Dahil hindi ako nakatulog maaga nalang akong naghanda ng almusal -habang nasa kusina ako -dumating si Papa John
Si Slater tulog pa? -tanung ni Papa na tumulong na rin maghanda sa almusal namin -hindi kasi namin pinapayagan ni Slater na mag-isa syang kumain sa bahay nya kaya tuwing kainan nasa bahay namin si Papa -hindi naman kalayuan ang distansya mga 8 steps lang naman ang pagitan
Oo Pa tulog pa -sagot ko naman -Pa alam mo hindi ako nakatulog kagabi -kwento ko naman kay Papa John
Bakit? -nag-alalang tanung naman nya -may kakaiba kana bang nararamdaman? -manganganak naba ba
Pa hindi -ewan ko ba basta tinitigan ko lang si Slater buong magdamang -ayaw talaga ako dalawin ng antok -parang ayaw ko na nga siya payagan na umalis eh
Anak -naninibago kalang siguro kasi simula nang nagsama kayo unang beses nyo itong magkahiwalay -pero mga dalawang araw lang naman eh babalik kaagad ang asawa mo -hindi ka matitiis nyan lalo pa ngayung alam naman nyang manganganak ka syempre dapat nandun sya -diba nga nakahanda na lahat -excited nga yun kahapong nag charge ng battery sa video cam niya
Maya-maya lang bumaba na si Slater -babe -tawag nito sa akin -at dumiritso ito sa kusina kung saan naroon kami ni papa John -good morning Pa -sabay halik sa ulo ni papa -tsaka naman nya ako nilapitan at niyakap ng mahigpit -ang ganda naman ng asawa ka kahit sobrang aga pa
Babe -hwag ka nalang kaya tumuloy sa Davao -tawagan mo nalang si Daddy -suggest ko sa asawa ko
Bakit babe -ayaw mo akong umalis? -tanong naman nito sa akin
Kagabi pa kasi ako kinakabahan eh -sagot ko sa kanya habang yakap yakap ko sya
Promise babe -babalik ako agad -after kung makausap ang mga investor dun aalis na ako kaagad -kaya hwag na kung anu ano ang iniisip mo ha -babalik ako para sa inyo ni baby Angela -kaya habang wala ako dito ng ilang araw -si Papa muna ang kasama mo dito sa bahay okay -sabi naman din nila Mommy at Daddy na luluwas sila dito day after tomorrow dahil gusto nila na present sila sa pagsalubong natin kay baby Angela -smile na okay -I Love You so much Doc -at kinantilan nya ako ng halik sa labi
O sya sige na maupo na kayo at kakain na tayo -yaya ni papa John sa amin -baka maiwan ka pa ng eroplano -patungkol ni papa kay Slater
Matapos naming kumain naghanda na si Slater para gumayak -pati kami ni Papa John -dumating na rin sina Biggel -Kevin at Jessica na sasama sa amin na ihatid sa airport ang asawa ko
Pagbaba ni Slater mula sa kwarto -nagulat pa ito -oh anung ginagawa nyo dito ang aga pa ah? -pabirong tanung nya sa mga kaibigan
Makikihatid sayo -sagot naman ni Biggel pati nakiki-almusal na rin walang pagkain sa amin eh pati kina Kevin at Jess
Puro ka biro Biggel ang yaman na kaya nyan nila Kev at Jess -ganting biro naman ni Slater
Hangang sa sasakyan panay parin ang biruan ng magkakaibigan -Slate hwag mong kalimutan ang durian ha -bilin ni Kevin baka pagnakakain si Jess nun magkaka baby na rin kami -sabi pa nito -medyo matagal tagal na rin kasi ang paghihintay ng mag-asawa na magka-anak
Isang eroplanong durian ang ipapadala ko dito Kev kung yun lang ang paraan -sagot naman ng asawa ko -babe bakit ang tahimik mo naman dyan -pansin ni Slater sa pananahimik ko
Wala naman babe -parang di lang kasi ako sanay na mawala ka sa tabi ko -simula kasi nung kinasal tayo at lumipat tayo dito sa Cebu walang araw na hindi tayo magkasama
Babe alam mo hindi naman ako magtatagal dun eh -ngayun pang anytime soon lalabas na si Angela syempre gusto ko kasama mo ako sa delivery room -alo sa akin ni Slater
BINABASA MO ANG
Message in the Bottle
FanfictionHow would you feel when you learn that your parents set you to marry someone whom you don’t know and you don’t even meet? Would you agree because it’s a family tradition or would you find a way to oppose?