Chapter 14

854 11 14
                                    

Ilang buwan na rin ang dumaan matapos ang pagkabuko ni dad sa patago kung relasyon –at simula nun halos araw-araw nalang nanghihingi ng update kina kuya Carlo at kuya Roy kung may balita na ba daw sila kung sino ang lalaki ko –ang sabi lang nila kuya wala pa silang nahanap na kahit anung makapagtuturo kung sino siya

Pagkauwi ko sa bahay mula sa trabaho naabutan ko sina Kevin at Jessica nasa bahay –kinukuha daw nilang ninong at ninang ang magulang ko para sa kasal nila –na agad namang pumayag ang mga ito

Makalipas ang ilang lingo mula ng bumisita sina Kevin at Jessica sa bahay –kami naman ang pupunta sa Cebu dahil kasal na nang dalawa kinabukasan –gusto naming mauna ni kuya Carlo pero hindi pumayag si dad sabay-sabay na daw kami total naman iisa lang ang lugar na pupuntahan namin –di nalang rin kami nakipagtalo ni kuya para wala ng gulo –hinintay nalang namin sila ni mommy. At ang isa pang nakaka-badtrip hindi pumayag si dad na hindi kami magkasama sa iisang hotel

Dad –saad ni kuya -meron na pong naka book na room para sa amin -para sa barkada nilaan talaga yun para sa mga close friends ng ikakasal

Son –tugon naman ni daddy –maiintindihan naman siguro nila Kevin at Jessica na dito lang kayo kasama namin ng mommy nyo total naman magkikita rin kayo bukas

Wala na naman kaming nagawa ni kuya kondi ang sundin si dad

Araw ng kasal nina Kevin at Jessica beach wedding ang kasal ng dalawa at kasalukuyan kaming nasa reception –nagsasayaw ang bagong kasal sa center stage na ginawa para lamang sa okasyong iyon –nang makita ko si dad na may kausap hindi ko namumukhaan kasi nakatalikod ang lalaki –pero sa tantya ko magkasing edad lang sila ni dad –medyo matagal-tagal rin ang usapan nilang dalawa

Kuya –tawag ko kay kuya Carlo –kilala mo ba yang kausap ni dad? –napalingon naman ang kapatid ko

Nagkibit balikat lang ito sabay sabi no idea sis –dahil sa nakatalikod ito kaya di rin siya napagsino ni kuya

Hinayaan ko na rin lang siguro acquaintance lang –binalik ko nalang sa usapan ng mga kaibigan ang attention -masaya kasi ang kwentuhan nang biglang hirit si Biggel

Sino kaya ang susunod na ikakasal sa inyo noh? –pero sa palagay ko siguro si pareng Carlo at Wendy –susunod naman itong si pareng Jerico at Kim -tapos sina pareng Slater at Doc –panghuhula ni Biggel

Panu namang kami ang susunod nila Carlo gayong di naman kami ni jerico –sabad ni Kim

O sige sila nalang pareng Slater at Doc –patuloy pa ni Biggel ng biglang dumating si Dad sa pwesto namin

Lahat kami parang nabila-ukan –natahimik kami –naghihintay kung anu ang mangyayari -halos lahat yata kami parehas ang tanung sa mga isip kung narinig kaya ni dad ang sinabi ni Biggel –buti nalang nakabawi kaagad si Jerico at inanyayahan nya si dad kunyare na sumama sa table namin

Sir –dito na po kayo maupo –alok ni Jerico sa upuan nya

No thank you Jerico –hinawakan ni dad ang balikat ni Jerico at pinabalik sa pag-upo –I just want to talk to my children – Carlo-Christine –mauna na kami ng mommy nyo –Carlo –you take care of your sister okay –guys do watch Christine for me please –bilin pa ni dad sa mga kaibigan namin

Pagka-alis ni daddy sa table namin –na guilty naman ako dun –sabi ni Kim –pero sorry sir nasa anak nyo ang simpatya namin –dugtong pa nito

Hey guys –pukaw ni kuya Carlo sa katahimikan ng lahat –nandito tayo para makisaya sa kasal ng mga kaibigan natin okay –kaya erase muna ang mga alalahanin –at yun nga ang ginawa namin binalik namin ang sigla –hangang sa unti-unti nang nagpaalam ang mga bisita ng bagong kasal –halos kami nalang ang naiwan sa reception –ang bagong kasal umalis na para sa kanilang honeymoon

Message in the BottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon