kami kay papa John sa labas ng NAIA airport -may inabot sa akin ang asawa ko na maliit na paper bag

Anu to? -tanung ko naman sa asawa ko -bakit may regalo ako wala namang okasyon -di naman natin anniversary -patuloy ko

Buksan mo para makita mo -sabay wink nya pa sa akin -kaya napangiti ako at dahan-dahan kung binuksan ang maliit na paper bag na yun

Empty bottle? -bulalas ko -para saan to? -anung gagawin ko dito? -sunod-sunod kung tanung

Wala nabang laman ang paper bag na yan? -balik tanung naman nya sa akin -empty bottle dahil it symbolizes on how our love starts kaya lahat ng empty bottles ng perfume iipunin ko at ibibigay ko sayo 

Hmmm sweet naman ng asawa ko -at sinilip ko ang loob ng paper bag -yun pala may naka roll na maliit na papel naka suksok sa gilid ng paper bag -ay anu to? -parang bata kung tanung habang naka ngiti dahil na excite kung anu ang laman ng naka roll na papel -nung tatanggalin ko na ang ribbon na nakatali

Dahan-dahan lang -sabi naman ni Slater

Bakit? -anu ba talaga laman nito? -palahaw ko naman -para tuloy ayoko nang buksan to baka mamaya kung anung nasa loob nito matakot lang ako -dagdag ko pa

Hindi -saad naman nya -bakit naman kita tatakutin -sige buksan mo na yan -utos nya sa akin -kaya sinunod ko nalang din -inas-sure naman nya ako na hindi ako matatakot sa kung anu man ang laman niyon

Napangiti ako nang nabuksan ko na ang naka roll na papel -dahil ang mga nakasulat ay pangalan ng mga bata na posibling gamiting pangalan sa magiging anak namin -at ang isa pang nakakapag pasaya sa akin ay may nakadikit na singsing -para saan naman tong sing-sing? -tanung ko sa kanya

Nagustuhan mo ba ang mga pangalan? -tanung naman niya -at ang singsing na yan para sayo -sabay kinuha nya ito mula sa pagkadikit sa papel -Dr. Christine Vergara will you marry me -sabi nya -kaya napatawa ako

Baliw -may ganitong eksina kapa eh mag-asawa na tayo -jusmio Slater -eh ito nga oh binuntis mo na ako

Eh bakit ba -sabi naman nya -hindi ko to nagawa eh -planadong planado ko paman sana ang gagawin kong proposal sayo -pero hindi ko nagawa dahil si kuya Roy ang nagpropose sa akin -nang bigla akong nagulat

Ah ganun ha -ang narinig kong boses mula sa kung saan -ngunit alam kong boses iyon ng panganay kung kapatid -Christine umoo ka na please para hindi maghimutok sa akin yang asawa mo -saad pa ulit ng boses na narinig namin mula sa sasakyan

Kuya -saad ko -anu to? -baling tanung ko naman kay Slater

Sige na mag YES ka na Tin sabay-sabay halos na sabi ng mga taong naiwan sa bahay na narinig ko mula sa loud-speak phone ni Slater

Ha? -gulat ko pading reaction -grabe kayo -bulalas ko naman wala na ba talagang pweding isekreto sa inyo lahat na lang kailangan alam nyo -sabi ko sa naka loud-speak na mobile ni Slater na ngayun ay nilabas nya na mula sa pagkakatago nito -sige na nga YES babe i will marry you -patuloy ko pa

Ay bakit parang napipilitan ka lang -kunyari tampong saad ni Slater -bakit may sige na nga? -di ba pwedi of course babe i will marry you

Yes babe I will marry you -ulit ko sa sinabi ko sabay halik at yakap sa asawa ko

Ay ang sweet naman -saad naman ng boses ni ate Casey

Guys nandito na si papa -putol ni Slater sa kulitan ng barkada at pamilya over the phone

Message in the BottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon