Bago ako tuluyang pumasok sa bahay nung mama na nangangailangan ng tulong tumingala ako sa langit sabay sabi thank you Lord para dito you heard my prayer binigyan mo talaga ako ng miracle.
Pagkapasok ko sa loob ng bahay nagpahanda agad ako ng mainit na tubig naglinis na rin ako ng kamay ko –medyo nanghina na yung babaing manganganak panganay kasi kaya medyo nahirapan –dinaluhan ko na sya agad –sabi ko sa kanya na hwag sya masyado nagsisigaw para hindi sya manghina –tapos nung naayos na lahat nang kailangan menanduhan ko na sya na umiri yung pinamalakas nyang eri –bonga isang push lang –napangiti ako nung hinawakan ko na yung baby –hindi naman ito ang unang beses kung makahawak ng bata pero iba ito eh –alam nyo yun siya yung dahilan kung bakit madedelay ang pag-uwi ko sa bahay.
Ako na mismo ang naglinis sa mag-ina para naman makapagpahinga narin ang bagong panganak –natuwa ako sa reaksyon nilang mag-asawa alam ko bago lang sila nag umpisa sa buhay nilang mag-asawa dahil nasa maliit lang silang bahay nakatira wala pa halos gamit –bigla ko na namang naisip ang sitwasyon ko –pero naputol iyon ng lumapit sa akin ang ama ng batang bagong silang
Doc. –maraming salamat at napadaan kayo dito sa amin –maraming salamat talaga kung hindi dahil sa inyo ni Sir malamang may masamang mangyayari sa mag-ina ko dahil ang layo talaga ng lugar namin sa bayan kung nasaan naroon ang center –ang pasalamat ng mama sa akin
Nung narinig kong sinabi nyang Sir –saka ko lang naalala si Slater ang akala ko kasi umalis na sya –yun pala nandun lang at tumulong pa sa paghanda ng makakain –oo inimbita kami ng mama na kumain muna
Doc. -sir -sige na kain na po muna kayo –alok sa amin ng mama –pagpasensyahan nyo nalang po ito lang po kasi nakayanan ko –hingi nya pang paumanhin
Kuya –sabi ko sa kanya pahigupin mo muna ang asawa mo ng mainit na sabaw –talaga naman kasing nakakatakam yung tinulang manok –alam nyo yung native na manok tapos may malungay pa
Opo doc –sagot naman nya –pero dumalog na muna kayo ni Sir sa hapag ako na po bahala sa misis ko
Hindi po kuya sige akin na yung food ng misis mo –hiningi ko sa kanya ako magpapakain –binigay naman nya pagkatapos nyang kumain pinagpahinga ko na sya medyo mahina pa kasi eh –bago ako lumabas ng kwarto tiniyak ko muna na nakatulog na silang mag-ina
Paglabas ko nakita ko si Slater nakaupo sa may sofa na gawa sa kawayan kaharap naman ang bagong ama –nung pagkakita nila sa akin pababa agad akong sinalubong ni kuya
Doc. maraming salamat po talaga –
Akala ko kakamayan nya ako kaya tinanggap ko yung kamay nya yun pala may naka-ipit –pagtingin ko pera –kuya hwag na –binalik ko sa kanya ang pera na inabot nya sa akin –tama na sa amin yang hinanda nyong pagkain –sabay tingin ko sa hapag –nagutom na din kasi ako –kinuha ko yung relos ko sa bag pagtingin ko mag-aalas nwebe na pala –sige na po kuya sabayan nyo po kami –tumangi pa sya pero napilit din namin
Pagkatapos naming kumain –binigyan ko sya nang multi vitamins para sa mag-ina nya –lubos naman ang pasalamat nya sa akin
Naku Doc –maraming salamat talaga hindi ka na nga nagpabayad binigyan mo pa ako ng vitamins –paano ba kami makakabayad sa inyo ni sir? –sabi nya pa na halos maluha-luha
Naku kuya –sabi ko –hwag mo intindihin yan para naman talaga sa mga nangangailangan yang vitamins nayan eh –galing kasi kami sa medical mission kaya may natira pa –at binilinan ko sya kung anu dapat nyang gawin –binigyan ko pa sya ng calling card ko incase na kailanganin nila ng tulong medical gayong malayo sila sa bayan –tapos nagpa-alam na kami ni Slater.
Nasa sasakyan na kami –nung nagkausap kami ni Slater –kasi habang kumakain, si kuya ang kakwentuhan namin eh –nagkwento kasi siya tungkol sa kanilang mag-asawa kung pano sila nagkakilala –pano nya niligawan lahat na hangang sa ito nga na-nganak na.
BINABASA MO ANG
Message in the Bottle
FanfictionHow would you feel when you learn that your parents set you to marry someone whom you don’t know and you don’t even meet? Would you agree because it’s a family tradition or would you find a way to oppose?