Busy ang halos lahat ng tao na naroon sa bahay namin -lahat sila naghahanda sa araw ng kasal namin ni Slater -kung tutuusin hindi naman dapat kasi lahat may nag-aayos pero parang lahat sila excited akala ko kami lang ni Slater ang makaramdam nito dahil kami ang ikakasal -although hindi ito ang unang beses namin ikasal pero iba kasi ito -hindi na secret -nang biglang pumasok si Mommy -anak tapos naba kayo dyan? -aalis na daw tayo at paalis na sila kuya mo -nasa bahay kasi sila ng tita ni Slater kasama nila sila kuya Carlo -bawal daw kasi magsama sa iisang bahay ang ikakasal -sa simbahan nalang daw kami magkita-kita
Yes mom tapos na ako -Mom kinakahaban ako eh -ganito ba talaga pag ikakasal? -tanung ko kay mommy
Naku princess okay lang yan -ganyan talaga ang feeling kapag ikakasal ka pero once nasa simbahan kana at nakita mo na ang mahal mong naghihintay sayo sa harap ng altar mawawala lahat yang pag-aalinlangan mo -kaya lets go baka mainip ang asawa mo -biro ni Mommy sa akin
Ilang saglit lang akong naghintay sa loob ng bridal car ng tawagin ako ng wedding planner na kinuha nila kuya Roy at ate Casey -paglabas ko ng sasakyan -isa-isa nang nag march ang mga flower girls na naglalagay ng petals sa aisle -kasunod nun ang mga principal and secondary sponsor -si kuya Carlo at Kuya Roy ang bestmen ni Slater sina ate Casey at Ate Wendy naman ang maid of honor ko
Doc be ready ikaw na susunod on my cue -saad ng wedding planner
Tango lang sinagot ko sa kanya dahil hangang sa ngayun kinakabahan pa din ako -narinig kong nag-umpisa nang magplay ang wedding song na syang napili namin ni Slater yung theme song namin ang IKAW
Sino kaya ang kinuha nilang wedding singer? -tanung ko sa aking sarili -pero medyo familiar sa akin ang kanyang boses pero wala na akong oras para isipin ang kung sino man ang singer na kumanta ng theme song namin ng asawa ko -nung nakalapit na ako sa may pintuan ng church sinalubong na ako nina Mommy at Daddy na syang maghahatid sa akin sa altar
While we're in the middle part of the aisle -napatigil ako sa paglalakad dahil bumaba naman sina Slater at Papa John para salubongin kami sa ibabang bahagi ng altar at ang isang nakatawag pansin sa akin dahil ang kumanta ng theme song namin ng asawa ko ay walang iba kundi si Slater din -hindi ko alam kung bakit nag-uunahan sa pagbagsak ang mga luha ko habang nakangiti at nagpatuloy sa paglalakad
Nang nasa harap na kami nina Slater at Papa John -inabot na ni Slater ang microphone sa isang singer na nasa tabi ni kuya Carlo at bumalik na ang huli sa grupo ng choir na naroon at sila na ang nagpatuloy sa pagkanta
Unang niyakap ni Slater si daddy mendyo matagal din ang yakapan nilang iyon may mga sinasabi sila sa isat-isa pero hindi ko masyadong narinig -after nun si Mommy naman ang niyakap ni Slater -salamat Mom lang ang tanging narinig ko -samantalang ako yakap-yakap din ni Papa John at sinabi nyang masaya sya para sa amin ni Slater kahit noong unang beses palang daw ako pinakilala ni Slater sa kanya after nung secret Civil Wedding namin -masaya na sya sa kinahihinatnan ng pag-iibigan ng anak nya -nagpasalamat din ako kay Papa John dahil sobrang supportive nya sa amin ng asawa ko
Slater -saad ulit ni Daddy nung inabot nya ang kamay ko kay Slater -lage nyo tatandaan na nandito lang kami na mga pamilya nyo -kung ano man ang dumating sa buhay nyong mag-asawa hwag nyong sosoluhin kung ano man ang mga pagsubok na dumating sa inyo dahil hindi maiiwasan yan sa buhay mag-asawa -pero sa nakita namin sa inyo lahat kinaya nyo na kaya kampante kami na walang pagsubok na hindi nyo kayang lampasan
Sabay naming niyakap ni Slater si Daddy pati sina Papa John at Mommy -at humarap na kami sa pari
Kahit ilang beses kung uulitin na sabihin sayo na mahal na mahal kita hinding hindi ako magsasawa -ikaw lang ang nag-iisang prinsesa -doctor -kaibigan -at asawa ko na magiging na ng mga anak ko -habang buhay kitang mamahalin kahit na anong mangyari hinding hindi kita makakalimutan -mawala man sa akin ang alala ko pero mananatili ka sa puso ko -kahit na anung mangyari walang sinumang papalit sayo sa puso at buhay ko -mga katagang binitawan ni Slater na ikinagulat ko dahil hindi naman yun ang vow na sinabi nya sa akin
BINABASA MO ANG
Message in the Bottle
FanfictionHow would you feel when you learn that your parents set you to marry someone whom you don’t know and you don’t even meet? Would you agree because it’s a family tradition or would you find a way to oppose?