Chapter 9

876 11 8
                                    

Nakabalik na rin ang team namin mula sa medical mission at binigyan kami ng 3 days off kaya ang plano ko matulog ng matulog pambawi lakas –habang naghahanda ako para sana magpahinga pero bigla kung naalala ang binigay ni Slater bago ako umalis –natampal ko pa ang noo ko panung hindi ko sya naalalang tingnan nung nasa South Africa kami eh may time naman din ako –hay naku Christine –sabi ko sa sarili ko

Agad kong hinanap sa luggage ko ang paper bag na bigay ni Slater –pero hindi ko mahanap –nanlumo akong naupo sa gilid ng kama ko –iniisip ko kung saan ko ba nailagay yun o kung nilipat ko ba nang lagayan –pero hindi eh di ko naman ginalaw to –sabi naman ng isang bahagi ng utak ko –sa sobrang kung frustration nilabas ko lahat ang laman ng luggage ko kisihudang baliktarin ko ang maleta nato makita ko lang kung anu yung binigay nya sa akin.

Halos nailabas ko na lahat ng laman pero wala pa rin akong nakitang maliit na paper bag –kaya lahat ng zipper binuksan ko na –nakahinga ako nang maluwag ng sa wakas nakita ko rin ang hinanap ko –bakit ba kasi nasiksik ng husto to sa pinakasulok na bahagi ng maleta –agad kung binuksan ang paper bag –nung nakita ko ang laman na pangiti ako –naisip ko paano nya nalaman na ito ang paborito kung pabango

Nung nilabas ko yung bote ng pabango may nahulog naman sa lap ko na maliit na card kaya binasa ko –

I don’t know why when I saw this perfume I think about you!

Have a safe trip.

Take Care

Slater

Agad kung kinuha ang phone ko tinawagan ko si Slater pero walang sumasagot kaya tinext ko nalang –just got home thanks sa gift I like it. –pero inaantok nalang ako wala akong reply na nareceive siguro busy –naiisip ko nalang –matutulog na muna ako tsaka ko na ililigpit ang mga kalat ko

Nasa kasarapan na ako ng tulog ko nang ring ng ring yung phone ko –sinagot ko nalang pero hindi ko na tiningnan kung sino ang caller basta sinagot ko sya –habang nagkasubsob yung mukha ko sa unan –hello –bedroom voice pa ako

Hi Doc sorry nagising yata kita eh –sige mamaya nalang –sabi naman ng kausap ko

Pero nung nabosesan ko sya abay nawala ang antok ko at umayos ako ng higa –hindi naman Engr. okay lang nakasubsob lang kasi sa unan ang mukha ko kaya parang husky yung voice ko –pagsisinungaling ko pa –ewan ko ba excited akong marinig boses nya eh

Ganun ba –pasensya na hindi ko nasagot yung tawag at text mo -kanina pa pala to medyo busy lang kasi –sabi nya sa kabilang linya

Ay sige mamaya nalang tayo mag-usap unahin mo muna yang trabaho mo papahinga lang din ako –tapos pinutol ko na yung linya –ewan ko pero parang nagtampo ako dun –anung dahilan sabi naman nang kabilang side ng utak ko assumera ka rin anu –sino kaba para bigyan nya ng importansya compare sa trabaho niya? –matulog kana nga pinagalitan pa ako ng isang bahagi ng pagkatao ko –hay buhay inlove na yata ako

Dahil sa naisaloob kung yun bigla ko naalala yung message in the bottle ko na tinapon sa dagat –naiisip ko saan kayang parte ng mundo ito napadpad? –may nakapulot kaya nun? –kaso kung meron man hindi naman din maituturo yun sa akin kasi wala namang kahit anung palataan na ako ang may ari nun maliban nalang kung makita ko yung bote at sulat mismo –nang bigla kung naalala naman yung perfume na bigay ni Slater kasi yun yung empty bottle na ginamit ko at papano nya nalaman na yun yung favorite perfume ko??? –mga tanung sa isip ko na kilangan kung malaman ang kasagutan

Si Slater kaya ang nakapulot ng bagay nayun? –posible kaya? –gugustuhin ko mang siya pero papano mangyayari kung ang ama ko eh pursigedo sa kagustuhan nya –tama si kuya Carlo masasaktan lang kami pareho –kaya sana hindi nalang siya –sana wala talaga kaming koneksyon para hindi mahirap tanggapin ang mga pangyayari –haaaaayyyyy (nag sigh ako sobrang lalim) makatulog na nga lang

Galit kaya siya sa akin dahil hindi ko nasagot ang tawag at di ako nakapag reply sa text niya agad –mga tanung naman ni Slater sa kabila nang pinutol ko na yung tawag nya –e text ko nalang sya alam ko nagising ko siya eh kawawa naman pagod siguro yun pero pilit pinasigla yung boses para lang makausap ako tapos –naging rude ba ako sa pagkausap sa kanya? –tanung nya pa sa sarili nya –itetext ko nalang si Tin pero ano naman sasabihin ko? –hindi papa deliver nalang ako ng flowers sa kanila –naisip ni Slater

At yun nga ang ginawa ni Slater tumawag sya sa isang flower shop sa Manila para magpadeliver ng bunch of flowers (white roses) at may note na kasama –sorry if I maybe rude, sorry if I disturb you while quiescent, please accept my apology. Slater –yun yung mga kataga na sinabi nya sa receptionist nung flower shop na pinag-orderan nya –pagkatapos nyang maibigay ang address ng pagdeliveran pinutol nya na ang linya at naisipan naman na mag text sa akin

Doc. im really sorry

Nagising ako mula sa mahabang pagtulog gabi na pala masyadong napasarap yung tulog ko kung siguro hindi ako nakaramdam ng gutom hindi pa ako magigising –nag-inat-inat lang ako tapos naligo na –pagbaba ko tahimik na yung kabahayan –grabe pati mga tao dito sa bahay puyat din –napangiti pa ako sa naisip ko –ang aga kasi nagsipagpasok sa kanilang mga kwarto eh 9pm palang naman –panu kasi kanya-kanyang pwesto na may mga sinubaybayang teleserye ang mga iyon kasi

Pagkatapos ko kumain lumabas muna ako –sa may garden ako namin magpapahangin hindi rin naman ako makakatulog agad dahil nga sa haba ng tinulog ko kanina –nang may nag door bell tumayo ako lumapit ako sa gate –isang delivery man ang napagbuksan ko tapos yun inabot nya sa akin ang flowers –napakunot noo pa ako sinu naman ang ang padeliver ng florwers ng ganitong oras –tiningnan ko yung maliit na cards galing kay Slater pala –nagtaka naman ako sa message niya bakit siya ng sorry –ako nga dapat diba kasi ako yung naging rude dahil pinutol ko yung tawag nya kanina

Kinuha ko yung phone ko –hala paanong hindi ko namalayan na may message pala ako –yun sorry na naman nabasa ko –ano bang nangyari sa taong ito bakit humingi ito ng sorry wala naman itong ginawa sa akin –kaya tinawagan ko sya at sinagot naman kaagad

Hello –sabi nya sa kabilang linya medyo parang nahihiya pa itong sumagot

Engr. –sabi ko naman –salamat sa flowers ang ganda

Salamat naman at nagustuhan mo pala –sabi naman nya

Oo naman –bakit nga pala apology note itong nilagay mo? –wala ka naman ginawa ako nga dapat mag sorry diba kasi ako yung naging rude –pahayag ko naman

Hindi Doc inisturbo kasi kita –kahit sinu naman diba kapag naisturbo ang pagtulog mag-iinit ang ulo? –sabi pa nya

Ha? –hindi naman mainit ang ulo ko kanina ah? –sagot ko naman

Eh bakit mo ako binabaan ng phone? -malumay nya pang tanung sa akin

Ah!!! –kasi di ba nasa trabaho ka pa -mamaya pagalitan ka ng boss mo –kasi iniisturbo kita kaya pinatay ko agad bago ka pa mahuli –tumawa pa ako para maniwala sya na hindi ako galit –eh hindi naman talaga ako galit eh –nahihiya nga ako ngayun sa kanya kasi nag effort pa talaga syang magpadala ng flowers eh ako naman may tupak

Sorry nga pala talaga Engr. ha –hindi ko nahintay yung sagot mo nung pinatayan kita ng phone –sorry talaga –nag peace sign pa ako as if naman nakita nya ang ginawa ko

Okay lang yun so anu bati na tayo? –masigla naman nyang sabi

Bati? –eh di naman tayo nag-ayaw –bakit kilangan natin magbati –patawa ka rin ano? –sagot ko naman pero sa totoo lang kinilig ako

Basta sabihin mo muna bati na tayo –sige na –para pang bata nyang ulit

O sige bati na tayo –sabi ko nalang din –tapos nagkwentuhan pa muna kami kamustahan hangang sa pinutol na namin yung usapan pinagpahinga niya na ako ulit –kaya sabi ko pahinga na rin siya.

Message in the BottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon